Cali's POV
Hindi narin ako nagtagal ng sobra sa ilocos. Nagstay lang ako don for 3 days. Iginala ni Sandro at pinuntahan si mama Meldy. Kahit pinipilit pa nila akong nagtigil pa ng konti ay natatambakan narin ako ng trabaho sa manila.
"Ano Atty.? Nakapaghoneymoon naba sa ilocos?" Taas kilay na sabi ni Venice, isa sa lawyer na nakuha ko para dito sa law firm.
Inirapan ko ito. "What honeymoon do you mean?"
"Nako for the deny ka pa ha. Saan mo iniwan si Bryce nung nagpunta ka sa ilocos para supportahan sa COC ang future daddy niya?" Dagdag pa nito.
Natawa ako. "For your information hindi ko iniwan ang anak ko. Kinunchaba ni Sandro ang mga kapatid ko para alagaan si Bryce habang wala ako."
"At gumora ka naman ng ilocos oramismo para supportahan si papi sandro ano."
"Papi? Really?" Natatawa kong sabi.
"Oo Papi. Baka nga sa di katagalan ay tawagin mo na rin siyang daddy habang nagma-make love." Ano ba talaga ang ipinaglalaban ng babaeng ito?
I sighed. "Your words is not too professional."
"Nako tigilan mo ako. Alam kong deep inside iniimagine mo na lahat ng sinasabi ko." Sabi ka nito.
"Ulol."
Itinuro niya ako. "Look who's being unprofessional too. Ayaw mo nalang aminin na you're back in you inlove era, Attorney."
Alam ni Venice ang storya namin ni Sandro. Nakapasa ito sa bar pero marites ang galawan. Lagi nitong bukang bibig kaming dalawa ni Sandro simula ng malaman niyang nagkikita na ulit kami nito.
She has been with me back in Law School in America. Isa siya sa kasama kong overseas student doon. Though we weren't that close noon.
Hindi narin nagtagal ay natigil na ang pangaasar ni Venice dahil inabutan ko siya ng sandamakmak na papeless.
Deserve.
......
"Hoy Paolo! Bakit ka ngumingiti jan ha!" Pang-aasar ni Bryan kay Paolo na ngiting ngiti sa cellphone nito.
Napailing pa si Marcus. "Nako! Delikado kana pre." Umakbay ito kay Jake. "Inlove na tong tropa natin. Ang tanong seryoso na kaya?" Tumawa tawang sabi nito kaya nagtawanan naman ang lahat.
"Bryce! Come here!" Tawag ko sa anak.
Naisipan nanaman tumambay ng mga ito dito sa condo. Nagulat pa ako ng malaman na kasama nila si Jake. Me and jake never really talked for awhile now. Siguro ay mahirap lang sa aming dalawa iyon.
But kahit na nagkamali si Jake ay nakakamiss din naman ang bonding at kwentuhan namin nito. He's my human diary nung mga panahon na walang wala ako sa sarili ko. Tapos bigla kaming magkakaganito.
"Tol tahimik mo naman, nakakapanibago." Pansin ni Luis sa tahimik lang na si Jake. Habang ako naman ay nilalagyan ng bimpo sa likod ang anak dahil takbo ito ng takbo dito sa loob.
Nakakatuwa lang na kahit na nagkagulo gulo sila ay ayos parin sila. Kamusta kaya silang dalawa ni Sandro? Nagpapansinan kaya sila?
Jake gently chuckled. "Lowkey person on the making to."
Binatukan ito ni Marcus. "Ulol! Lowkey lowkey ka jan. Sa babaero mong yan magiging lowkey ka. Wag! ipagsigawan mo pa tol."
"Sus kita mong di na nga nasama satin sa bar yan para mangchicks e." Sabi ni Bryan.
Jake chuckled. "Wag niyo kasi akong igaya sainyo mga play boy na chick boy pa." Napailing naman ang mga kaibigan nito na para bang hindi ananiniwala.
Habang pinagmamasadan ko silang lahat ay nagkaabot ang mata namin ni Jake. He smiled at me, hindi katulad ng dati na puno ng sama at sinceridad, ngayon puro nalang lungkot at sakit ang nakikita ko doon.

BINABASA MO ANG
Destined To A Marcos | (OOTM Book #2)
FanfictionTHIS IS THE BOOK 2 OF ONE OF THE MARCOSES (if you haven't read the book 1, its better to read it first before this. ♡) Copyright © HildaGray