Two

439 23 2
                                    

*VOTE AND COMMENT*

Cali's POV

Mag-aala sais na ng gabi at kasalukuyan kaming kumakain ni Viviane ng niluto kong bake mac. Dahil wala nanaman kaming kasama dito sa bahay kundi ang mga katulong nagluto nalang ako ng may magawa man lang kami kahit kumain.

Biglang tumunog ang doorbell. Malamang ay ang mga kaibigan ko na ito.

Pagbukas ko ng pintuan ay hindi nga ako nagkamali. Sinalubong ako ng mga malahigante kong kaibigan. Shempre, jake being jeke, buhok ko nanaman ang napagtripan niyang guluhin.

"Tara na!" Ani ni Luis ng pabagsak siyang umupo sa couch namin.

"Teka! Di pa ako tapos kumain eh! Bakit ba kayo nagmamadali?" Irap ko sa mga ito. Bumalik ako sa lamesa at muling ipinagpatuloy ang pagkain.

"That looks yummy." Sabi ni Marcus.

"Come on guys, kuha lang kayo. Nandoon ang platito."

"Ako din pahingi!" Tumatakbong sabi ni Paolo papasok ng bahay.

Napaka lakas naman ng pandinig ng lalaking ito. Unaunahan sila sa pagkuha ng platito at kutsara na iniabot sa kanila ni Viviane.

"Bro wag mo ako ubusan! Ma–." Sigaw ni Luis ngunit naputol ito ng biglang may sumigaw.

"Ate! May bake mac pa?!" Sigaw ni Luna habang patakbo pababa ng hagdan. "Oh–.." Napakamot ito sa batok ng makita si Luis na nakaupo sa couch. "Nandito pala kayo.

"Hindi wala kami." Sabi ni Luis, ngunit hindi ito nakangiti o hindi ito mukhang nagbibiro.

"Madami pa ate. Marami naman ang niluto ni Ate Cali kanina. Come here and eat with us. Baka maubos pa ng mga lalaking ito pati yon." Pagaaya ni Viviane kay Luna.

Yes, ayos na ulit kaming magkakapatid. Finally. Everything and everyone are good and at peace.

Sinamahan naman ng mga mokong si Luis sa Couch at doon kumain.

"Guys! Baka naman langgamin kami dyan ha!" Paalala ko sa kanila.

"Di yan!" Sigaw ni Bryan. "Lalanggamin lang tong bahay niyo pag nag comeback na si Luis at Luna, pati na rin Ikaw at si Sa–."

"Sarap! Pwede na ibenta." Pagputol naman ni Jake sa sasabihin ni bryan. "Tikman mo bryan oh! Ah!" Susubuan pa ni jake si bryan ng napakadami nito.

"Ayoko may germs na yang tinidor mo bro!"

"Ate balita ko babalik daw si kuya Sandro dito sa Manila." Sabi ni Viviane out of the blue habang nakaupo kaming magkakapatid sa dinning table.

Alam ko namang narinig din iyon ng mga kaibigan ko kaya nagtinginan ang mga ito sa direksyon namin.

Mga tsismoso talaga oh.

Napatigil ako sa pagsubo ng marinig ko ang sinabi ni Vi. Okay lang naman sa akin na banggitin nila, ng pamilya ko, ang pangalan niya, wala na naman iyong kaso sa akin. Naka-move on na ako. Nabigla lang talaga ako.

"Are you ready to see your ex? Kaya ba?" Mapaglarong tanong ni Luna. Nakangiti pa nga ito habang sinasabi iyon. Para bang naghahamon pa siya.

"Saan niyo naman nabalitaan yan?" Tanong ko.

"Sabi sa akin ni kuya Marcus. Binulong niya sa akin kanina nung nakuha siya ng bake mac. Ewan ko lang kung totoo, o baka naman ineetchos lang tayo ng mga to." Sabi ni Viviane.

Nagtinginan naman kaming tatlo sa mga lalaki.

Nagtaas ng mga kamay ang mga lalaki, maliban kay Marcus.

Destined To A Marcos | (OOTM Book #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon