Kabanata 33

695 18 0
                                    

'Go online and read the messages on our group chat. Our high school gc.'

Kunot noo kong tiningnan ang mensahe ng aking pinsan. Marami talaga siyang oras para makapag online. Oo nga naman, guro, e. Marami sigurong gc na kasama ang mga estudyante niya. O di kaya ay nakikibalita sa babaeng hinahangaan niya.

Fuck!

I immediately read the older messages when I read a familiar name.

'Nakauwi daw si Belle? '

'Sa bahay niya ba?'

'Naghotel daw. Nakita noong pinsan kong nagtatrabaho sa hotel. '

'Puntahan natin. Kahit kamustahin man lang siya. Matagal na rin nating hindi siya nakikita.'

'Shut up, Venn. Ang sabihin mo ay lumalandi ka! Ayusin mo ang buhay mo! May tatlong anak ka na!'

'Natutuwa lang ako dahil sa nakauwi siya. Sikat siya, 'di ba?'

'Ang sabihin mo, natutuwa ka kasi makikita mo ulit ang high school crush mo!'

'May pamilya na ako, Brenda! Mga sinasabi mo!'

'So, she's finally home?' it's Angela's chat.

'I saw her. She's with someone in Kusina ni Lola. Lalapitan ko na 'to. Kakamustahin ko.'

It's Fernando. The one who throws her the ball way back when were still on highschool.

Nagmamadaling lumabas ako ng kusina. Kahapon ay nandito din siya. Hindi ko nga nilapitan dahil busy. Kahit nga tingnan man lang ni Aubrielle ay hindi ko hinayaan. Baka hindi siya komportable at hindi na babalik dito sa restaurant.

Pinigilan ko lang na lapitan siya kahapon para mabigyan siya ng privacy.

Uminit agad ang ulo ko nang makita na kasama niya, ang kanyang manager. Pati ba naman dito ay magkasama sila? Sinusundan? Nagpapakita pa talaga sila dito? Nananadya ba sila?

Agad kong hinarangan ang papalapit na sana na Fernando sa lamesa nina Hernandez. Gulat pa ito sa ginawa ko kaya natigilan at tiningnan ako.

"O! Alexis-"

"Give some privacy to my costumers. You can't just go to their table and talk to them," I said in a calm voice.

Ayaw kong makaistorbo ng ibang kumakain.

"Pero kakamustahin ko lang."

"Busy siya. May importanteng pinag uusapan."

Ngumisi siya at tinapik ang braso ko. Kung hindi ko lang siya costumer ay baka nabali ko na ang braso niya. Hindi kami magkaibigan para tapikin ang braso ko. Hindi ko nakakalimutan na nagsuntukan kami noon.

"I see. Still protecting her, huh? Still into her, Alexis?"

Hindi ko siya at sinagot. Wala naman akong dapat na ipaliwanag sa kanya. Sino ba siya? A high school bully and now a barangay kagawad? Whatever!

"Ayaw ko ng gulo kaya hindi na lamang ako lalapit. Gusto ko lang naman na kamustahin siya at hihingi na din ng tawad sa kung ano man ang nagawa ko noon. Okay. I understand. Next time nalang iyong hindi mo alam na nilapitan ko siya."

Ngumiti siya at tinalikuran ako. Sinong nagsabing makakalapit ka?

Hanggang sa mapunta ako doon sa counter ay mainit pa rin ang ulo ko na kahit ang pagngiti ko sa mga kostumer ay hindi ko magawa.

Lumipat ang tingin ko doon sa kung saan nakaupo sina Hernandez. Seryoso sila sa kung ano man ang pinag-uusapan nila na parang kung may mali man na masabi ang manager niya ay handa siyang tusukin ang mga mata nito.

Misguided Affection (Highschool Romance Series #2)Where stories live. Discover now