CHAPTER 18

412 12 0
                                    

🦋ENJOY READING, HONEYS🦋

BINUHAT siya ng binata ng parang bagong kasal palabas sa bar. Hindi nakalagpas sa pandinig niya ang pag-alma ng mga costumer na nadadaanan nila.

"Fcvk! Si Queen ba iyon?" Rinig niyang tanong ng isang lalaki.

Hindi niya magawang iangat ang ulo dahil isubsob na ng binata ang mukha niya sa matipunong dibdib nito.

"Stay still," marahas ang boses na utos nito sa kaniya.

"Hoy! Sino ka?"

"Ibalik mo siya rito! Magsasayaw na siya!"

Naipikit na lang niya ng mariin ang mga mata.

"Bastos tong isang to ah!"

Nag-iingay na ang paligid pero mukhang walang naririnig ang binata. Hanggang sa makalabas sila nang tuluyan.  Idiniposito siya ng binata sa passenger seat. Kaagad siyang umalma.

"Teka!" Itinulak niya ang pintuan kaya lang ay naka-locked iyon.

Pagkalipas ng ilang segundo ay sumakay rin sa driver seat si Dillon.

"Saan mo ako dadalhin?" Itinago niya ang kaba sa kaniyang boses.

"To my place," maikling sagot nito.

Gusto niyang magtanong pa, gusto niyang umayaw kaya lang ay naalala niyang tinaggap na pala niya ang pera nito. Kumuyom ang kaniyang kamao, nasa loob siya ng isang mamahaling sasakyan kasama ang mayamang binata dahil trabaho niya iyon. Wala siyang karapatang magtanong dito. Dapat niyang itatak sa isipan na nang oras na tinanggap niya ang pera nito ay susundin niya kung ano ang gusto nito sa kaniya.

Pero... alam niyang hindi iyon ang pinagpuputok-butsi niya. Alam niyang ang pagpapanggap ng binata ang ikinagagalit niya.

"Wala ka na bang balak na kausapin ako? Where's my sweet babe?" Malumanay ang boses nito ang bumasag sa katahimikan habang binabaybay nila ang daang hindi niya alam.

Huminga siya ng malalim. "Ikaw? Wala ka bang balak na itigil ang pagpapanggap mo?" Hindi niya maiwasang hindi magtaas ng boses. "Wala ka nang makukuha sa akin dahil naibigay ko na sa'yo, at huwag mo sabihing nandito ka na naman para obserbahan ako!" Galit niya itong hinarap. "Sinasabi ko sayo, hindi ako spy at wala akong kinalaman sa mga iyan. Hayaan mo na akong magtrabaho at itigil mo na ang pagpapanggap mo!"

Napipilan ito bago iginilid ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Pinailaw nito ang emergency light ng sasakyan.

"Saan mo nalaman iyan? I'm pretty sure I haven't told you that," kunot ang nuong tanong nito.

Pagak siyang natawa. "At kailan mo naman balak na sabihin sa akin?"

Marahan nitong kinuha ang isang kamay niya at mabilis naman niyang binawi.

Bumuntonghininga ito. "Noong pauwi na kayo. Hindi ba sinabi ko sayo na sa akin na sumabay. Doon ko sana sasabihin kaya lang hindi ka naman—"

"Kasalanan ko pa ngayon!" Malakas ang kaniyang boses. "Nong umagang uuwi na tayo, hindi ba pumunta ka rin sa room ko, bakit hindi mo pa sa akin sinabi? Alam mo bang hinihintay kong may sabihin ka sa akin kaso ipinagpatuloy mo lang ang pagpapanggap. Ngayong nahuli niyo na kung sinumang hayop na spy na iyon, hindi mo na kailangang magpanggap sa harap ko!" Hinihingal siya pagkatapos niyang magalit.

He tried to reach out Aubrey's hand but the later moved away.

Nangungusap ang mga matang tiningnan nito ang dalaga. "Calm down, babe—"

"Huwag mo akong ma babe-babe!" Asik niya.

"I'm sorry, okay? I'm sorry for accusing you as a spy."

"Sa pagpapanggap mo? Hindi ka hihingi ng tawad?"

Aubrey: The Stripper (Dark Series Book 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon