Kabanata 26

644 17 0
                                    

Iba pala talaga kapag ang mismong wedding planner na ang ikinakasal. Masyadong maganda ang reception. Kitang kita na tinutukan talaga para maging ganito ka ayos. Hindi ko man kita ang lugar na ginanapan ng kasal pero alam kong maganda din 'yun.

Simula sa design sa labas at papasok ay puro magaganda. Gold din kasi ang motif kaya nababagay na naiilawan ng ilaw ang mha design sa gabi. The guests were also from the wealthy family from San Vincente or even not.

Pagpasok ko palang sa loob ng hotel kung saan gaganapin ang reception ay parang nadala lang ako sa ibang lugar.

Army wedding din kasi kaya mas maganda. Maraming mga sundalo ang nandito ngayon, including Gregorio. Hindi man naka-uniform ang mga sundalong nandito ngayon ngunit naka-uniform sila kanina, nakabihis na. Kaya pala siguro ay doon iyon nananatili sa bahay para na din sa gaganapin na kasal. Iyong akala kong uuwi na siya noong isang linggo ay hindi pala totoo. Pinagsi-sinungaling-an ako ng kaibigan ko sa hindi ko malamang dahilan. Hindi din naman nakakabuti iyon sa kanya. Minus points na siya sa langit.

While listening to Aubrielle and Gavin giving their message and thanks for each everyone, nakangiti ako ng malaki. Sa dami ng pinagdaanan nilang dalawa ay nandito sila ngayon, nag iisang dibdib. Sa mga pasasalamat nila sa kanilang pamilya, kamaganak, at sa mga malalapit na kaibigan ay palaging na-e-mention ang 'thank you because you supported our relationship'. Including Ma'am Lisa, pinasasalamatan nila dahil sa kabaitan nito.

As if! Baka sa kanila lang mabait. Ako, ang daming luha at sakit sa dibdib ang nararanasan ko dahil sa kanya. Muntikan ko pa ngang hindi masali ang pangalan niya kanina sa tinatawag na mga principal sponsors dahil sa galit pero hindi ko pwedeng isali ang personal na nararamdaman sa trabaho. Hindi maganda ang ganoong ugali.

Nakangiti ito kanina, hanggang ngayon ay hindi naman mawala ang ngiti na nakapaskil sa mukha niya. Kung hindi ko lang alam ang totoong ugali niya ay baka masasabi kong napakabait nga niya pero wala, e. Kilala ko na siya

"To you, Alexander Louis.."

Napalingon ako sa harap kung nasaan ang mga bisita nakaupo nang marinig ang pangalan ni Alexis na binanggit ni Aubrielle. Nakangiti lang naman ito habang nasa bagong kasal ang buong atensyon. Gaya ng palagi kong napupuna kapag nakikita ko sa kanya. Maayos ang buhok nito na parang binigyan ng sapat na panahon para gawing maayos iyon. He's wearing a black tuxedo paired with gold necktie that makes him look more handsome. Kung siguro ay magulo ang buhok niya ngayon gaya ng palagi kong nakikita na ayos ng kanyang buhok ay baka mapagkamalan ko siyang Koreano. Singkit kasi.

"Kahit na minsan naiinis na ako sa pang aasar mo. Hindi pala minsan, palagi," nagtawanan ang bagong kasal pati na din ang mga bisita. "Thank you because you are one of the reason why we are here now. Why I become a Mrs. De Guzman. Paano ba kasi? Puro nalang nasasabi mo ay 'magpakasal na kayo! Gustong gusto niyo naman ang isa't isa.' nagdilang anghel ka tuloy."

Umiwas ako ng tingin nang lumipat sa akin ang tingin niya. Napadpad ang tingin ko sa ina niyang nasa akin pala ang tingin. Umiwas lang ito noong makita niyang nakatingin ako sa kanya.

Binabantayan talaga niya ang galaw ko, ano? Ang saya naman, mayaman ang bodyguard ko! Tinitingnan ko lang naman ang anak niya akala'y itatanan ko na? Kung makatingin parang nakabantay ng kriminal! Sa kanya na 'yang anak niya. Sana tutulan din niya iyong 'model' ngunit masama ang ugali na girlfriend ng anak niya para naman hindi lang ako ang kalaban niya. Pareho naman silang masama ang ugali kaya sakto lang ang laban.

"Ladies and Gentlemen the program has now ended but for the couple.." I look at the couple who are now looking at me. ".. it's just the beginning of their new life together as husband and wife." Ngumiti na din ako sa kanila.

Misguided Affection (Highschool Romance Series #2)Where stories live. Discover now