🦋ENJOY READING, HONEYS🦋
MABILIS NA lumipas ang mga araw. Hindi namalayan ni Aubrey na inabot na siya ng isang linggo at tatlong araw sa loob ng barko nang hindi nakakaramdam ng pagkabagot. Nanatili nga sa tabi niya ang binata. Inalagaan siya nito habang hindi pa niya kayang maglakad pero ngayon ay maayos na ang pakiramdam niya.
Habang naglalakad siya ng walang direksiyon sa loob ng barko ay may munting ngiti sa kaniyang labi. Hindi na talaga nawala sa isipan niya ang mukha ng binata, ang mukha ng nagpapasaya sa kaniya.
Naputol ang pag-iisip niya nang hindi niya namalayang napunta siya sa isang pool area. Umawang ang labi niya sa nakikita.
"Wow!" Naibulaslas niya.
Hindi niya alam na meron pala n'un ang barko. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang lumalangoy roon ang ilang mga kasamahan niya. Sa loob ng mahigit isang linggo ay wala siyang nakita ni isa sa mga ito.
Nang mapansin siya ng mga ito ay tulad nila ay nagulat rin.
"Hoy! Girl, nandiyan ka pala," tila gulat na gulat na ani ng isang babae.
Wala talaga siyang kakilala sa mga kasamahan niya.
Naglakad siya palapit sa mga ito. Naupo siha sa gilid ng pool. Ang tatlong babae ay lumapit ng bahagya sa kaniya.
"Akala namin ay hindi ka namin kasama rito," panimula ng babaeng may suot na kulay puting two piece.
Hala! Bakit ang mga ito ay may mga pa-two piece pa? Samantalang siya ay nanghihiram lang ng maisusuot sa binata. May favoritism bang nagaganap? At bakit tunog siya lang ang hindi nila nakikita?
"Huh? Akala ko ay bawal gumala-gala? Ngayon pa nga lang ako nakalabas sa kuwarto ko nang walang kasama, e," aniya sa naguguluhang tono.
"So..may bantay karin pala?" Tanong ng isa namang nakasuot ng kulay pulang one piece. Mas lalong nangibabaw ang maputing kulay ng dalaga.
"Meron din sa inyo?" Tanong niya.
Umiling ang anim na dalagang nandoon sa pool.
Natahimik siya. Lahat ba ay naranasan ang mga naranasan niya? Lahat ba ng mga bantay na iyon ay umaaktong parang boyfriend nila?
"Sana nga ay wala na, e. Wala ring silbi kasi hindi naman ako kinakausap. Papasok lang sa silid ko kapag hahatiran ako ng pagkain tapos lalabas na naman. Kapag sinasabi kong maglilibot ako ay ihahatid niya ako sa gusto kong puntahan tapos babantayan niya lang ako sa malayo. Ni hindi ko nga alam ang pangalan ng isang iyon!" Mahabang reklamo ng isang dalagang naka hot pink ang kulay ng swimsuit.
Sumabat naman ang isa. "Mukha bang makaka-alis tayo rito? Hello! Nasa gitna tayo ng karagatan noh! Hindi natin kayang lumangoy."
Tahimik na lang siyang nakinig sa mga reklamo ng mga ito. Ibig sabihin ay hindi ang mga ito close sa mga bantay nila. Siya lang talaga.
"Basta ang sabi sa akin ay makakauwi rin tayo," saad pa ng isang dalaga.
Kapagkuwan ay nabaling ang tingin nila sa kaniya ulit.
"Ikaw lang talaga ay hindi namin nakakasama. Hindi ka naman siguro nababagot na?" Tanong ng isa.
Paano siya mababagot? May isang poging maharot siyang kasama. Napailing na lang siya sa sariling naisip.
"Lagi ba kayong magkakasama?" Sa halip ay tanong niya.
Sabay-sabay ang mga itong tumango.
"Minsan ay marami kami pero minsan ay ganito lang. Tamad kasi iyong iba at mas pinipiling matulog na lang," saad pa ng babaeng naka white ng two piece.
![](https://img.wattpad.com/cover/317119317-288-k403795.jpg)
BINABASA MO ANG
Aubrey: The Stripper (Dark Series Book 5)
General FictionAubrey Lozano, once a young girl who dreamt to be a flight attendant someday but due to the fact that they are living in a place where you must die to earn a single centavo, and strive to feed your stomach, she had long given up about her dream. At...