Kabanata 20

781 19 0
                                    

Kung meron mang napakatahimik at maganda na pangyayari sa buhay ko ay ito na. Walang kahit na anong iniisip kundi ang sarili.

Hindi na din masyadong busy ang buhay ko dahil sa hindi na ako nakakabalik sa mga hosting gigs ko. Kahit na pwede na naman akong bumalik ay hindi ko na ginawa. Naisip ko din na ayos na ako sa natitira kong trabaho.

Nakapikit at dinaramdam ang sarap ng pagmamasahe sa likuran ko. Sa lahat ng pagod ko ay ito ang palaging gamot. Ang hagod ng mga kamay sa likuran ko ay nakakawala ng sakit sa aking likuran. Nawiwili na nga yata ako na magpamasahe. Nakakagaan din sa loob dahil sa naririnig ko ang sariling boses na naka-play sa buong lugar na pinuntahan ko.

Lahat ng sakit sa aking likuran ay unti-unting nawala.

Pagkatapos kong magpamasahe ay pumunta muna ako ng mall para mabili ang mga naiisip kong bibilhin noon pang isang Linggo. Hindi ko din mapapakiusapan si Rence dahil masaya na yata ang buhay nun sa pangingibang bansa. Wala tuloy akong manager ng isang buwan kaya todo kayod ako dahil sa ako na lamang ang nag iisang gumagawa ng lahat.

May trabaho akong kailangang unahin kaya hindi na ako sumama kay Rence. Hindi man lang ako inisip ng manager kong 'yun. Iniwan ako dahil sa relax daw muna siya. Nahiya naman ako.

"Saan ka ba ngayon?" Isang beses na nag uusap si Gia at Rence. Nakikinig lang ako sa pag uusap ng matalik na magkakaibigan.

"Nasa Seoul ako, Rence."

Ang kasama ko naman ay halos magtatalon na sa sobrang saya. Paano naman siya sasaya kung si Gia naman ang nandoon?

"Talaga? Pwedeng pumunta, Girl?" Excited na tanong ni Rence.

"Oo!"

Kaya ayun tuluyan ng nagtatalon. Parang bata lang.

Umiling ako at tiningnan ang nakangiting mukha ni Gia na nasa screen. Inikot ko ang hintuturo sa gilid ng mukha ko para ipakita kay Gia na nababaliw na ang kasama ko dito. Tumango naman si Gia bilang pagsang-ayon sa puna ko sa kaibigan niya kaya napatawa na lamang ako.

"Libre mo?"

"Oo naman!" Agad na sagot ni Gia. "Malapit lang naman. Hindi na masyadong magastos."

"Huh? Paanong malapit–"

"Seoul-tan Kudarat, Girl," humagalpak ng tawa si Gia.

Hindi ko na din mapigilan ang tumawa. Kahit na naiinis na si Rence sa kanyang kaibigan at sa akin ay hindi pa rin nagpapatalo. Palaban pa rin.

"Alam mo? Ang corny mo! Nababasa ko na ang mga ganyan sa FB!"

"Pero aminin. Benta pa din! Naniwala ka, e."

"Corny mo!"

"Pangit mo! Mukha kang prince pero iyong frog! Frog prince!"

Hindi na ako nanibago dahil ganito naman ang magkakaibigan. Palagi ko nalang nasasaksihan ang ganitong eksena.

"Naging sikat ka lang ganyan ka na! Parang hindi ka nagpapatulong sa akin noon!"

"Ay! Ang pangit naman ng ugaling meron ka. Huwag mo akong kwentahan ng mga nagagawa mo, Rence. Mahal pa naman ang ticket papunta dito sa Korea baka magbago pa ang isip ko. Si Belle na lang ang ili-libre ko. Ipapakilala ko siya sa  mga gwapong Koreano—"

"I'm willing!"

Kaya ayun iniwan ako ng butihin kong manager. Gusto yata akong ipagpalit sa mga 'gwapong Koreano'. Parang hindi man lang nakasama sa napakaraming taon. Parang hindi ko naging close.

Misguided Affection (Highschool Romance Series #2)Where stories live. Discover now