"Hatid mo nalang, Ate," maingay na suhestiyon ni Anabelle habang nakaupo at nakatingin sa akin na nagwawalis dito sa sala namin.
"Saan ko nga ihahatid?"
Inikutan niya ako ng mata. "Edi sa bahay nila! Alangan namang sa paaralan! Baka nakalimutan mo, linggo ngayon!"
Kung mapanakit lang sana akong nakakatandang kapatid ay hinampas ko na ito ng walis na hawak ko pero wala akong planong saktan ang kapatid ko kaya hindi ko na lamang siya pinansin. Ang pagkapilosopo talaga nito.
Kukunin naman siguro ni Alexis itong proyekto niya. Tapos ko na din kasing gawin. Hindi ko na naman siguro trabahong ihatid pa ito sa kanya. Alangan namang ako ang magdadala bukas. Hindi ko na kayang dalhin 'yun dahil kailangan ko ding dalhin ang sa akin. I can't carry two dioramas.
"Mahiya ka naman, Ate. Saan ka pa makakakuha ng dalawang libo at limang daan sa iisang proyekto lang ang ipinagagawa? Baka nga limang daan ay hindi pa! Hatid mo na!"
"Ikaw nalang kaya ang maghatid? Ikaw naman ang dahilan kung bakit ko tinanggap ang gawaing 'to!"
Inikutan ulit niya ako ng mata at maarteng umayos ng upo. "Talaga? Pwede? Sige ako na! Baka kapag nakita ako ulit ni Alexis ay magugustuhan niya ako-"
"Tse!" putol ko sa sinasabi niya.
Alexis lang talaga, ha?! Kurutin ko 'to! Ang bata pa tapos ganito na ang pinagsasabi.
"Grabe naman. Gusto mo, te? Sa 'yo ba? Kung maka 'tse' 'to akala'y may gusto ka sa tao."
"Tumigil ka dyan, Anabelle! Tulungan mo kaya ako sa ginagawa ko dito. Upo ka lang ng upo diyan! Prinsesa ka?"
"Gusto mo, te?"
Hahampasin ko sana siya ng walis kaya lang nakatakbo ang abnoy kong kapatid. Tatawa tawa pa ng makalayo ito sa akin. Wala man lang pasalamat sa ginawa ko. Makakabayad na siya bukas ng kailangan niyang bayarin tapos pang aasar lang ang matatanggap ko galing sa kanya? Wow!
"Sige, te, tuloy mo lang 'yan. Libre namang mangarap," itinuro niya ang taas. " Si Alexis nandyan," itinuro niya pagkatapos ang sahig. "tapos dito ka. Pero huwag mag alala, sa mga nakikita ko kasi sa mga pelikula ay nangyayari talaga 'yan."
Tumango tango siya na akala'y kinukumbinse din niya ang kanyang sarili sa kanyang sinasabi. Nagturo pa ulit siya sa taas at baba na parang kinakausap ang kanyang sarili.
"Wala talaga! Hindi 'yan nangyayari sa totoong buhay. Kung artista ka lang sana mararanasan mo kaso hindi ka nga nanonood ng tv, magiging artista pa kaya? Malabo!"
Inikutan ko siya ng mata kahit na hindi na naman siya nakatingin sa akin. Tinuloy kasi niya ang pangungumbinsi sa sarili.
Umabot pa siya sa artista at telebisyon. Kung saan saan nalang nakakaabot ang imahinasyon. Akala niya ay nakakatulong sa tanong ko sa kanyang paano ko ibibigay ang proyekto ni Alexis. Masasabi ko talagang hindi ko na siya tatanongin ulit. Wala na ngang naitulong, nakakadagdag pa ng iisipin ko.
"Bakit nangyayari sa iba pero sa 'yo ay diskompyado talaga ako?--"
"Titigil ka o titigil ka?"
Plastik siyang ngumiti sa akin at kinuha ang ang dustpan. Nagkunwari pang tutulong samantalang wala namang walis na hawak. Tsk!
"May choice ba ako? Of course, meron! Ang choice ko ay magpatuloy kasi gusto ko ang usaping ito- aw! Ate!" reklamo niya ng paluin ko siya ng walis.
"Magsalita ka pa ng kung ano ano dyan! Lalakasan ko na talaga ang pagpalo sa 'yo!"
"Galit ka lang kasi kahit anong kumbinsi mo din sa sarili mo ay hindi- aww!" reklamo niya ulit ng paluin ko na naman siya.
YOU ARE READING
Misguided Affection (Highschool Romance Series #2)
RomanceAlexander Louis is a loud, annoying and witty friend and student. Everything for him is just a joke. What if he meets and notices his quiet and kind classmate? Will they understand each other or will it just be a mess? Witness the life of two stude...