'Yung kagustuhan kong walang ingay, nasunod nga. Wala si Rence o si Gia sa bahay ko dahil bumyahe sila papuntang San Vincente. Dalawang linggo din ang itinagal ni Gia dito sa bahay ko kaya hindi ako nag iisa sa mga linggong 'yun.
Nasanay yata akong may nag iingay sa bahay na ito at may mga ibinabatong masasakit na salita sa akin. Hindi naman din 'yun talaga nakakasakit sa akin. Sanay na din naman ako kay Gia na ang pagmamahal sa isang tao ay idinadaan sa mga pagsasalita ng kung ano anong salita.
Pauwi na naman sana 'yung si Gia noong nakaraan, ayaw ng matulog dito sa bahay ngunit tumawag si Gregorio at siya na mismo ang nagsabi na dito muna ang kapatid niya dahil na din sa delikado pa ang San Vincente. Sa pag uwi ni Gia ay 'yun din ang kasagsagan ng pagdami ng rebelde sa San Vincente. Nabalitaan ko din na na-hostage si Aubrielle. That news even made the situation worst. The mayor also became one of the hostages.
I run towards my phone when I hear it's rings.
"Gregorio!" Agad na sagot ko.
Parang mas una pa ang pagtawag ko sa pangalan niya kaysa sa pagsagot ng cellphone. Excited masyado.
"Are you alright? Wala kang tama ng baril? How about my family?--"
"Easy lang, Arabella," natatawang putol nito sa mga susunod ko pang tanong.
"Everything's fine. Your family and me are fine. How about you?"
"Wow! Ako ba ang sumabak sa giyera? Kung makatanong ka ng maayos lang ba ako ay parang ako itong nakipagbarilan sa mga terorista—-"
"Nag aalala lang naman ang gwapo mong kaibigan. Ang dami mo ng sinasabi. Naging madaldal ka na yata."
"Malamang! May dj bang tahimik? Trabaho ko naman ang pagiging madaldal!"
"Proud ka na nyan?!"
Ginulo ko ang buhok at umupo sa higaan ko sabay tanggal ng tuwalya sa ulo ko. Kinuha ko ang blower at pinapatuyo ang buhok habang kausap ang kaibigan.
"Ano ba, Arabella? Ang ingay!" Reklamo nito.
"Naririnig pa din naman kita. Naririnig mo ba ako?"
"Ano?"
"Ayos lang na nagpapatuyo ako ng buhok habang kausap kita, nagmamadali ako, e. May trabaho ako ngayon."
Kaya ayun hindi na nagsalita ang nasa kabilang linya. Baliw talaga ang lalaking 'yun!
"Hoy! Gregorio!" Tawag ko sa kanya.
"I'm driving, Arabella. Huwag ka munang magsasalita diyan. Ayos lang 'yang blower ang naririnig ko sa background mo kung sa ganun malalaman kong nasa bahay ka pa."
"Huh?" Nagugulahan kong tanong.
"Hakdog!" Pambabara niya at hindi na nagsasalita pa.
Nako ang Gregorio na 'to! Kapag nasa harapan ko lang 'yan, babatukan ko talaga. Kahit na medyo hindi ko abot ang ulo niya. Babatukan ko talaga siya.
Hindi ko pinatay ang tawag. Iyon ang gusto ng kaibigan ko kaya pagbigyan. Nagbihis na din ako para makapunta na doon sa trabaho. Wala na akong day off dahil sa sobrang busy na sa mga nakaraang araw. Kada gabi na ako nagtatrabaho. Ang day-off ko lang siguro ay iyong hindi muna ako nag-dro-drawing. May mga araw din naman kasing walang nagpapaguhit kaya iyon ang mga araw na nagpapahinga ako.
Mas mabuti na rin iyong hindi recordings ang mga naka-air sa radyo kapag oras ng programa ko. Hindi na din naman kasi iyon ganun kadami ang listeners kapag live ako.
YOU ARE READING
Misguided Affection (Highschool Romance Series #2)
RomanceAlexander Louis is a loud, annoying and witty friend and student. Everything for him is just a joke. What if he meets and notices his quiet and kind classmate? Will they understand each other or will it just be a mess? Witness the life of two stude...