Kabanata 7

859 18 0
                                    


Sinundan ko si Alexis hanggang sa makarating siya doon sa may gate ng paaralan namin.

Nandoon pala ang mga pinsan niya, including Betane and her friends. Hinihintay pala nila si Alexis.

I smiled at what I saw. Alexis was laughing while teasing Aubrielle.

Kung kaninang umalis siya ay wala siyang gana kapag titingnan, ngayon ay malaki na ang ngiti niya at kitang kita ko ang kasiyahan sa kanyang mukha.

I shouldn't feel like this. Hindi dapat ako magagalit kay Alexis dahil sa pinanggagawa niya pero hindi ko mapipigilan ang sarili.

Once again, I hoped into nothing. Mas masakit palang umasa ng ikalawang beses.

Arabelle, ayan kita mo na. Si Aubrielle ang ibig niyang sabihin kanina, 'yun ang gusto niya. Alam mo na naman din yun noon pa, bakit ka pa umasa? Kay tanga mo din. Deny ka pa, nagugustuhan mo na pala yung tao.

Habang naglalakad pauwi ay parang kay bigat ng mga paa ko. Hindi naman sa nag eenarte pero mabigat talaga ang mga paa ko.

Nakakatawang isipin na hindi ako nahiwalayan ng kasintahan pero feeling broken hearted ako.


"O? Where's your De Guzman?" my friend asked me when I got home.

Walang lakas akong umupo sa upuan namin dito sa sala at inihilig ang buong katawan sa sandalan.

"Bakit ang tamlay mo? May kung ano na namang hindi niyo napagkaintidihan?"

Ipinikit ko ang mga mata ko, hindi na pinansin ang kaibigang tanong ng tanong.

Nakakawalang lakas pala ang ganitong sitwasyon. Dapat crush lang, e. Bakit ba ako nag iinarte dito?

Ganun naman si Alexis palagi, hindi lang sa akin. Malapit talaga siya sa lahat ng mga kaklase namin kahit yung hindi nga namin kaklase. Masyado siyang palakaibigan kaya dapat ay hindi ako umasang may kung ano mang ibig sabihin sa mga pinanggagawa niya sa akin. Normal na din naman yun sa kanya.

Kung kagaya lang sana noon na napigilan ko ang sarili kong magustuhan siya ay hindi sana ako nag eenarte dito ngayon.

Bagay naman sila ni Aubrielle, parehong may kaya. Dapat sa una palang ay ang estado na ng buhay ang tiningnan ko. He couldn't reciprocate my feelings because he's too good in anything while me was just a nobody.

Ramdam ko ang pag upo ng kaibigan ko sa aking tabi kaya umayos ako ng upo ngunit nakapikit pa rin.

"Are you okay, Arabella?" malumanay niyang tanong.

Umiling ako. Nakakahiya mang isipin ngunit wala naman akong maitatago sa kaibigan ko. Broken pa talaga ako sa walang malinaw na dahilan. Kaya ayaw kong magkagusto,e. Hindi ko na mapipigilan ang sarili ko.

"Ekis na si Alexis, pinapalungkot ka niya."

Hindi ko pinansin ang kaibigan. Baka pagtawanan niya lang ako kapag nalaman niya ang katotohanan.

Kinabukasan ay hindi ako nakapasok dahil inalagaan ko ang kapatid ko dahil sa sobrang taas ng lagnat. Nagulat pa nga ako dahil pagkagising ko ay giniginaw ang katabi ko at sobrang init pa. Wala namang kahit na anong naramdaman niya kahapon kaya hindi ako nalaman na magkakasakit pala siya.

Hindi pa sana papasok si Tatay sa trabaho ngunit hindi ako pumayag dahil makakaya ko namang alagaan ang kapatid ko. Pinagsabihan pa ako dahil dapat daw akong pumasok sa eskwela pero nakumbinsi ko din naman kalaunan.

Alas onse ng umaga ay bumaba na din naman ang lagnat ng kapatid ko kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.

Habang tulog siya ay naglilinis ako ng buong bahay at kapag gising siya pinapakain ko siya at ipinapainom ng gamot kapag oras na ng pagpapainom ng gamot sa kanya. Nagrereklamo pa nga dahil palagi ko nalang pinapakain. Ang sabihin niya nag rereklamo siya dahil ang pangit ng lasa ng kinakain niya. Sorry naman, hindi naman ako si Tatay, hindi ako marunong magluto.

Misguided Affection (Highschool Romance Series #2)Where stories live. Discover now