Twenty Two

486 22 15
                                    

Third Person's POV

"Sino ang ama ni Bryce Cali?" Tanong ni Sandro.

True to his words, sinundo niya ang mag-ina sa bahay before lunch. Inilipat muna ang car seat ni bryce sa kotse ni Sandro. Nagtaka pa si Cali kung saan sila dadalhin ni Sandro. Ngunit sa lugar lang naman pala kung saan siya nito dinala nung isang araw. Sa bangin na maganda ang tanawin, may kalayuan lamang pero ready naman ang mga ito.

"Bakit yan naman agad ang tanong mo. Hindi ba pwedeng, ano ang full name niya? When's his birthday? Ilang taon na siya? Bakit bryce ang ipinangalan mo?"

Sabi ni Cali habang kalong kalong at nakayapos ito kay Bryce.

"I already know his full name." Ani ni Sandro.

Taas kilay siyang tinignan ni Cali. "Ano?"

"Bryce Davidson Salvador. Soon to be a Marcos, o baka naman... Marcos talaga siya?" Mapaglarong sabi sakanya ni Sandro.

Pinaningkitan siya ng babae ng tingin.

"When's his birthday?" Pag-iiba ni Sandro sa tanong.

Tumikhim si Cali at hindi mapakali kung sasabihin ba niya. "Ah eh—March 7, 2020."

Natulala si Sandro sa sinabi ng babae. "Same as mine.." Napangiti ito hanggang tenga. "That means that this little boy right here is 2 years old, right?"

Kinuha ni Sandro ang bata mula sa kandungan ng ina nito at kininandong naman sa kanya at niyakap.

Tumango naman si Cali habang may ngiting tinatago sa kanyang kalooban.

"Sino naman ang ama niya?" Nabigla si Cali ng bigla nanamang nagtanong si Sandro. Buong akala pa naman niya ay nalibang na niya ito sa pagsagot sa mga tanong nito.

"Ako b—."

"Walang ngyari sa atin dati kaya napaka impossibleng ikaw ang tatay ni Bryce Sandro." Wala ng pigil na sabi ni Cali.

Tila nakalimutan na iyon ni Sandro. Wala nga palang ngyari sa kanilang dalawa. "Kung hindi ako... ay sino?" Nandilim nanaman ang mood ni Sandro sa narinig

"Long story Sandro."

Napasinghal ang lalaki. "I have the whole day to talk about it. Pinatanggal ko ang nasa schedule ko ngayon, if aabutin tayo ng kinabukasan sa haba ng storya mo ay pwede ko pa namang ipacancel ulit lahat."

Wala talaga itong magawa sa buhay niya ano?

Napahinga ng malalim si Cali. Mapagkakatiwalaan naman ata niya si Sandro sa mga bagay na iyon. "Alam mo sa totoo lang Sandro... I— mahal na mahal ko si Bryce. Minahal ko siya alone sa states. Plano ko pa ngang palakihin siya ng may takot sa diyos at may respeto sa kapwa niya tao."

Nagulat si Sandro ng makita niyang may mga luha na naman na kumawala sa mata ng babae. He wanted to comfort him pero mas minabuti niya na pakinggan ang sasabihin at saloobin nito. Hindi niya alam bakit ganito magreact ang babae dito.

"M-mahal na mahal ko si Bryce. M-minahal ko siyang parang... tunay na aken.." She finally broke down. Nawala sa control, pero ang mahakaga sa kanya ay nasabi na niya ito.

Nanlaki ang mga mata ni Sandro. "A-anong parang sayo?"

"Engot! Hindi aken means I adopted bryce, Sandro." Napasigaw ito sa kaslowan ni Sandro.

Sandro was still trying to comprehend things in his mind hanggang ngayon. Hindi niya maiconnect ang dots ng mga sinabi ni Cali sa bawat isa.

Kaya ang salita na lumabas nalang sa bibig niya ay. "Enlighten me."

Destined To A Marcos | (OOTM Book #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon