"I'll go with you."
"Hindi na!" Tanggi ko sa kanya at kinuha ang inimpake kong mga gamit.
Nagmamadaling lumabas ako ng bahay dala-dala ang mga gamit ko.
"Belle, gabi na. Let me drive, please," nakasunod na pakikiusap ni Rence.
Nilingon ko siya at nang makarating na siya sa harapan ko ay binitawan ko muna ang hinahawakan ko para mahawakan ang dalawang kamay niya. "Please, Rence. May mga kailangan pa akong gagawin na maiiwan ko. Please do me a favor. Ikaw na bahala."
Ramdam kong ayaw talaga niya akong payagang umalis pero tumango siya kalaunan at niyakap ako. Maiiyak na naman sana ako pero pinigilan ko na.
"Mag ingat ka sa pagmamaneho, ha? Huwag kang umiyak habang nagmamaneho baka manlabo ang paningin mo, nagmamaneho ka, remember that. Then, kapag napagod ka sa pagmamaneho, you can stop and find some place na makakapag pahinga ka. 'Yung ligtas na lugar. Then, don't force yourself if you can't continue, rest, Belle," bulong niyang paalala habang yakap yakap ako.
"Prioritize yourself, Belle. I'm reminding you as an older brother. Malayo ang San Vincente at gabi ngayon. Walong oras ang byahe mo kaya mag ingat ka. Papatayin kita kapag napano ka!"
Tumango ako. Aside from being my manager he also cared for me as his sister and I'm thankful for that.
"Ako na ang bahala na pumunta sa home for the aged toms. Then, I'll talk your station manager, baka mapakiusapan kong hindi ka muna papasok sa susunod na araw."
"Thank you, Rence."
"Don't mention it. I'll follow you when everything is under control, okay?"
Tumango ako.
"Tatawagan kita the whole night while you're driving. Kahit huwag ka ng sumagot. I just wanna make sure that you are alright."
"Sige, Rence. But you don't need to do that. Baka mapuyat ka pa."
"Sus! Belle, maliit na bagay. Basta mag ingat ka."
Kahit na ayaw ko ay wala akong nagawa. Habang nagmamaneho ay nasa kabilang linya siya ng cellphone ko. Hindi man siya nagsasalita o ako, gusto niya lang malaman ang sitwasyon ko habang nagmamaneho.
Kahit na gusto ng mahulog ang talukap ng aking mata pero pinilit ko paring magpatuloy. Alas-nwebe na ng gabi ako umalis sa bahay ko at walong oras ang byahe kaya paniguradong umaga na ako makakarating sa San Vincente.
Nang bigla na lamang tumigil ang sasakyan ay halos tanggalin ko na ang manibela sa sobrang inis.
"What happen?" Tanong ni Rence sa kabilang linya.
"Naubusan ako ng gasolina," halos maiyak na sagot ko.
Rinig ko ang pagkakagulo sa background ni Rence kaya nag aalala na din ako sa kanya.
"Anong nangyari diyan?"
"Susundan kita! Hintayin mo ako d'yan?"
"Huwag na! I'm okay, makikisakay nalang ako kapag may dumaan dito," humina ang boses ko pagbigkas ko ng huling salita.
Parang ako nalang yata ang nandito sa daan dahil sa malapit ng magmadaling araw. Natatakot din akong pumara sa kung sino sinong sasakyan.
"Kay tigas din ng ulo mo, Belle!" Galit na sabi ni Rence.
"Rence?" Takot na tawag ko sa pangalan ng manager ko ng marinig ang pagkatok doon sa pinto ng sasakyan ko.
Dito pa talaga tumigil ang sasakyan ko sa kung walang mga bahay. Puro mga kakahuyan lamang ang nakikita ko.
YOU ARE READING
Misguided Affection (Highschool Romance Series #2)
Roman d'amourAlexander Louis is a loud, annoying and witty friend and student. Everything for him is just a joke. What if he meets and notices his quiet and kind classmate? Will they understand each other or will it just be a mess? Witness the life of two stude...