Kabanata 25

664 14 0
                                    

"Ako na magmasahe sa'yo, teh."

Ngumiwi ako kay Rence. Kung pwede ko lang siya pakitaan ng dirty finger ay ginawa ko na. Dadamayin pa ako sa kabastusan nito.

"Pass!"

"How about me?" Si Gregorio habang papasok sa loob ng bahay.

"Huy! Saan ka galing?" Tanong ko. Wala naman kasi siyang sinasabi na aalis siya. Ngayon ko lang nalaman na umalis pala.

"Sa puso mo. Eyy!!" Sabay turo sa akin at pinaulanan ako ng mga finger heart.

"Akala ko ba itong si Rence ang galing sa Korea, ikaw yata itong nahawa sa mga Koreano."

"Singkit ba ako? I'm not even watching descendants of the sun."

Nagugulahan ko siyang tiningnan. "Huh?"

"Ewan ko sa'yo! Puro ka lang kasi trabaho. Radyo na lang palagi ang kaharap mo! Nood nood din ng telebisyon pag may time."

"Hindi ko gusto!"

Inilingan lamang niya ako at dumiretso sa kwartong tinutulugan niya.

"Shit! Parehong kwarto ang tinutulugan niya sa tinutulugan ko. Excited na akong matulog ulit d'yan kapag wala na siya. Lahat ng amoy niya, sisinghutin ko. Ang mga gamit hindi ko papalitan–"

Inilingan at iniwan ko ang maharot na Rence sa sala. Parang hindi man lang siya lalaki kung tingnan, babaeng babae kung mag isip. Ang daming naiisip na kabastusan.

"Huy, teh! May meeting ka ngayon. Sa restaurant— may meeting ka."

Nilingon ko ang nakasunod na Rence sa akin. "Saan ba 'yan? Akala ko ba ikaw itong pumupunta kapag may meeting? That's our deal, Rence. You'll go to the all meetings and exhibitions. I'll do the work. Hmm?"

"This is different, My love. Pagkatapos ng meeting na ito, you are free to go to the radio station. Just this once, please.."

"I can't go," matigas kong sabi.

Problemadong hinawakan niya ang aking braso at parang gusto ng magmamakaawa para lang pumayag ako. Hindi na din naman magbabago ang isip ko.

"Please—"

"No!"

Ang nangyari. Si Rence ang pumunta sa meeting. Trabaho naman kasi niya iyon. Wala akong oras na puntahan ang kahit na anong meeting na 'yan. Busy ako.

"Sagot ni Joey lahat. Joey the pogi!" Masayang balita ng digital head namin.

"Ano ba ito, Ma'am? Eat all you can? Gusto ko sana iyong mabubusog talaga ako, birthday naman kasi 'yun." Si Indaii Daii.

"Of course! It's in Kain all you want, Daii!"

Ngumiti lamang ako sa digital head namin nang sa akin na siya tumingin. Hindi na ako bumabalik sa restaurant na iyon. Makakain naman ako kung kahit anong gusto kong kakainin.

"Birthday ni Joey. Special request ka niya. Punta ka daw. Paborito mo naman iyong restaurant."

"I will be having a dinner with my bestfriend, Ma'am. Next time nalang," pagsisinungaling ko.

"Call your best friend. Cancel niyo muna ang dinner niyo, hindi kada araw ang birthday, Belle."

"Oo nga, Belle" si Ma'am Elsa.

Sa mga mukha palang ay alam ko ng ayaw nilang tanggihan ko sila. Hindi din naman sila tumatanggap ng tanggi kahit kailan.

"Call your best friend!" Parang hindi makapaghintay na sabi ni Ma'am Elsa.

Misguided Affection (Highschool Romance Series #2)Where stories live. Discover now