Eleven

324 19 0
                                    

*Here's an update before wattpad shutdowns for 2 hours tomorrow. Till next update people!*

Cali's POV

"Are they not here still?" Tanong ni paolo na kanina pa naka-ayos at paalis na paalis na.

Nailagay na nila ang mga gamit nila at iba pang gamit na kakailanganin namin for the trip. Magdadala ng sasakyan si Bryan dahil maarte ang isang to, ayaw sa masikip. Baka samahan nalang rin siya ni Paolo doon dahil baka pagdating namin sa baguio ay naiyak na ito.

"Ang usapan natin 3am tayo aalis dito. Magaalas kwatro na oh." Sabi ni Luis na bagot na bagot na tumingin sa relo niya.

Ako, si Jake, Luis, Paolo, at Bryan pa lamang ang nandito sa bahay namin dahil dito ang usapan namin na magkikita kita kami.

"Wag ka ng umiyak jan. Papunta na daw sila. Chill lang makakarating din tayo sa pupuntahan natin." Ani ni Jake na kahit di sumisigaw ay napaka lakas naman ng boses.

"Nako! Bilisan nalang kamo nila. Pag tayo inabot ng traffic baka pababain ko sila sa kalagitnaan ng TPLEX." Sabi ni Paolo na isa pang hindi mapakali.

Sabagay, napaka aga talaga dumating ng mga ito dito sa bahay. Hindi pa ako nakabihis ay nasa baba na daw sila sabi ni yaya. Hindi ko sila masisisi kung maiinip sila sa mga late na kagaya ng iba jan.

"THEY'RE HERE!" Sigaw ni Bryan mula sa may pintuan.

"Jusq salamat sa diyos." Tinapik ni Luis ang balikat ni Jake. Pinalabas na rin niya ang lahat.

"Nasaan si Sandro?" Tanong ni Paolo.

Si Maxine at Marcus lang kasi ang bumaba ng sasakyan. Nginitian pa nga ako ni Maxine. Bakit ba kasi kailangan na kasama pa siya?

"I'm here." Ani ni Sandro na kakalabas lang ng sasakyan.

"Finally! Kumpleto na tayong makakapagtravel! Wala ng out of the picture at nasa ibang bansa." Malakas na sabi ni Marcus at umakbay sa akin. Kanina ko pa pala siya katabi.

"May plus one nga lang." Bulong ni Jake sa akin.

Napatawa naman ako dahil totoo naman na plus one lang talaga si Maxine.

"O sige na, ayusin niyo na yung mga gamit niyo sa loob ng van para makaalis na tayo." Utos ni Luis sakanila.

Agad namang nagsikilos ang mga ito, maliban sa akin. Backpack ko nalang ang dala ko kung saan nakalagay ang mga gadgets at iba pa. Nasa loob na rin kasi ng van ang maleta ko dahil van namin ang gagamitin, nilagay na kanina ni Jake.

Nang maayos na ng boys ang mga gamit namin ay nagsisakay na kami sa van at si Bryan at Paolo sa kotse. May driver rin kami. Naunang umandar ang kotse ni Paolo na sinundan ng van namin.

Sa tabi ng driver umupo si Marcus. Sa likod ng driver seat naroon si Maxine at Sandro. Sa likod naman ay kaming dalawa ni Jake. Konti lang kaming sakay ng van pero puno ito ng mga gamit pati sa loob kaya puno na rin sa loob.

Naging smooth and safe ang byahe namin. Ang boys ay puro kalokohan parin, magutom kami kaya huminto sa isang drive thru. Tatlong oras na yata kaming bumabyahe. Tahimik na ang mga nasa loob ng sasakyan. Hindi ko masyado makita ngunit alam kong nakahiling ang ulo ni Maxine sa balikat nito, binalewala ko nalang iyon. Napalingon ako sa tabi ko at nakita ang nakahalukip-kip na si Jake at nakapikit na ang mga mata.

Inilagay ko nalang ang earpods sa tenga ko at nagpatugtog ng mga kanta at hinilig ang ulo sa balikat ni Daren. Baka makakatulong ito sa pagtulog ko.

........

Nagising ako ng inuyog ako ni Jake. Tiningnan ko ang relo ko. Siyam oras na kaming bumabyahe at mukhang malapit lapit na rin naman kami sa aming paroroonan.

Destined To A Marcos | (OOTM Book #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon