Kabanata 1

3.7K 47 0
                                    

Inipit ko sa aking braso ang tig-iisang pack ng bond paper at construction paper dahil hindi na ito kasya sa basket na dala dala ko.  Nakaipit din ang cellphone ko sa aking tenga at balikat kaya mas hirap na hirap ako.

"Ano pa?" nahihirapang tanong ko

"Stick glue, cartolina...."

"Bakit hindi mo kasi nilista?"

He groaned at the other line.

Frustrated na siya sa lagay na 'yan? Sino kayang mas naghirap sa amin ngayon? Ako itong nautusang bumili ng lahat ng kakailanganin namin sa aming project samantalang siya ay hindi ko alam kung saan saan nalang nagsusuot.

"Hayaan mo na! Ako naman magbabayad!"

So kailangan ko pang magpasalamat? Pasalamat siya at mahirap ako kaya ginawa ko 'to. Kung may pera lang ako ay aalilain ko din siya. Hintayin mo't magagantihan din kita, Gregorio!

Iniwan ko muna ang dala kong basket sa may tabi para puntahan ang kakailanganin ko pang bilhin. Masakit na kasi talaga masyado ang kamay ko dahil sa bigat ng dala ko.  Kumuha na din ako ng mga kulang na pinagsasabi ni Gregorio. Pagbalik ko doon sa basket ay wala na doon ang basket.

Taranta akong napalingon lingon sa paligid ngunit wala talaga. I'm torn between starting over again to get all the materials from the stall one by one and being afraid if the basket I carried was stolen. Baka pagbayarin pa ako dito sa pinamimilihan ko.

Ilang minuto akong nagpalibot libot sa kung saan ko iniwan ang basket at na g hindi ko talaga makita ay pumunta na ako sa may cashier. Kung ano ang nasa kamay ko ngayon ay iyon na ang bibilhin ko. Kay sakit na nga ng braso ko sa kadadala sa mga 'yon, nawala pa. Si Gregorio na ang bibili sa mga kulang tutal may sasakyan naman sila.

"O? Asan na ang iba?"  bungad sa akin ng kaibigan ko ng pagdating ko dito sa bahay nila ay cartolina, bond paper, construction paper, at stick glue lang ang dala ko.

Kinuha ko ang kamay niya at inilagay doon ang perang natira. "Ayan na ang pera mo. Ikaw nalang ang bibili, tutulungan ko pa pala si tatay sa pamimili ng mga kailangang bilhin na lulutuin niya bukas."

Ngumiti ako sa kanya at sumakay ulit doon sa motor na sinakyan ko kanina.

Mabuti at hinintay ako ng driver.

"Hoy! Arabella, huwag mo akong binibiro! Bumalik ka dito! Hindi mo pa nabili ang lahat na pinabibili ko!"

Tumango ako at bumaba ulit sa motorsiklo. Ngiting tagumpay pa itong Senyorito.

"Wala pala akong pamasahe," kinuha ko ang fifty pesos sa kamay niya.

Tatawa tawa pa akong sumakay ulit sa motorsiklo habang siya ay hindi na mahitsura ang mukha. Nako galit na talaga ang Senyorito, kawawa naman.

Wala namang ginagawa, ang hilig lang talagang alilain ako. Jusko sa 'yo, Gregorio! Senyoritong senyorito, palibhasa bunso kaya nasusunod palagi ang gusto. Tss!

Inilagay ko lahat sa kusina lahat ng mga rekados na gagamitin ni Tatay para makapagluto siya. Kakarating lang namin sa bahay galing sa pamimili at diritso ng nagwawalis si Tatay sa bakuran namin. Marami na kasing mga dahon ng mga puno doon. Wala din kasi si Mama, palagi lang naman iyong wala sa bahay.

Nandito si Tatay dahil pang-gabi ang duty niya.

"Ate, anong ulam?" tanong ng kapatid ko.

Pabagsak itong umupo sa upuan na kahoy at humihikab pa ito habang inaayos ang buhok na makikitang hindi pa ito nasuklayan.

Misguided Affection (Highschool Romance Series #2)Where stories live. Discover now