EPILOGUE

671 19 9
                                    

THIS IS THE LAST PART OF BOOK 5. SANA AY NAPASAYA KAYO NG KUWENTO DAHIL MASAYA AKONG UMABOT KAYO RITO. THANK YOU SO MUCH FOR THE SUPPORT, HONEYS. I LOVE YOU ALL

        🦋ENJOY READING, HONEYS🦋

LUMIPAS ANG limang buwan, at sa loob ng limang buwan na iyon sa mansiyon ng mga magulang ni Dillon sila nakatira kasama ang mga kapatid niya at mga magulang nito na nagdesisyong manatili muna sa pilipinas hanggang sa manganak daw siya. Sa mga nakalipas na buwan ay walang nagbago sa kanila ng binata, mas tumibay pa ang kanilang relasiyon. Minsan ay nag-aaway pero hindi naman malala, ang dahilan lang naman kasi ng pag-aaway nila ng kasintahan ay ang pagiging seloso nito na minsan ay hindi niya na nagugustuhan bukod doon ay wala na. Si Dillon ay walang ibang ginawa kundi ang iparamdam sa kaniya ang pagmamahal nito, ang alagaan siya, palagi nitong unuuna ang kaligtasan niya at ang mas nakakapag-pasaya ng puso niya ay kung paano rin nito ingatan ang mga kapatid niya.

Sa limang buwang nakalipas ay nalaman niyang nagpapagaling na ang nanay nila mula sa operasiyon nito. Masaya na siyang malaman iyon kahit pa hindi na sila nakapag-usap ulit ng ina kahit sa telepono man lang. Masaya na siyang buhay ito.

Pagkalipas rin ng limang buwan ay naipatayo na ni Dillon ang bahay na gusto nito para sa kanila. Nandoon nga sila, kasama niya ang mga kapatid at magulang nito.

Sabay-sabay nilang tiningan dahil tanging si Dillon lang ang bumibisita roon habang ginagawa pa. Ang sabi sa kaniya ay para surprise daw.

Nang makapasok sila sa gate ay bumungad sa kaniya ang two-storey modern looking house. Pinaghalong puti at itim ang kulay ng bahay. Sa ikalawang palapag ay may open-air area at natatanaw niyang may swimming pool.

"Welcome to our home," masuyong bulong nito habang nakayakap mula sa likod niya.

Namamanghang tiningnan niyang muli ang bahay. "Napakaganda," bulaslas niya. "Salamat sa paggawa ng tahanan natin."

Naramdaman niyang hinalikan ng binata ang tutok ng buhok niya. Napapapikit na lang siya.

"Sasamahan mo ako sa tahanang ito hanggang sa ating huling hininga. Dito tayo magsisimula at bubuo ng sarili nating pamilya, mangako ka sa akin na hindi mo ako iiwan kahit na anong pagsubok pa ang dumaan sa atin dahil ako ay nangangakong mamahalin ka at iingatan kasi ikaw na ang tahanan ko, tandaan mo iyan."

Nangingiting hinarap niya ito. Ipinalibot ang braso sa leeg ng kasintahan. "Aalagan, pagsisilbihan at mamahalin rin kita hanggang sa aking huling hininga. I love you, mahal ko."

Namumula na ang magkabilang tenga nito at alam niyang kinikilig na naman ito.

"That word mahal ko has really massive impact on me."

Tumingkayad siya para halikan ito sa labi kapagkuwan ay napatingin siya sa mga kapatid na nag-ala model sa bakuran ng bahay nila, kasama ng mga ito ang magulang ni Dillon. Ang daddy ng kasintahan ang taga-picture, pagkatapos ay ang mommy naman nito at ang daddy ay pagigitnaan ang mga kapatid niya. Kitang-kita niya ang tuwa sa mukha ng mga magulang ni Dillon dahil alam niya kung gaano ng mga ito kagusto ang magkaroon ng anak na babae kaya naman tuwang-tuwa ang mga ito sa kanila.

"Buksan na natin," aya ng binata.

Magkahawak-kamay nilang tinungo ang maindoor. Ibinigay sa kaniya ng kasintahan ang susi. Nangigiting inilagay niya iyon sa seradura bago pinihit.

Sabay nilang tinulak ng kasintahan ang pintuan. Kaagad na ipinilabot niya ang tingin sa high ceiling nilang bahay. Sa unahan ay ang may kataasang staircase na hinalintulad ang gulay sa ginto.

Aubrey: The Stripper (Dark Series Book 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon