Gulat man sa ginawa ni Alexis, hindi ako kumibo. Yumuko na lamang ako.Kung ito man ng sinasabi niya na noon na magsisisi ang babaeng iiwanan siya kung wala man itong kahit na anong sapat na dahilan kung bakit ayaw na nitong ituloy kung ano mang meron sila. Tatanggapin ko. Pumasok ako sa buhay niya kahit sinabihan na niya ako sa kung ano man ang mangyayari kaya hindi niya kasalanan 'yun.
"I won't apologize for what I did, Arabelle, I told you already," he coldly said and walked away.
Tears rolls down to my cheeks. Hindi ko man lang masabi sa kanya kung gaano ako kasaya kapag kasama siya. Hindi ko man nasabi na hindi ako nagsisisi na matagal bago ko nalaman na pinsan ko siya.
I'm sorry for not explaining, Alexis. It's your mother's duty to tell you the truth.
Sana kung magkita man tayo ulit, hindi ka na galit sa akin. Hindi ko kakayanin na magkagalit tayo.
Maybe we are not really meant to be together. Kahit na hindi pwede at kahit hindi magiging pwede, minahal kita.
To what happened to us, I learned that it's okay if he didn't know about how much I love him. Love will make people feel complete and a lot of unexplained feelings, but it can also make people miserable.
"Ma, tama na."
"Anong tama, Anabelle? Hindi ako papayag na gaya ng dati ay pupunta na naman siya sa kung saan-saan at kukunin ang kapatid mo!"
Nagmamadaling lumabas ako ng bahay ng marinig ang ingay sa labas. Halos mahulog pa ako sa hagdanan dahil sa pagmamadali at taranta.
"Hindi ko kukunin si Arabelle, Analen!---"
"Shut up! Ni wala kang karapatan na banggitin ang pangalan niya! How dare you show your face to her when you are the reason why her life became miserable!"
"Hindi ko kasalanan! Nawalan din ako ng kapatid-"
"Tama lang sa kanya 'yun! Sinong maaawa sa taong walang hiya?! Kriminal ang kapatid--"
"Ma!" Nilapitan ko ang ina at dinaluhan nang makita ang pagsmpal ni Ma'am Lisa sa kanya.
Galit na tiningnan ko si Ma'am Lisa. Kita ko sa mukha niya ang pagkagulat at pagsisisi.
"I- I didn't mean to do that! Arabelle-"
Hahawakan sana niya ako pero iniwas ko palayo ang braso palayo sa kamay niya.
Kahit nakakita ako ng pagdaan ng sakit sa mga mata niya pero wala na akong pakialam. Kung sana siguro noong wala pa akong alam sa lahat, edi sana humingi na ako ng tawad pero iba ito ngayon. Sa mga nalaman ko ay ang makaramdam ng awa sa kanya ay wala na sa bokabularyo ko.
"I'm here to say sorry for everything. I regret it already," she said while begging.
Umiling ako habang hawak-hawak parin ang ina.
"It's too late, Ma'am. Ang dapat niyong hihingian ng tawad ay matagal ng nakahimlay."
"Gusto ko lang malaman mo na kahit ang dami kong nagawang kasalanan sa 'yo, gusto kitang makasama. Hindi ko man masabi noong nakaraan pero mahal kita, Arabelle."
Umiling ako. Hindi ko kayang tanggapin na kadugo ko siya. Iniisip ko palang hindi na matanggap sa sarili ko.
"Then, you should learn with this situation, Ma'am. No matter how you love a person and you know the bad things they do, please don't hide them. Huwag na sanang mangyari ulit na mawalan ka ng kaibigan.
YOU ARE READING
Misguided Affection (Highschool Romance Series #2)
RomanceAlexander Louis is a loud, annoying and witty friend and student. Everything for him is just a joke. What if he meets and notices his quiet and kind classmate? Will they understand each other or will it just be a mess? Witness the life of two stude...