Kabanata 11

764 18 0
                                    

"May problema ba tayo, Hernandez?"

Umiling ako habang nasa ginagawa ang buong atensyon.

Walang problema kasi walang kami. Joke.

"Kung wala, bakit parang lumalayo ka na naman sa akin? Nangyari na 'to noon, a! May nagawa na naman ako?"

"Wala, Alexis. Busy ako dito. Nang iistorbo ka, e."

Inilipat niya ang silya na inuupuan niya sa harapan ko. Nagdulot pa nga yun ng pagtunog sa sahid.

"E, bakit iniwan mo nalang ako noong prom night? Hindi mo nga pinatapos pa ang event? Umalis ka na."

Inilagay ko muna sa ibabaw ng sketch pad ang ginamit na pangguhit ko. Tinaasan niya ako ng kilay nang tingnan ko siya.

"Ano?" Hindi makapaghintay niyang tanong.

"Uwing-uwi na kasi ako nun. Hindi ko din alam kung saang banda na kayo pumunta kakasunod kay Aubrielle–"

"Kaya umalis ka kasama si Gio kasi sumama ako sa pagsunod kay Aubrielle?"

Umiling ako at kinuha ulit ang pangguhit ko. Hindi din naman ako nakapag-guhit ulit dahil hinawakan niya ang kamay ko.

Tiningnan ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. My hand look so small compared to his hand. His touch brings good feeling to my heart. Kay gandang pakiramdam na hawak niya ang kamay ko. Kahit palagi naman siyang ganito ay hindi pa rin ako nasasanay. Natitigilan pa rin ako palagi kapag hinahawakan niya ako.

"Selos ka 'no?" Biglang tanong niya.

Kung sabihin ko bang oo kay hindi na niya uunahin si Aubrielle?

Hindi ko nalang sasabihin kasi kwets lang naman kami. Mayroon akong kaibigan na lalaki na palagi kong kasama pero wala naman siyang masamang sinabi. Ako pa kaya? Una niyang nakilala at nagustuhan si Aubrielle. Wala din naman akong karapatang ipagkait sa kanya ang kasiyahan niya. Palagi ko kasing nakikita ang tuwa sa mukha niya kapag inaasar si Aubrielle. Ang kapal din ng mukha ko kung sasabihin ko sa kanyang nagseselos ako kay Aubrielle.

Sa nagdaang taon na malapit kami sa isa't isa ay hindi ko naman sinabi sa kanya ang tungkol dito.

Para ibahin ang usapan ay iniharap ko sa kanya ang ginagawa ko sa sketch pad. Kahit hindi pa yun tapos pero ipinapakita ko na sa kanya.

Kapag tapos na sana ko ito ipapakita pero gusto ko lang matapos na ang usapan naming yun.

Amaze by the drawing on the sketch pad, he hold my face using his two hands. Ngumiti na din ako. Sobrang katuwaan kasi ang nakikita ko sa mukha niya.

"Is this for me? I mean, can I have this?" Excited niyang sabi.

Tumango ako kaya mas lumaki ang ngiti niya. Iginuhit ko lang siya pero ganito ng katuwaan ang nakikita ko sa mukha niya.

Matagal tagal ko ng sinimulang iguhit yun kaya lang kailangan kong bigyan ng detalye lahat ng parte ng mukha niya kaya natagalan kasi gusto ko perpekto ang pagkakaguhit.

Binitawan niya ang mukha ko at hinawakan ang guhit l. "Mas gwapo yata ako dito. Ganito ako kagwapo sa paningin mo, Hernandez?"

Mas gwapo pa nga niyan, e.

Sasagutin ko na sana siya pero hindi ko na ginawa. Baka mas maging kumpyansa siya sa sarili niya, totoo pa namang gwapong gwapo ako sa kanya. Gwapo naman kasi talaga.

"I-fi-finalize ko muna," kuha ko ulit sa sketch pad.

"Then put your name and signature at the bottom," hindi makapaghintay niyang sabi.

Misguided Affection (Highschool Romance Series #2)Where stories live. Discover now