🦋ENJOY READING, HONEYS🦋
KUMUNOT ang noo ni Aubrey nang bigla na lang namatay ang nasa kabilang linya. Tumunog muli ang cellphone ngunit hindi na iyon numero ng binata. Sinagot niya ang tawag at ang rider pala iyon ng inorder niya sa McDo.
Lumabas siya ng bahay at lumabas sa eskenita. Hindi naman siya nahirapang hanapin ang rider dahil pagkalabas niya sa kalsada ay nakita niua kaagad ito.
Tinanong nito ang pangalan bago inabot sa kaniya ang order. Binayaran niya iyon at nagpasalamat. Medyo makulimlim na nang bumalik siya sa bahay nila.
Inihanda niya kaagad ang mga pagkain. Dahil siguro sa pagod sila ay nagutom rin sila.
"Hayy! Gusto ko nang matulog," ani Maureen.
"Ako rin," segunda naman ni Joyce.
"Same," ani naman ni Tala.
Inirapan ito ni Maureen. "Akala mo naman ay malaki ang naimbag mo."
Sumimangot si Tala. "Ate, oh!" Sumbong nito.
"Ano? Sumbungera! Paano kapag wala na rito si ate?" Ani pa ni Maureen.
She tsked. "Tama na iyan! Kayong dalawa talaga, palagi kayong nagtatalo," suway niya sa dalawa.
"Bakit naman mawala si ate?" Inosenteng tanong ni Tala.
Alam niyang hindi sa lahat ng oras ay magkakasama sila pero baka hindi iyon maintindihan ni Tala. "Hindi naman ako mawawala," aniya.
Ngumiti si Tala sa kaniya. "I know."
Seven palang ng gabi ay naglatag na ng higaan ang mga kapatid niya at nakahiga na. Wala nang may hawak ng cellphone at handa nang matulog. Samantalang siya ay nakaupo lang sa sofa at tinititigan lang ang screen ng cellphone, nag-aabang kung may tatawag pa doon o wala na.
Akmang ibaba na niya nang umilaw ang screen at kaagad niyang nakilala ang huling numero ng binata. Napahaplos siya sa puso at kinakabahan na excited niyang sinagot ang tawag. Pakiramdam niya ay para siyang teenager kung kiligin, siguro ay dahil hindi naman niya naranasan ang buhay teenager, natapos iyon sa pagsusumikap magtrabaho.
"H-hello," nauutal na bati niya sa mababang boses.
Napapasulyap siya sa mga kapatid. Mabuti na lang ay maagang nakatulog.
"Dapat ay Hello, babe," malambing na boses na anito.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Nagihing habit na niya iyon kapag kausap si Dillon at hindi na siya magugulat kung magkakasugat ang pang-ibabang labi niya.
Tumikhim siya. "Bakit ka napatawag?" Tanong niya sa casual lang na tono kahit ang totoo ay halos hindi na siya makahinga ng maayos dahil sa bilis ng tibok ng puso niya.
"Hindi ba sinabi ko sayo na tatawag ako?" Anito.
Napatango-tango siya habang pinapakinggan nang maigi ang bawat paghinga nito. Kahit siguro hindi magsalita ang binata ay ayos lang.
"Bakit nga pala naputol bigla ang linya mo kanina?" Ngayon niya lang naalalang itanong iyon.
Napaubo ito bago tumikhim. "I had to calm myself–err my breathing."
Kaagad siyang nag-alala. "Bakit? Anong nangyari? May sakit ka ba?" Sunud-sunod niyang tanong.
He chuckled sexily. "Hindi, babe. Wala akong sakit. It's just that...you call me babe," humina ang boses nito sa huling linya.
Pinigilan niyang mapangiti pero sa huli ay nagtagumpay parin ang labi niya. Hanggang sa ang ngiti ay nauwi sa mahinang pagtawa.
Nangingiting humiga siya sa sofa at ipinukos ang buong atensiyon sa kausap.
BINABASA MO ANG
Aubrey: The Stripper (Dark Series Book 5)
General FictionAubrey Lozano, once a young girl who dreamt to be a flight attendant someday but due to the fact that they are living in a place where you must die to earn a single centavo, and strive to feed your stomach, she had long given up about her dream. At...