"Babalik din ako agad," bulong niya habang nasa aking dibdib ang kanyang mukha.
Hinaplos ko ang buhok niya.
"Nagkaproblema ang isang restaurant ko ngunit maaayos din kaagad iyon. Babalik ako."
"Okay. Hihintayin kita."
"Parang ayaw ko ng umalis."
Tinampal ko ang likuran niya ng mahina. Gumalaw ako sa kinauupuan ko pero ayaw man lang niya akong pakawalan.
"Ayaw kong umalis."
"Are you a kid, Alexis? Hindi naman ako mawawala."
"Sumama ka na lang. Hmm? Baby?"
Hay!
"May trabaho ako. Pagbalik mo, magdala ka na ng gamit mo dito sa bahay ko."
Umangat ang tingin niya ngunit nanatili ang kanyang mukha sa dibdib ko. Paborito niyang hawakan na parte ng katawan ko ay beywang at dibdib. Hindi man lang nagsawa na paulit ulit na din naman niyang nakikita at nahahawakan ang mga 'yun.
"Really?"
"Hmm. You can put your things in my room. Kahit lahat ng gamit mo."
"Pakasal na din tayo?"
Naisingit pa talaga.
Ngumiti ako at inilipat ang kamay sa mukha niya. Hinaplos ko 'yun ng dahan-dahan. He is a baby sometimes. Naglalambing palagi. Hindi lang siya magaling sa pang aasar at paglalandi, magaling din siya sa paglalambing.
"Let's get married, Hernandez. Ano pa ba ang hinihintay mo? Ready na naman ako. Kahit nga hindi ka na magtatrabaho ay kaya kitang buhayin at ang mga magiging anak natin. I can be a good husband and a father, Hernandez."
"Yes, I know. Pag uusapan natin 'yan pagbalik mo."
"Bakit pagbalik pa?"
"Kung hindi ka aalis ay hindi talaga natin mapag uusapan ang bagay na- Ahh!" Tinampal ko ang kamay niyang ipinasok nito sa loob ng suot kong damit.
Tinawanan lang niya ako. "Then, wait for me. I'll be right back. Bukas ng umaga nandito na ako."
"Yes, Sir. Hihintayin kita."
"Wait and I'll call you De Guzman, not Hernandez anymore."
I kiss his forehead. "True love kiss," pang aasar ko sa kanya.
"Right, I am definitely your true love."
Tiningnan ko ang papalayong sasakyan. Babalik din naman siya bukas pero parang na-miss ko na siya kaagad. Nawiwili na yata ako sa kanya dahil palagi nalang kaming nagkakasama sa mga nagdaang araw.
"Hay! Nagkaroon din ng oras sa'yo," sinamaan ako ng tingin ni Rence at halos itulak na ako para lang makadaan siya.
Seryoso ang mukha nito habang papasok ng bahay. Kakahatid lang ni Alexis sa akin dito sa bahay dahil ayaw ko namang doon manatili sa bahay niya habang wala siya. Noong makapasok kaming dalawa sa bahay ay ayaw na niyang umalis pa. Parang hindi man lang pinapahalagahan ang negosyo niya.
"All your things that you left because of your... tsk! Whatever! Kalandian mo, teh! You can find it inside your room."
Tiningnan ko lang siya habang nakaupo sa couch. Hindi naman ako lumandi!
"Na-solo mo si Gregorio?" Nakangiting tanong ko na sinuklian niya ng napalaking buntong hininga. Parang disappointed yata ang manager ko.
"Wala! Umuwi agad sa San Vincente pagkatapos ipahuli ang mga... alam mo na, ang mga nagtangka sa'yo. Dinala si Bea, alam mo naman feeling broken 'yun dahil sa nangyari sa kaibigan niya."
YOU ARE READING
Misguided Affection (Highschool Romance Series #2)
Roman d'amourAlexander Louis is a loud, annoying and witty friend and student. Everything for him is just a joke. What if he meets and notices his quiet and kind classmate? Will they understand each other or will it just be a mess? Witness the life of two stude...