Kabanata 36

1K 25 0
                                    

Nanatiling nakatitig ako sa kanya habang ngiting ngiti itong nakatingin sa akin.

Nang mapagtanto ang nangyayari ay dali dali ko siyang nilapitan. Gulat pa siya sa paglapit ko pero tiningnan lamang niya kung ano ang gagawin ko.

Kahit na sobrang kinabahan at nanlalamig ang buong katawan ay pumunta ako sa likuran niya para itulak siya.

"What are you doing here? Trespassing ka! Ipapapulis kita!" Itinulak ko siya kaya todo lingon siya sa akin at hinayaan lang naman niya akong itulak siya.

Ramdam ko pa ang mainit niyang balat sa mga palad ko kaya mas lalong nanlamig ang aking pakiramdam. Kaharap ko ngayon ang malapad niyang likuran.

"Wait! Hey, Hernandez! Bakit ba?"

"Paano ka nakapasok?! Trespasser!"

Tumigil ako nang nasa pintuan na kami. Dali dali kong binuksan ang pintuan at itulak siya ulit pero pagdating sa labas ay natigilan ako nang makita ang gulat ang mukha ng delivery man sa labas. Kumurap kurap ito at tiningnan si Alexis at ako. Lumunok at itinaas ang dalang paper bag. Pagkatapos ay inilagay lang 'yon sa sahig at nagmamadaling umalis.

Gulat kong sinundan ng tingin ang papalayong imahe nito.

Bakit ganun 'yon? Parang tanga!

Nilingon ko ulit ang lalaking pumasok nalang basta basta sa bahay ko at naabutang titig na titig ito sa akin kaya umiinit ang mukha na sinamaan ko siya ng tingin.

"Alis na!"

" To answer your question earlier, hinatid ako ng manager mo dito kanina. Tsaka, hindi pa ako tapos magluto."

"Y-You're—..." Kinakabahang tiningnan ko siya.

Ngumisi ito at lumapit sa akin kaya nanlalaki ang mga matang napaatras ako. "H-Huy! A-Ano ang gagawin mo?!"

"What? I'm what?" Bulong nito dahilan ng panginginig ng tuhod.

"You're."

Hindi ko pa rin matapos tapos ang sasabihin kaya napasandal ako sa may pintuan nang ilagay niya ang kanyang dalawang kamay sa pintuan para makulong ako.

"What is it? I'm?"

Jusko! Tabang!

"You're fired!" Kumurap kurap ako. "Yes! You are fired!"

He give me an evil smile. "Sorry, Darling! Nakapirma na ako ng kontrata at ang manager mo. Termination of contract means—"

"Edi doon ka magluto kay Florendo! Siya pala kausap mo!"

"E, paano 'yong pangalan mong nakalagay doon as my employer?"

Huminga ako ng malalim. "Nagtatrabaho ka sa akin kaya umakto ka bilang professional na chef! Respeto naman! Pwede kitang kasuhan sa mga pinaggagawa mo!"

"Really? Paano kung gusto ko 'to? May abogado naman ako, maraming marami! Handa naman akong papakulong kung 'yan ang gusto mo."

Problemadong napabuntong hininga ako. Sobrang kaba na nga ang nararamdaman ko dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko, may pangiti ngiti pang nalalaman.

"Baliw ka! Magtrabaho ka nga! Bawal kang makipag-usap sa akin o tingnan man lang ako! Magluto ka lang!"

"Hmm? Ang lupit mo namang amo. Gusto ko pa naman ng boss at empleyadong love story. Kay ganda naman ng amo ko—"

"Tseh!" Yumuko ako para makadaan sa ilalim ng kanyang braso.

Nang makawala ako sa kanya ay dali daling binuksan ko ang pinto kaya muntikan na siyang matumba dahil sa nakalagay ang mga palad sa pintuan.

Misguided Affection (Highschool Romance Series #2)Where stories live. Discover now