"Gusto ko pa mang manatili pero hindi na tayo pinapayagan ng oras. Masakit man pero wala tayong magagawa. CHAROT! Your gorgeous dj will say bye bye bye na! This is Dj Belle. Good evening everyone!"
I turned off my mic and the on-air button after saying my last line here in my program at the radio station.
"Taray! Gorgeous yarn?!" Natatawang biro ng kasama kong dj sa radio station na pinagtatrabahuhan ko.
Tumawa na din ako at kinindatan siya. "Always!" Sabay lagay ng palad ko sa aking baba.
"O siya! Good job. Alis na diyan. May pupuntahan ka pang ibang trabaho!"
Halos itulak pa ako para lang mapaalis na ako doon sa inuupuan ko. Tumayo ako at pinalo ang hindi makapaghintay na babae.
Minsan ko na ring ginustong sipain 'tong babaeng 'to, e. Pero di bale na lang, baka gantihan pa ako.
"Baka ma late kapa, Daii, kaya alis na. Baka kung ano na naman iniisip mo d'yan! Hindi kita pinapaalis dahil sa gusto ko ng mawala dito. Gusto kita, Daii, promise!--"
"Oo na! Dami mong sinasabi!"
"Hep! Hep!"
Nilingon ko siya nang pigilan niya akong makalabas doon sa studio.
"Ano?"
"Kung maka ano naman! Huy, Daii, day off mo bukas then the next day, right? Akin na ang two days recording mo!" Sabay lahad ng kanyang kamay.
"Naka-load na d'yan, daii." Turo ko doon sa computer. "Paki play bukas, ha?"
"May magagawa ba ako? Pasalamat ka at malakas ka sa akin. Kahit two days 'yang day off mo, ayos lang."
"Kasi sikat ako," putol ko sa kanya.
Gaya ng palagi kong ginagawa ay umilag ako sa palo niya. Ngumisi ako sa kanya at itinuro ang nasa harapan niyang mga kailangan niyang atupagin kapag nasa loob na ng studio.
"Oh! Ikaw na. The commercials are done as well as the music. Good luck, Indaii Daii!"
"Makakaganti din ako, Arabelle!" Natatawang sigaw niya ng papalabas na ako ng studio.
Okay.
Pagkatapos kong magawa ang huling routine sa radio station bago pwede ng umalis ay nagmamadali na akong lumabas. Dito ko masasabing tama nga si Indaii Daii. Kailangan ko talagang magmadali para hindi ma late sa huling trabahong pupuntahan ko.
"Hinay hinay lang, Ma'am. Baka madulas ka pa kapag masyado kang nagmamadali," paalala nung guard ng radio station.
"Hindi naman ako tumatakbo, Kuya."
"Pero malapit ka ng magtatakbo."
Ngumiti na lamang ako sa kanya at nagpaalam. Hindi na naman bago sa akin ang palaging paalala na sinasabi sa akin ng guard. Iba ibang paalala kada gabi kapag paalis na ako ng building.
Mas ngumiti ako lalo nang makita ang kotseng nakarpark katabi sa sasakyan ko.
Kung kanina ay halos patakbo na ang lakad ko ngayon ay bumagal ang aking lakad. Kahit sobrang excited ay hindi pa rin ako nagpakita ng kagustuhang tumakbo at pumunta agad doon sa sasakyan na katabi ng sasakyan ko.
Lumabas ang driver ng sasakyan. As usual, he's handsome. Day or night he's really handsome.
"Kanina ka pa?" Agad na tanong ko ng makarating ako sa harapan niya.
"Ngayon palang," he answered.
"May problema ba?"
"I want to tell you something."
YOU ARE READING
Misguided Affection (Highschool Romance Series #2)
RomanceAlexander Louis is a loud, annoying and witty friend and student. Everything for him is just a joke. What if he meets and notices his quiet and kind classmate? Will they understand each other or will it just be a mess? Witness the life of two stude...