CHAPTER 11

438 9 0
                                    

WARNING! MATURED CONTENT AHEAD!

🦋ENJOY READING, HONEY🦋

AFTER NILANG mag-dinner ni Howelle ay inaya siya nito sa Bar na nasa loob ng barko. Tuwang-tuwa siya dahil sa imbitasiyon nito. Talagang masusulit ang pagka-stranded niya sa barko.

Hawak ng binata ang isang kamay niya habang naglalakad sila sa malawak na bar. Tahimik iyon, medyo dim ang kulay ng ilaw sa loob. Tahimik at walang katao-tao. Tumingala siya at doon nakita ang mga disco balls na tanging isang kulay lang ang gumagana; gold, at hindi umiikot. Dumiretso ang tingin niya sa bar counter, sa likod niyon ay malawak at malaking beers cellar, iba't iba ang mga inuming nandoon at hindi pa basta-basta ang brand ng mga alak. Alam niyang mamahalin iyon, lalo na ang mga wine na nasa pinakaunang section ng cellar.

Kumikintab ang sahig-hindi, ang buong bar ay kumikinang. Nahuhulaan niya nang mga mayayamang tao lang ay may kayang pumasok doon. Naghahalo ang kulay silver at gold sa loob na may halong itim.

Dumako ang tingin niya sa dance floor. May katamtamang entablado sa gitna ng dance floor na pole.

Kahit nang maupo na siya sa isang stool sa harap ng counter ay namamanghang inililibot niya ang tingin sa loob.

"Wine or beer?" Howelle asked.

Tumuon ang atensiyon ng dalaga sa kaniyang harap kung nasaan ang binata.
Napaisip siya kung ano ba talaga ang iinumin niya. Sa sobrang kagustuhan niyang sulitin ang lahat ng nandoon ay hindi niya tuloy alam kung ano ang uunahin.

"Wine na lang," kapagkuwan ay sagot niya.

Kahit sa bar siya nagtatrabaho ay hindi naman siya mahilig uminom lalo pa't alam niyang mababa ang tolerance niya pagdating sa mga alak. Napatingin siya sa mga nakahilerang iba't- ibang alak sa cellar. Gusto niyang subukan ang mga iyon dahil malabo na siyang magkakaroon ng tiyansang makainom pa ng ganoon ng libre. Kung bibilhin niya ay nunkang iinom pa siya, e, hindi naman niya hilig ang uminom. Gusto lang talaga niyang sulitin ang pagkakataon.

"We have strawberry wine here. Do you want to try it?" Tanong muli ni Howelle.

Mabilis siyang tumango. "Kung pwede ko ngang tikman ang lahat ng iyan." Tinuro pa niya ang cellar.

Howelle shrugged. "Sure, why not?"

Napangiwi siya. "Mababa ang tolerance ko sa mga alak," pag-amin niya.

Napatango-tango ito. "Alright. We'll drink wine na lang. One wine glass for one flavor, gusto mo?" Kinindatan pa siya nito.

"Sige ba," confident na saad niya.

"O, puwede namang shot glass ang gamitin natin para matikman mo lahat," suhesitiyon pa ng binata.

Umiling siya. "Naku! Kaya ko na iyan. Game na," excited na aniya.

After five glasses of wine, Aubrey found herself dancing enthusiatically on the pole. In the middle of dance floor, a woman who was drunk just after drinking five glasses of wine was dancing seductively even without music. Howelle intense stares was enough to make her dance like that.

"H-halika." Halos sumuray na siya habang sumasayaw na ng mabagal. "Siiyaaw tayoo ohh!" Para siyang batang tumalon-talon habang kinakawayan pa ang binata.

"She's adorable when druh, huh," natatawang bulong ng binata habang nakatanaw sa dalagang hindi alam ang epekto ng pagsasayaw nito sa kaniya. Napapailing na lang siya.

Linapitan ni Howelle ang dalaga. "Come here. Bumalik na tayo sa room mo para makapag pahinga ka na."

Mabilis na umiling si Aubrey sabay nguso. "Ayaw." Para siyang batang humakbang palayo rito. "Gusto ko ditow! Ayaw ko pa matuloog!" Umiling-iling pa ito.

Aubrey: The Stripper (Dark Series Book 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon