ENJOY READING, HONEYS🦋
ISANG MALUTONG na sampal ang ibinigay niya sa binata pagkatapos niyang makabwi mula sa pagkagulat. Nangatal ang palad niya sa sobrang lakas ng sampal na iginawad niya rito, umani nang malakas na tunog ang ginawa niya.
Lumalim ang paghinga niya habang nakatigin sa nakatabinging ulo ng binata. Bakas na bakas sa kanang pisnge nito ang palad niya gawa ng sampal. Bigla siyang kinabahan para sa sariling buhay. Baka talagang ilaglag na siya nito sa dagat, mabuti sana kung marunong siyang lumangoy.
Naninigas ang mga tuhod na umatras siya ng paisa-isa. Nangunot ang noo niya nang bigla na lamang itong tumawa ng malakas na parang may nakakatawa sa ginawa niya.
"D-dating adik ka ba?" Kinakabahan man ay nagawa parin niyang magtanong.
Tumatawang hinarap siya nito habang napapailing. "God! That was a very strong slap," tumatawa parin ito.
Siya naman ay pinagpapawisan na ng malamig. Malay ba niya sa kung anong tumatakbo sa isipan ng binata. Labis-labis ang pagtahip ng kaniyang puso dahil sa kabang nararamdaman.
"H-hinalikan mo ako ng walang pahintulot," aniya.
Ngumisi ito. "Oh, so...dapat may pahintulot muna sa susunod. Alright,"
Napapikit siya ng mariin dahil sa narinig. Mukhang high blood ang aabutin niya dahil sa binata. Talagang tumataas ang dugo niya, hindi lang, kumukulo pa ang dugo niya sa tuwing nagkakausap sila.
"Baliw!" Inis na bulong niya at sinasadyang binangga niya ang balikat nito.
Nagmartsa na siya papasok sa loob. Wala rin naman siyang mapapala sa binata. Mabuti pa ay hanapin na lang niya ang waiter kanina dahil baka puwede siyang makahiram ng cellphone dito nang matawagan niya o ma-text man lang ang mga kapatid.
"Hey! Wait!" Humahangos na anito.
Umikot ang mga mata niya. Talagang hinabol siya nito. Mas binilisan niya lalo ang paglalakad. Kaya lang ay humahabol parin ito.
"I'm sorry," anito.
Hindi siya umimik at kulang na lang ay tumakbo na siya para lang maiwan na niya nang tuluyan ang binata.
"I said I'm sorry," pangungulit pa nito.
Bahala ito sa buhay nito! Nakakarami na, eh!
Naramdaman niyang hinawakan nito ang braso niya kaya naman bahagya siyang tumigil sa paglalakad at inagaw ang braso niya.
"Ano ba?!" Inirapan niya ito bago ipinagpatuloy ang paglalakad.
"Sorry...sorry na please," seryosong anito.
Hindi parin niya ito nilingon.
"What do you want me to do? Hmm?" Puno ng pagsusumamo ang boses nito.
Kaya lang ay talagang ginalit siya nito kaya pasensiyahan silang dalawa. Nang sa wakas ay nakarating na siya sa room niya ay mabilis siyang pumasok sa loob at malakas na sinaraduhan ng pinto ang binata.
Nanghihinang nahiga siya sa malambot na kama habang wala sa sariling nakatitig sa kisame. Damang-dama niya ang lungkot at pag-iisa, ramdam na ramdam niyang nakakulong siya. Sa tuwing naiisip niyang nasa kalagitnaan sila ng karagatan ay para siyang sinasakal. Gusto na niyang umuwi.
Namalayan na lang niya na umiiyak na pala siya. Hanggang sa may narinig siyang kumakatok sa pintuan. Suminghot-singhot siya.
"Are...are you alright?" Tila nag-aalanganin ang boses ng binata. "I'm sorry, okay? Gusto mo bang tawagan ang mga kapatid mo? I'll let you, just...just stop crying."
BINABASA MO ANG
Aubrey: The Stripper (Dark Series Book 5)
Ficción GeneralAubrey Lozano, once a young girl who dreamt to be a flight attendant someday but due to the fact that they are living in a place where you must die to earn a single centavo, and strive to feed your stomach, she had long given up about her dream. At...