"Edi hindi! Hindi ko lalo tatanggapin!" Matigas kong sabi.
"Ano? How about your career, teh?"
"Career! Iyon lang ba ang nag iisang trabaho ko? Hindi lang 'yun ang trabaho ko, Rence. I can still draw and be a dj. I won't accept it."
Kung ang gusto nila ay maging sunod-sunuran ako sa Kay Ma'am Lisa dahil takot ako na baka mawala ang trabaho ko. Pwes! Nagkakamali siya. Hindi ko kawalan ang ginagawa niya ngayon.
Hindi pa pala siya tapos na guluhin ang buhay ko. Hindi man lang niya naisipang naghirap na ako noon pa. I shouldn't feel this because my father taught me to not hate someone, but I cannot just let it pass. I hate her! Galit ako sa babaeng 'yun.
He sighed and look at my eyes. "I can see that I cannot change your decision anymore. May magagawa pa ba ako? I manages you for how many years, Belle, and I didn't see that you refused kahit isang beses, wala. I respect your decision."
Kahit na kumakain na kami ay halos hindi ko magalaw ang pagkain ko. Naiisip ko pa rin ang gustong pagbalik ng babaeng 'yun sa buhay ko. Hindi ako nagtanim ng galit sa kahit sino man. Sa kung ano mang nangyari sa akin noon ay wala akong sinisi pero ngayon ay hindi ko na magagawa 'yun. Puno ng galit ang puso ko na gusto ko na lang magwala.
How dare her! Hindi pa ba sapat ang ginawa niya sa ina ko noon? Gusto niyang ako na naman ang ang sirain niya? Ulit? Dahil ba kamukha ko ang ina kaya ginagawa niya ito?
Tiningnan ko si Rence nang hawakan niya ang kamay ko. "Are you okay, Belle. You were silent the whole time. Hindi mo nga ginagalaw 'yang pagkain mo," he sounded so worried.
Umiling ako sa kanya at pilit na ipinakita sa kanya ang masayang ngiti.
"I'm fine. Siguro… pagod lang ako."
"Gusto mo pa bang malaman ang isang bad news?"
May isa pa pala.
"Go on," nakangiting sabi ko sa kanya kahit na sa loob ay gusto ko ng magwala.
"Makakaya mo pa ba?"
"Oo naman! Mas mabuting sabihin mo na lahat para alam ko na."
"For the meantime, you are not allowed to go to the home for the aged. They also declined your donation. Malapit pala si Ma'am sa mga namamahala doon."
Inilagay ko ang dalawang kamay sa ilalim ng lamesa at kinurot kurot iyon. Hindi ako pwedeng magwala dito sa sobrang galit. Kailangan kong i-distract ang sarili para mapigilan ang nag uumapaw na galit.
"Ang akala ko mabait ang pamilya nila. O kahit si Ma'am. Palagi ko kasi siyang nakitang nakangiti at nakikipagbiruan pero hindi pala 'yun totoo," mahinang sabi ni Rence.
She's hiding her true colors. Ahas pala.
"Ako na, Belle. A gentleman will always pay for…"
"You may look like a man, but we know what you feel, Rence. You are as curve as a curly hair. I'll pay for this," kahit na hindi naman niya gusto ay tumayo na ako.
Kagaya ng paborito naming kinakainan ni Rence doon sa syudad ay ganitong ganito. Sa counter magbabayad ng mga kinakain at doon din mag kailangan na mag-order. Parang sa fast food chain pero ang kaibahan lang ay mas marami ang mga pagkain nila at restaurant naman ito hindi fast food chain.
"Dahil sa sinabi mong I'm as curve as a curly hair, mauna na ako, teh. May kailangan pa akong gawin," hinalikan niya ang aking pisngi pagkatapos ay tinalikuran ako pero nakaisang hakbang palang siya ay nilingon niya ako ulit.
YOU ARE READING
Misguided Affection (Highschool Romance Series #2)
RomanceAlexander Louis is a loud, annoying and witty friend and student. Everything for him is just a joke. What if he meets and notices his quiet and kind classmate? Will they understand each other or will it just be a mess? Witness the life of two stude...