Eight

359 23 3
                                    

Cali's POV

"You okay?" Singit ni Jake na papalapit na ngayon sa akin. Iniba ko naman agad ang direksyon na aking tinitignan at baka makita ako nitong nakatingin kila Sandro.

I smiled faintly. "I'm good. Nasasanay na akong laging ganito."

"Cali!" Nagaalalang takbo sa akin ni Paolo at tinignan ako at ang buong katawan ko.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Kunot noo kong sabi.

"Ang dami mong gasgas at sugat oh! Nagdudugo pa." Malakas na sabi nito habang ipinapakita sa akin ang sugat ko sa may braso.

Umiling ako. "Wag niyo na yang pansinin, hindi naman masakit e."

"Anong hindi masakit? E kung pisilin ko kaya yan. Tignan natin kung hindi parin yan sumakit Calista." Sabi ni Bryan na papalapit na rin sa akin.

Inirapan ko sila. "No guys, ayos lang ako let's just roam around na." Sabi ko.

Umiling si Jake at hinila ako pauwo sa bench. "No, we can do that later. Ngayon lets clean your wound muna. Marcus punta ka sa security, ask them if my first aid sila."

Wala na akong nagawa at sumunod nalang sa gusto nilang gawin sa buhay. At tsaka apat sila, iisa lang ako. Hindi naman ako pinapakielaman ni Sandro at Maxine dahil may sariling buhay ang dalawang iyon. Ni hindi ko nga nakitang sumilip si Sandro o kamustahin man lang ako.

"Aray.." angal ko habang nilalagyan ni Jake ito ng betadine.

"Shhh... i know.."

"Sabi sayo tol wag na tayo mag mall e." Sabi ni Paolo na may pagakbay pa kay Bryan.

"Ulul! E ikaw rin itong pilit na gustong sumama dito e." Sabi ni bryan dito.

"Aba malay ko ba na pagkakaguluhan tayo dito. Lalo na si Cali. Alam ko namang gwapo ako kaya tayo pinagkakaguluhan. Kaya sorry guys, may gwapo kasi kayong kaibigan kaya kayo nadadamay sa ganito." Proud pa na sabi ni paolo.

"Burn Paolo, Burn!" Sigaw ni Marcus habang natawa.

Tumingin sa akin si jake ng matapos na siya. "You okay? Pwede naman na kitang ihatid sa tinitigilan niyo. Bago nalang kita ihatid ulit sa bahay ng mga Marcos for your dinner."

I smiled at napatingin kay Sandro at Maxine na nagtatawanan lang. "Gusto ko na umuwi. I think I need some more rest. Plus, don't worry I can just ask our driver to drive to sa bahay ng mga... Marcos.. later.."

He smiled at inayos ang buhok ko. "Sure ka?"

I just nod.

Ayoko na dito. Mababaliw ako dito....

.........

Magaalas kwatro na ng hapon ay nakahiga parin ako sa kama ko.

I'm trying to take everything, piece by piece. Iniisip ko kung tama ba ang nga desisyong binitawan at ginagawa ko. O baka naman sumosobra nanaman at umalis nanaman akong luhaan.

Ganito na ba talaga ang buhay ngayon. Kung hindi ikaw ang gagawa, maghihintay ka sa wala at mapapariwala..

Napaka daya naman. Gusto ko lang naman maging masaya. Pero bakit parang ako ang dapat magsisi sa mga ngyari noon na dala parin ng puso ko hanggang ngayon. Siguro nga hindi pa ako nakakalimot. Dahil sino ba naman ang makakalimot sa mga pangyayaring nagbago sa akin, sa buhay ko.

"Ate?" Sabi ni Viviane habang kumakatok sa kwarto ko.

"Yes?"

"Can I come in?" Tanong nito.

Umupo ako sa kama ko ng maayos. "Yes!"

Dinig ang bukas ng pinto at agad nitong iniluwa si Viviane. Mukhang malungkot ito.

Destined To A Marcos | (OOTM Book #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon