"Sumama ka! It's our batchmates's party. May iba kasing hindi na dito sa San Vincente mag aaral kaya mas mabuting kahit sa huling pagkakataon ay makasama man lang natin sila!"
Bumuntong hininga ako at umupo doon sa kahoy na upuan dito sa aming bakuran. Kanina ko pa tinatanggihan ang kaibigan ngunit ayaw yatang tumanggap ng salitang 'ayaw'.
Naglakad din siya at tumayo sa harapan ko. Nakapamewang pa.
"Then, can't you go? May nangyari ba? Sa nagdaang araw ay parang wala ka sa sarili at kahit man lang kamustahin ako ay hindi mo magawa!" Medyo nagtatampo niyang sabi.
So, dapat susuyuin ko siya kasi nagtampo siya dahil sa hindi ko siya kinakamusta? Lalaki na pala ang sinusuyo ngayon?
"Ano na naman problema mo? Puso na naman 'yan? Nako, Arabella! Huwag mo akong aandaran kapag tungkol na d'yan ang problema mo! Sinabihan na kita, ang tigas kasi ng ulo mo—-"
"Nye! Nye! Dami mong sinasabi! Ako ba ang pumunta sa bahay niyo at kinukulit kita para samahan ako?"
"Ayan!" Bigong puna niya sabay turo sa akin.
Kung makaturo ay parang kay laki ng utang ko sa kanya. Ni kahit piso, wala!
"Natututo ka na ng mga ganyang ugali. Hindi ka naman ganyan noon! Bad influence talaga 'yang De Guzman na—"
"Shut up, Gregorio!" Putol ko sa kanya.
Pinanliitan niya ako ng mata. Base sa mga tinginan niya sa akin ngayon ay parang alam na niya ang nangyari sa akin. Hindi ko na nga sinabi kasi masyadong hindi maganda ang mga nalaman ko tapos kung makatingin ay parang nanghuhusga.
Walang ibang nakakaalam sa problema namin ng aking pamilya kundi ang pamilya ko lamang kaya kung may nalalaman man itong si Gregorio paniguradong hindi iyon ang ang tungkol sa problema ng pamilya namin.
Hindi naman sa ayaw kong pumunta sa kung anong party man ang pinagsasabi nitong kaibigan ko, pero hindi ko magawang pumunta doon dahil sa nais kong sundin ang kung ano man ang sinabi ng isang taong malapit na malapit sa akin pero ngayon ay hindi ko alam kung babalik pa ba ang dating kami. Iyong walang ibang inisip kundi ang maging masaya lang kami. Na kahit na palagi kaming lumiliban sa klase at muntikan na kaming hindi maka-graduate ay ayos pa rin dahil magkasama kami.
Ngayon ay pinakiusapan niya akong hindi muna magpapakita sa kanya. 'Yun lang ang gusto niya.
Alam kong pupunta siya doon sa kung anong party man ang gagawin ng mga kaklase ko kaya mas mabuting ako nalang ng hindi pupunta.
"Okay! Let's skip the love life thing,"
Hindi na muna ako nagsalita. Pagod na tiningnan ko lamang ang mukha niya.
"Ang tahimik mo samantalang kanina pa ako daldal ng daldal dito! Tinatanong kita, uy!" Inis niyang sabi at halos itulak na ako dito sa inuupuan ko.
"Ayaw ko nga 'di ba? Naiintindihan mo ba ang salitang hindi?"
"Hindi! Kaya bakit nga?"
Gulong gulo na ginulo ko ang aking buhok.
Sana hindi na ako lumabas ng bahay nang malaman kong nandito siya.
At dahil sa naririndi na ako sa boses nyang hindi man lang sumukong bwesitin ako. Nakita ko nalang ang sariling nandito sa kung saang bahay ng kaklase naming nagkakasiyahan.
Tuwang tuwa sila pati na ang kaibigan ko habang ako ay halos itago na ang sarili. Nakita ko kasi ang pagpasok ng apat na magkakaibigan. Kitang kita ko din ang mga mata ng iniiwasan ko ngunit sa akin na agad ang tingin pagkapasok pa lang sa bakuran nitong bahay ng kaklase namin.
Hindi ko man lang siya nakitaan ng kasiyahan sa mukha nang makita ako. Hindi katulad noon na masayang masaya siya kapag nakikita akong naglalakad papunta sa kanya o kahit sa tuwing nakikita man lang niya ako.
Tama na ring ganito. Mas mapapadali ang paglayo ko sa kanya kapag ganito.
Nang hindi ko na maramdaman talaga ang kasiyahan, nagpaalam na ako sa ibang mga kaklase. Iyong walang galit na mga kaklase sa akin. Baka pagtulungan pa ako kapag nagpaalam ako sa kanila. Kontrang kontra pa naman ako ng mga kaklase kong babae.
Hindi na ako nagpaalam sa kaibigan. Malalaman din naman niyang umuwi na ako. Tsaka hindi na siya magagalit sa akin dahil pumunta naman ako dito. Kaartehan lang talaga niya kapag magagalit siya.
"Arabelle!" Rinig kong tawag sa akin habang naglalakad ako pauwi.
Nakikita ko na rin ang bahay namin.
Hindi ko alam kung lilingon ba ako o hindi. My kung anong nagtulak sa akin na lingunin ko pero nahahati ang isipan ko. Kaya nga umalis ako doon ay para iwasan siya pero sinundan pa talaga niya ako.
Huminga ako ng malalim at lumingon. Nilakasan ko na ang loob. Bahala na kung ano ang mangyari.
Paglingon ko ay kita ko si Alexis na may dala-dalang timba. Wala man lang kahirap hirap niyang dinala 'yun habang nakalagay sa balikat niya.
Kunot noo ko siyang tiningnan nang makarating siya sa harapan ko. Gaya ng ekspresyon na nakita ko sa kanya kanina, wala pa ring kasiyahan doon.
" 'Di ba sabi ko ay huwag ka munang magpapakita sa akin habang hindi pa kita nakakalimutan?"
Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay inangat niya ang timbang dala at walang kahirap-hirap na ibinuhos sa akin ang lahat na laman ng tubig doon.
Gulat ko siyang tiningnan pagkatapos ay ang sarili kong katawan na basang basa na. Nang tingnan ko siya ulit ay nakita ko siyang parang hindi pinagsisisihan ang ginawa.
"Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagbibiro ako, Arabelle!"
Wala akong ibang ginawa. Tahimik lang ako kahit na medyo nanlalamig na. He warned me about this, and he just did it.
"I won't apologize for what I did, Arabelle, I told you already," he coldly said and walked away.
____
-Rain
YOU ARE READING
Misguided Affection (Highschool Romance Series #2)
RomanceAlexander Louis is a loud, annoying and witty friend and student. Everything for him is just a joke. What if he meets and notices his quiet and kind classmate? Will they understand each other or will it just be a mess? Witness the life of two stude...