Kabanata 19

698 17 0
                                    

Ngumiti ako doon sa guard pagkapasok ko ng building. Ganun din kasi siya palagi. Kapag papasok ako sa trabaho ay siya palagi siyang nakangiti na binabati ako.

"Mas gumanda ka lalo, Ma'am."

"Nako, kuya, lumang style na 'yan."

Tumawa lamang siya. "Hindi ka pa talaga naniwala, Ma'am."

"Pero sige, Kuya, ha. Tatanggapin ko 'yun kasi kayo ang nagsabi."

"Ayun!" Masayang sabi ni Kuyang guard.

Natatawang naglakad na lamang ako papasok sa loob ng radio station.

"Ma'am!"

Lumingon ako at tiningnan ang guard na tumawag sa akin.

"Salamat nga pala sa pagtulong sa anak ko. Makakalabas na siya ng ospital bukas."

Mas lalong lumaki ang ngiti ko dahil sa narinig na balita. Parang gumaan ang kalooban ko sa nalaman.

"Gusto nga po kayong imbitahan ng asawa ko bukas ng gabi sa bahay, Ma'am. May konting salo-salo kami. Pasasalamat dahil gumaling na ang anak namin."

"Sige, Kuya, pupunta ako."

Hindi tuloy mawala ang magandang mood habang nagtatrabaho ako.

Dahil sa pagbabawal sa akin ni Ma'am Lisa na tulungan ang mga matatanda. Lumipat na lamang ako sa orphanage. Tinutulungan ko ang mga batang wala ng mga magulang. Nagbibigay ako ng pondo sa orphanage para sa pagpapagamot sa mga bata kapag nagkakasakit sila. May nagbibigay na din daw ng pagkain doon kaya mas minabuti ko ng ang pagpapagamot na lamang ang itutulong ko.

Nalaman ko din noong nakaraan na naospital ang anak ni Kuya Roly. Ang guard nitong pinagtatrabahuhan kong radio station at kulang ang kanilang pera na pambayad sa ospital kaya ako na ang nagbayad sa mga gastusin. Hindi naman kasi ganun kalaki ang dapat na bayaran. Wala lang yata 'yun sa kalingkingan ng presyo ng isa kong pagguhit.

"Ang bait mo masyado, ano? Matulungin ka sa kapwa."

Isang beses na puna ni Rence. Wala naman kasi akong maisip na dahilan para hindi tulungan ang mga nangangailangan. Dumaan din ako sa hirap kaya ramdam ko ang mga nararamdaman ng walang wala.

Ayaw ko ring may mga bata na nagugutom. Kahit nga makitang may inaasar na bata dahil sa kahirapan hindi ko gustong makita dahil dumaan ako sa ganoong sitwasyon. Ang pagtawanan ng mga kaklase dahil sa kahirapan.

Hindi din naman talaga kami dumaan sa sobrang kahirapan noon dahil may sweldo naman si Tatay kada buwan pero maliit lang 'yun. Masyadong mahal ang mga bilihin kaya palagi kaming nauubusan ng pera. 'Yun din ang dahilan kung bakit tumatanggap si Tatay ng mga pinaluluto sa kanya ng mga kapitbahay namin para may dagdag kita.

Kapag naalala ko ang paghihirap ng ama ko noon para lang maitaguyod kami ay sumisikip palagi ang dibdib ko. Hindi madali ang kumita ng pera habang may mga nag aaral at maliit lang ang sahod. Naranasan ko 'yun noong tumigil ako sa pag aaral at nagtrabaho para buhayin ang pamilya. Hindi madali kahit na tinutulungan naman kami ni Tita Amy sa ibang gastusin. Nag aaral din si Anabelle sa mga panahong iyon kaya mahirap. Sobrang hirap.

Ngayon na may kakayahan na akong buhayin ang pamilya ko at maibibigay ko na ang lahat ng pangangailangan nila iyon din ang panahon na hindi na nila kailangan ang tulong ko dahil hindi nila tinatanggap ang kung ano mang gusto kong ibigay sa kanila. Kung kailan makakaya ko ng punan ang pangangailangan nila ay 'yun din ang panahon na hindi na pwede.

Kung kailan pwede ko ng ipatigil ang ama ko sa pagtatrabaho dahil mabubuhay ko na naman siya at maibibigay ko na ang mga pangangailangan niya ay hindi ko na magawa. Hindi na maaari.

Misguided Affection (Highschool Romance Series #2)Where stories live. Discover now