Thirty-Nine

40 5 0
                                    

Cali's POV 

"Daddy! Mommy!" Dinig kong sigaw ni Bryce habang tumatalon ng tumatalon sa kama. "Wake up! Bryce wants to play!"

I opened my eyes at nakitang dito na rin nga pala natulog si Sandro. Medjo lasing na ito kagabi kaya mas minabuti ko ng dito siya patulugin. I miss times like this. Parang sobrang tagal ko hindi to naranasan at nasilayan.

"Morning mommy!" masiglang bati ng anak ko sakin. Tumigil muna ito sa pagtalon at yumakap muna sa akin, with kiss pa sa cheeks.

Pagkabitaw ni Bryce sa akin ay tumayo na agada ko at binuksan ang mga kurtina sa aking kwarto. Patuloy naman ang paggising niya kay Sandro.

"Daddy you're awake! Let's play! Bryce wants to play with you!" Sigaw niya sa matinis niyang boses. Halatang sobrang namiss niya si Sandro.

"Morning baby." Sandro said with his morning voice. Wala paring pinagbago, nakakaakit parin.

Habang ako ay papunta sa cr ay dinig ang pag hampas ng mga unan sa isa't isa, Naglalaro na agad sila ng pillow fight ng ganitong oras.

"Ah! Daddy's so strong!" Masayang irit ng bata.

Naapaisip tuloy ako kung tama ba na dito ko pa pinatulog si Sandro. Sumasaya nanaman ang anak ko at hindi ko na kayang makita nanaman siyang malungkot pag nagsimula nanaman si Sandro sa hindi niya pagpaparamdam. Bakit ba kasi kailangan niya pang bumalik kung aalis din naman uli siya.

Ngunit na alala ko ang mga katagang sinabi niya sa akin kagabi. Na he's trying not to lose me again. I trust him when he says that. Pero, I hate the fact na parang may pumipigil o humahadlang na sakanyang mahalin ako. Bawat salita niya ay parang may pangamba na. Hindi gaya ng dati na alam kong ako lang, kahit maraming hadlang.

Naghugas ako ng mukha at nagtoothbrush ng ngipin. Hindi pa ako lumalabas ng cr ay pansin ko na ang katahimikan. Parang kanina lang ang ingay-ingay nilang dalawa ha?

Paglabas ko ay bumungad sa kin ang magulong kwarto, ang naka-upo lang sa kama at tahimik na si Bryce, habang si Sandro ay nasa may binta. May kausap ito sa telepono at mukhang seryosong seryoso sa kausap niya.

"I just woke up!" nagulat ako ng sumigaw ng kaunti si Sandro. Sino ba ang kausap niya? "Okay and? What do you want me to do?" There was silence pero bigla ulit itong nagsalita. "I'll be there in 10." Binaba niya ang telepono sabay takbo sa akin ni Bryce at yumakap sa mga binti ko.

"Mommy, daddy's going to leave again?" Tanong nito ngunit di ko masagot dahil diretso lang ang tingin ko kay Sandro na nakatingin na saming nag-ina ngayon.

Agad-agad itong lumapit sa amin at hinawakan ang mga braso ko. "Something urgent happened at the headquarters. They want me to go there as soon as possible." Sabi nito. "I'm so sorry."

Tumango ako, "Go." Simple kong sagot. Nagulat ako ng nadidinig ko ang mahinang paghikbi ni Bryce. Bumaba ako sa lebel niya at hinawakan ang mukha nito. "He has to go, Bryce."

Mas laking gulat ko ng tinanggal nito ang pagkakahawak ko sa kanya at biglang tumakbo palabas "Everyone's leaving me!" ani pa nito.

Tinignan ko si Sandro at halata din sa itsura nito ang pagkagulat. Tinaasan ko siya ng kilay. "Masaya ka na nakikitang ganyan ang epekto mo sa anak ko, Sandro? Ganit oba ang gusto mong mangyari?" Umiling ito at aambang hahawak sa mga braso ko ngunit tinaboy ko ito. "Leave."

"I- "

"I said leave, Sandro." Tinulak ko na ito papalayo sa akin. Nakatingin siya sa akin na parang nanghihingi ng tawad.Ngunit kalaunan ay gumalaw ito at kinuha ang mga gamit niya sabay labas ng kwarto ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 3 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Destined To A Marcos | (OOTM Book #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon