🦋ENJOY READING, HONEYS🦋
BUMALIK na si Aubrey sa pagiging PA ni Dillon nang umayos na ng tuluyan ang paa ni Tala. Kaya na nitong maglakad at nakapag-aral narin. Sa nakalipas na dalawang linggo ay kasama nila ang kasintahan sa Condo tuwing gabi dahil doon na nga talaga ito nanirahan.
Nasa opisina siya ng binata at kasalukuyang inaayos ang mga papeles na inutos sa kaniya ng binatang ayusin. Nasa conference room ang kasintahan dahil may meeting at kasama ang daddy nito.
Natigilan siya sa ginagawa nang marinig ang katok sa pintuan ng opisina. Wala si Julius, ang assitant ni Dillon dahil sinama ito sa meeting. Lihim siyang napangiti nang matuldukan ang hinala niya sa binatang iyon. Si Julius ay isang bakla at sinabi sa kaniyang siya palang daw ang nakakalam ng tunay nitong katauhan sa hospital. Hindi naman kasi gaanong mahahalata rito, dahil sa nalaman ay nakomportable siya lalong kausap ito.
Kumatok muli ang nasa likod ng pintuan kaya nama tumayo siya mula sa swevil chair ng kasintahan at tinungo ang pintuan.
Nang buksan niya ito ay bumungad sa kaniya ang head manager na labis na nagpakulo ng dugo niya pero hindi niya pinahalata.
"Where's Doc. Dillon?" Mataray na tanong nito.
"Pasensiya na pero may appointment ka sa kaniya?" Tanong niya, pinipilit na maging casual lang ang boses kahit pa ang totoo ay gusto na niyang ibagsak ang pintuan sa mukha ng babae.
"At sino ka naman?" Sa halip ay tanong nito. Tiningan siya nito mula ulo hanggang paa. "One of his b*tches? I guese I'm right, you really look like a b*tch!"
Kumuyom ang kamao niya kasabay ng pag-igting ng panga niya. "Makaka-alis ka na kung wala kang appointment sa kaniya," sa halip ay aniya.
Ayaw niyang maging patola.
"Sino ka ba?" Matinis ang boses na tanong nito.
"PA niya ako at makaka-alis ka na," aniya sa kalmadong boses.
Nanguuyam itong ngumiti. "Ew! PA ka lang pala. So cheap!"
Matalim niya itong tinitigan. "Oo PA lang ako, ano naman kung isa kang Head manager kung basura naman ang ugali mo!"
Malakas na umigkas sa pisnge niya ang malutong nitong sampal. Hindi niya iyon napaghandaan kaya naman bahagya siyang napaatras. Akmang susugod rin siya nang bigla na lang siyang makaramdam ng pagkahilo, unti-unting nandidilim ang paningin niya. Pero kahit ganoon ay pinilit niya ang sariling tumayo ng tuwid.
"Lalaban ka pa?" Bigla siya nitong itinulak.
Tumama ang balakang niya sa pintuan. Imbes na ang balakang ang sumakit ang ang puson niya ang nanakit. Napahawak siya roon habang unti-unti siyang mawawalan ng lakas ay unti-unti na ring lumiliit ang nakikita niya.
Bago siya tuluyang nawalan ng malay ay narinig niya ang malakas na tinig ng mommy ni Dillon na sumisigaw ng tulong.
DILLON was busy listening to the reporter discussing about adding laboratory rooms in the Conley's Hospital Provincial branch.
Natigilan siya sa pakikinig nang marinig na tumunog ang cellphone niya at nabasa ang pangalan ng mommy niya sa screen.The reportes paused a bit. Tinanguan niya ito. "Continue," he said before he answered the phone call.
Kaagad niyang narinig ang nagpa-panic na boses ng ina. "Nasa Emergency room 207 sa twenty-seventh floor. Dinugo si Aubrey. Come down here, leave whatever meeting you are now. Aubrey's more important than every freaking meeting!"
Kaagad siyang napatayo sa narinig.
Napatingin sa kaniya ang ama at nagtanong.
"What's the matter, son?"
BINABASA MO ANG
Aubrey: The Stripper (Dark Series Book 5)
Ficção GeralAubrey Lozano, once a young girl who dreamt to be a flight attendant someday but due to the fact that they are living in a place where you must die to earn a single centavo, and strive to feed your stomach, she had long given up about her dream. At...