ENJOY READING, HONEYS🦋
PARANG siraulong nagpabalik-balik ang dalaga ng lakad. Hindi mawala sa isipan niya ang halik ng binata. Naiinis na napapadyak siya ng paa.
"Sh!t naman, oh! Mababaliw pa yata ako rito!" Inis na bulong niya sa sarili.
Nang mapalapit siya sa pintuan ay pinihit niya iyon. Kumalabog ng mabilis ang kaniyang puso nang bumukas ang pintuan. Parang magnanakaw na sumilip siya sa labas. Wala siyang nakitang tao kundi tahimik at mahabang pasilyo ang bumungad sa kaniya. Maingat siyang lumabas at isinaradong muli ang pintuan sa likod niya. Walang ingay siyang naglakad sa mahabang pasilyo.
Kung sa ibang pagkakataon sana ay nagbubunyi na siya dahil sa wakas ay nakasakay na siya ng barko pero hindi, hindi dapat siya magsaya. Kailangan na niyang umuwi dahil baka nag-aalala na ang mga kapatid niya, at isa pa ay kailangan na niyang magtrabaho ulit.
Napakaraming pintuan ang nadaraanan niya. Bawat pintuan ay may numero sa harap katulad nang sa mga hotel. Wala man lang siyang marinig na kaunting kaluskos kaya naman nakakaramdam siya ng kaunting takot.
"—ayy multo!" Biglang hiyaw niya nang may maapakan siyang bagay at muntik pa siyang mapasubsob.
Nagpalinga-linga siya sa paligid dahil baka may biglang taong sumulpot at ibalik na naman siya sa kuwartong iyon. Nakahinga siya nang maluwang nang wala naman.
Ipinagpatuloy niya ang paglalakad nang tahimik at maingat kahit na hindi naman talaga niya alam kung saan siya papunta.Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay nakarating siya sa uluhan ng barko. Mabilis na nilipad ng hangin ang kaniyang buhok. Bahagya siyang napapikit nang tumama sa balat niya ang araw. Naglakad siya palapit sa railings at doon ay ipinatong ang mga braso habang nakatingin siya sa asul na karagatan.
"Ang ganda naman," pagkausap niya sa sarili.
Maaliwalas ang kalangitan at asul na asul ang karagatan. May mga ibon pa siyang nakikitang lumilipad. Idinipa niya ang mga braso para namnamin ang simoy ng hangin. Ngayon palang niya naranasan ang ma-relax ulit at napakasarap niyon sa pakiramdam.
"What are you doing here?"
Napaigtad siya nang marinig ang boses ni Howelle. Itinirik niya ang mga mata dahil sa inis sabay harap dito. Bahagya pa siyang nagulat nang malapit lang pala ito sa kaniya.
"Sa ibang paraan ko gustong makita ang pagtirik ng mga mata mo," saad nito sa seryosong boses.
Hindi alam ni Aubrey kung nagbibiro lang ba ito o sadyang magkaiba lang sila ng iniisip. Lihim siyang napailing.
"Anong ginagawa mo rito?" Ulit na tanong ng binata.
"Magpapakamatay na!" Pabalang niyang sagot at tinalikuran niya ito.
Kanina ay nare-relax pa siya, ngayon ay hindi na!
Bumuga siya nang marahas na hininga. "Ano pa ba ang kailangan mo sa akin? Kailan niyo ako balak na paalisin sa barkong ito?" Seryosong tanong niya habang nakatingin sa kawalan.
Naramdaman niyang tumabi sa kaniya ang binata. Ipinatong rin nito ang mga siko sa railings at tumingin sa malayo.
"It depends on you," maikling tugon nito.
Ipinikit niya ang mga mata ng mariin. "Ano pa bang kulang sa mga sagot ko!? Wala akong kinalaman sa kung anong gulo man ito! Biktima lang din ako!"
"Are you really?" Tumitig ito sa mga mata niya na parang binabasa ang buong pagkatao niya.
Hindi siya umiwas ng tingin, halos hindi rin siya kumurap. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya ng nakatiim-bagang.
"Nothing," he answered and shrugged off his shoulder.

BINABASA MO ANG
Aubrey: The Stripper (Dark Series Book 5)
Ficção GeralAubrey Lozano, once a young girl who dreamt to be a flight attendant someday but due to the fact that they are living in a place where you must die to earn a single centavo, and strive to feed your stomach, she had long given up about her dream. At...