Kabanata 28

753 17 0
                                    

He's really a good chef. Lahat nalang ng luto niya ay masarap.

"Kailan ako uuwi?" Tanong ko sa kanya habang naghuhugas ng pinagkainan namin.

Wala akong sasakyan, wala sa akin ang bag ko kahit man lang phone ay wala ako. Paano ako uuwi kung hindi ako ihahatid ni Alexis?

"Next day? Or better pack your things and live with me."

Muntikan ko na siyang mabato ng pinggan dahil sa sinabi niya. Parang kay dali lang ng sinasabi niya, e.

"Joke yan? Tatawa na ba ako?"

"Hindi. Seryoso ako. Pakasal na tayo."

Nilingon ko siya at nakitang maayos na nakaupo sa upuan na nakatingin sa lahat ng mga ginagawa ko. Seryoso nga talaga ang mukha niya.

"I can't stay as your boyfriend, Hernandez. This kind of label is not okay with me. I want you to be my wife so I can finally rest assured that you won't push me again."

Bumuntong hininga ako. Duda nga talaga siya. Sino bang hindi? Ilang beses ko ng pinaramdam sa kanya na mas pipiliin ko ang pamilya at trabaho kaysa sa kanya. It hurt me thinking that he want an assurance from me. Paano ko ba hindi pinili ang lalaking ito noon?

"Let's take it slow, Alexis. Don't worry, I won't push you. I'll choose you today, tomorrow and forever."

Tumayo siya at pinuntahan ako dito sa kinatatayuan ko. "If that's what you want," sabi nito at niyakap ako galing sa likuran.

Sa ginawa niya ngayon ay mas lalong mahuhulog lang ako sa kanya. Hindi ko na lalo iisiping iwan siya. Ang dami pa namang may gusto sa lalaking ito. Baka ipagpalit na talaga ako ng tuluyan kapag sasaktan ko siya. Napakaraming nagtatangkarang babaeng may gusto sa kanya.

"Your clothes are already here in my closet. Bili ito ni Betane. Siya lang sana iyong pupunta dito, sumama lang iyong mga distorbo."

Tiningnan ko siya habang busy doon sa closet niya. "Mabuti nga at binisita ka. Hindi palaging magkasama ang mga 'yun, Alexis. Baka bukas balik trabaho na ang mga 'yun."

"Are you lecturing me, Love?"

Sus! Parang sinabihan lang.

"Nasaan ang mga gamit ko? Ano bang nangyari kagabi? Si Gregorio? How about Ate Bea?" Sunod sunod kong tanong nang maalala ang nangyari kagabi.

Tinanong ko siya kagabi kung nasaan ang kaibigan at mga gamit ko, hindi naman ako sinagot ng matino.

"Nasa bahay mo iyong si Gio, panigurado. Palayasin mo na 'yun. Kailan pa ba babalik sa trabaho ang kaibigan mong 'yun?"

"Ang sama mo. Nakikitira lang iyong tao doon dahil sa kasal ng pinsan mo at ng 'ex-crush' mo."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Selos ka?"

"Hindi, a! Hindi nga ako nagseselos doon sa model mong girlfriend!"

Iniwas ko sa kanya ang tingin nang maalala ang mga babaeng may gusto sa kanya. Sikat pala siya, ano? Ang daming babaeng nangangarap sa kanya, e. Kahit nga siguro hindi sikat ay madami pa ring mahuhumaling sa kanya dahil sa taglay niyang kakisigan. Masipag at maganda pa kasama. Wala yata ako sa kalingkingan ng mga nagkakagusto sa kanya. Sa height palang, dehado.

"Don't worry, Love. I'm loyal to you. Kahit hindi mo ako pinapansin at tinutulak ako, I will remain faithful to you."

Faithful!

"Limot na sana kita, e. Nagpakita ka pa ulit at sumakay sa sasakyan ko. No matter how I stop myself from falling to you again, I can't. How can I stop when I saw you sleeping inside my car peacefully? Mas gumanda ka lalo at gustong gusto ko ang pakiramdam na nandiyan ka sa tabi ko, natutulog. I can't stop my heart from falling to you again."

Misguided Affection (Highschool Romance Series #2)Where stories live. Discover now