Kabanata 3

1.2K 26 0
                                    


"Pumayag ka naman?"

Nilingon ko ang maingay na Gregorio. Kanina pa 'to paulit ulit ng tanong pagkatapos kong sabihin sa kanya ang pinagkasunduan namin ni Alexis.

Noong isang araw pa naman yun pero ngayon ko lang nasabi.

"Dapat irereto kita sa maingay na lalaking yun, pinangunahan mo naman ako," nagmamaktol niyang sabi.

Hindi ko na lang siya pinansin at ipinagpatuloy ang pagkokopya ko sa mga na take notes niya kanina. Hindi kasi ako nakapag take notes dahil sa na late ako. Tinulungan ko pa kasi ang kapatid ko sa assignment niya. Hindi man lang nagsabi kagabi na may assignment siya, nanonood lang talaga ng pelikula at ngayong umaga lang nagsabi na may dapat pala siyang sasagutan.

Isa din sa dahilan kung bakit ako na late ay hindi ako pinaaalis ni Mama hangga't hindi siya tapos sa pagsigaw sa akin. Wala naman akong ginawa pero galit na galit siya sa akin. Kakauwi lang din niya ngayong umaga at pagkatapos akong pagalitan ay umalis ulit. Siguro mainit ang ulo at walang mapagbuntunan kaya umuwi at sa akin ibinuhos lahat ng galit.

"O! Sa 'yo na!"

Tinanggap ko ang ibinigay niyang toblerone at ipinasok sa bag.

"Admirer again?"

Tumango siya at sumandal sa akin. Muntikan pa akong matumba dahil sa ginawa niya mabuti at inasahan ko na ang gagawin niyang ito.

"Ang hirap palang maging gwapo," mahinang sabi niya.

Ngumiwi ako at ipinagpatuloy ang pagsusulat. Andrew E. yarn?

Nandito kami ngayon sa likuran ng paaralan. May dalawang silya kasing nandito sa ilalim ng puno na nakadikit sa pader at alam ko kung bakit ito nandito. Daanan ito ng mga estudyante kapag tumatakas sila. Mabuti at hindi ito nakikita ng nga guard. Hindi naman siguro nagpupunta dito ang mga guard.

"Hernandez! Diaz!"

Pareho kaming napatingin sa tumawag sa amin. Umayos na rin ng upo si Gregorio.

"Good morning, Ma'am!" sabay na bati namin ng kaibigan ko ng makalapit ang math teacher namin sa amin.

Tumango lang siya at hinaplos ang buhok ko. "Kikidnapin ko muna itong si Gio, ha? May ipapagawa pa ako sa kanya."

Nakangiting tumango ako. "It's okay, Ma'am, wala naman 'yang ginawa dito, e."

Gregorio groaned but he can't say anything. Sumagot ka para malilintikan ka sa ina mo. Hindi pa naman magandang magalit ang iyong ina.

"Alam ko talagang nandito kayo palagi kapag wala kayong klase kaya ako na mismo ang pumunta dito dahil baka kung iutos ko sa ibang estudyante ay ma issue pa kayo," tiningnan niya ang anak niya at tinaasan ng kilay. "Sa pwesto pa naman nitong ni Gio kanina ay talagang issue talaga ang aabutin."

Tumayo si Gio at hinawakan ang braso ng ina. "Tayo na, Ma'am, babalikan ko pa 'tong si Arabella dito."

Binitawan ako sa pagkakahawak ng ina ni Mrs. Diaz at inilipat ang hawak sa braso ng anak niya. "Babalikan ka raw, Arabelle."

Ngumiti ulit ako. Babalikan naman talaga ako ng lalaking 'yan dahil wala siyang choice.

Nang makaalis sila ay pinagpatuloy ko ang pagkokopya. Nasa kalagitnaan ako ng pagkokopya ng maramdaman ko ang pag upo ng kung sino sa upuan iniwan ni Gregorio.

Muntikan na akong mapasigaw ng makita si Alexis na nakapikit ang mata habang nakatagilid ang ulo nitong nasa desk ng upuan. Gayang gaya talaga noong isang araw ang pagkakaiba lang ngayon ay hindi siya nakatingin sa akin ngayon.

Misguided Affection (Highschool Romance Series #2)Where stories live. Discover now