Kabanata 12

753 17 0
                                    

Akala ko ay pipigilan ako ng kaibigan sa nais kong gawin. Sumuporta naman pala. Kaya siguro lumaki itong ulo ko dahil sa palagi akong sinusuportahan ng aking kaibigan.

Halos itulak pa niya ako ng makita ang grupo nina Angela na papalapit sa aming banda at malaki ang mga ngisi. Noon ay lumalayo pa sila sa akin kapag nakikita nilang kasama ko si Gregorio samantalang ngayon ay hindi na yata natatakot.

At dahil sa sobrang suportado ako ng kaibigan ay iniwan niya ako. Bumalik siya sa dinaanan namin. Hindi pa nga kami nakaka labas ng paaralan, bumalik pa talaga siya. Saan kaya pupunta 'yun?

Away babae daw kaya hindi daw siya mangingialam. Uuwi lang naman sana kami pero nang makita ko ang grupo nina Angela ay gusto ko lang silang pagsabihan. Sumosobra na ang panghihimasok ng mga 'yan sa buhay ko. Tsaka, dihado ako dito. Tatlo itong sina Angela, nag iisa lang ako.

Nagtatawanan pa sila habang nakatingin sa akin. Minamaliit talaga ako.

"Ano, Belle? Sinaktan ka ba ng ama mo? Kamusta? Akala ko santa-santita ang dramahan mo? Hindi pala," nagtawanan sila ulit pagkatapos sabihin 'yun ni Angela.

"Lumalapit din naman kay Alexis kahit na isinumbong na natin, Gel."

"Ganu'n nga kasi talaga. Medyo slight… lang na umangat ang buhay kasi madaming umo-order sa mga paninda, feeling makukuha na ang lahat. Ni hindi nga nahihiyang lumapit sa kay Alexis kahit andyan ang mga magulang." Nagkibit balikat si Mel. "Pangangailangan nga naman talaga."

Tiningnan ko lang sila. Aminado akong hindi nga talaga magandang desisyon ang nagawa ko. Mas guguluhin lang nila ako kapag pinansin ko sila.

"Ang mahirap na katulad mo ay dapat sa mahirap lang dapat. Huwag ka ng mangarap, Belle! Bilang kapwa mo babae ay ako ang nahihiya sa mga pinaggagawa mo!" Umiling sa si Angela pagkatapos ay hinawakan ang braso ko.

Hinawakan ko ang kamay niya at pilit na tinanggal ang pagkakahawak niya dahilan ng kanyang pagtawa ng malakas.

"Damn, Girl! Lumalaban ka na ngayon?"

Tinanggal lang ang pagkakahawak niya ay para sa kanya lalaban na ako?

"Oo nga pala! Matapang ka na," pumapalakpak niyang sabi. " Umuwi na pala ang ina mong sa kung saan-saan nalang nagsusuot sa nagdaang panahon…"

"Hindi naging ina sa kanila kaya hindi na disiplina ang anak. Kaya heto…. Katulad ng ina, napapariwara na din."

Ikinuyom ko ang kamao nang damayin na nila ang ina ko.

"'Di ba, buntis ang ina mo? Sigurado ba na ang ama mo siyang ama din 'nung ipinagbubuntis?----- Aray!"

Mabilis kong hinila ang buhok ni Angela nang hindi ko na mapigilan ang galit. Magtitimpi pa sana ako pero hindi ko na nagawa dahil sa mga pinagsasabi pa nila. Uminit bigla ang nararamdaman ko.

Kahit na nakaramdam na din ako ng panghihila sa buhok ko ay hindi ko inalintana 'yun. Sinisiguro ko talagang malakas ang pagkakahila ko sa buhok ni Angela.

Puro sigaw pa ang ginawa niya at humihingi ng tulong sa mga kaibigan dahil sa nasaktan siya sa malakas na paghila ko sa buhok niya. Puro sigaw kaya hindi nakaganti.

Nawala din naman bigla ang nararamdaman kong panghihila sa buhok ko kaya dalawang kamay na ang ang gamit ko ngayon.

"Huwag mong dinadamay ang mga magulang ko dito! Kung mahirap man ako, mas mahirap ka! Nagmamataas ka pa!" Gigil na sigaw ko.

"Tama na!" Pagmamakaawa niya.

Mas diniinan ko ang paghila ng buhok niya kaya halos ay mapapaluhod na siya sa sobrang sakit.

Misguided Affection (Highschool Romance Series #2)Where stories live. Discover now