Kabanata 9

758 18 0
                                    

"Saan ka ba galing, Arabelle?" Ninong Antonio asked.

Umupo ako sa tabi ni Tatay na ngayon ay nakatingin din sa akin.

"Sa balkonahe lang po," sagot ko.

"Ano ba ang ipinapakain mo dito kay Arabelle, Miguel? Noong huling kita ko sa kanya ay ganyan na ang tangkad niya. Hindi man lang tumangkad ng kahit ilang dangkal."

Ngumuso ako. Kahit na natatawa si Tatay ay hindi ko siya sinabayan. Ama nga talaga siya ni Gregorio. Mang aasar pa kasi.

Sa mga hindi nakakakilala sa ninong ko ay masasabi talaga nilang estrikto siya pero ang totoo pala ay parang si Gregorio lang siya. Kung sino iyong malalapit sa kanya ay mang aasar siya kahit na medyo masakit na ang pang aasar.

"Alagaan mo naman itong inaanak ko. Parang hindi na yata naaalagaan 'to, e."

"Ganyan na talaga yan. Alagaan man yang si Arabelle o hindi, ganyan na ang tangkad nyan," sagot ni Tatay.

Nakikitawa na rin si Ma'am Diaz. Parang natutuwa sa kung ano man ang pinag uusapan.

"Oo nga pala may pinagmanahan ang height," si Ninong.

Natahimik sila kaya tiningnan ko sila isa-isa. Si Ma'am Diaz ay siniko ng mahina ang kanyang asawa kaya parang natauhan sa kung ano man ang maling nasabi niya. Si Tatay naman ay natahimik na lamang.

Ilang sandali silang parang pinakiramdaman ang bawat isa bago nagsaliya ulit pero iba na ang pinag uusapan. Tungkol na sa kung gaano kahirap ang panahon ngayon.

Kahit na hindi ko naman alam kung bakit nalang silang naging ganun ng banggitin ni Ninong sa kung saan ako nagmana ay naguguluhan pa rin ako. Bakit pa ba sila magugulat? Nagmana naman ako kay Tatay. Tsaka, noon ay palaging sinasabi ni Tatay na sa kanya ako nagmana, ngayon ay wala siyang sinabi. Parang king may anong itinatago sila ngunit ayaw ko ng alamin pa. Kung hindi nila sinabi ay baka wala naman iyong magagawa sa akin.

Sinalubong namin ng aking pamilya ang bagong taon. Unang beses din itong maranasan ko simula ng magkaisip ako. Siguro kompleto naman kami noong sumalubong ng bagong taon pero hindi ko pa alam yun. Wala oa siguro akonh muwang.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Bumalik na ulit ang pasukan. Parang kay bilis lumipas ng mga araw kung saan ay walang pasok. Naging busy din kasi kaming lahat sa papalapit na bagong taon dahil marami ang nagpapaluto kay Tatay kaya kaming buong pamilya ay nagtutulungan para mabawasan ang trabaho ng padre de pamilya namin. Busy din kasi siya dahil nagdu-duty siya.

Hindi pwedeng kami ang magluluto dahil hinahanap ng mga suki ni Tatay ang timpla niya. Tagahiwa at tagatulong lang kaming tatlo nina Mama at Anabelle kay Tatay sa pagluluto. Naturingan kaming mga babae pero hindi kami marunong magluto. Nasanay kasi kaming tatlo na nilulutuan kami kaya ganito ang nangyayari.

Magpapaturo din naman ako ng pagluluto pero wala pa talagang oras si Tatay. Busy siya palagi. Busy siya sa pagtatrabaho para mabuhay niya kami. Siguro tsaka na siya magkakaroon ng sapat na oras na turuan ako kapag may trabaho na ako.

Noong bumalik din ang klase ay bigla na lamang dumistansya ang grupo ni Angela sa akin. Hindi ko alam kung bakit nagkaganun sila. Siguro ay natakot sa banta ni Alexis. Wala na ding nagtangkang pagtawanan o pagkatuwaan ako. Parang bagong taon, bagong buhay na ako. Kompleto ang pamilya at wala ng mga kaklase na nang aasar sa akin maliban kay Gregorio. Hindi na din kasi mawawala yun.

Lumayo na din ako kay Alexis. Kahit minsan ay tangkain niya akong lapitan ay ako na mismo ang lumalayo sa kanya. Hindi man yun madali dahil araw araw kaming nagkikita pero nagawa ko naman. Parang naramdaman din kasi niya ang pag iwas ko sa kanya kaya siya na din mismo ang hindi na lumalapit sa akin.

Misguided Affection (Highschool Romance Series #2)Where stories live. Discover now