Twenty Eight

316 23 9
                                    

Cali's POV

Once the pictorial ended ay nagkaroon naman ng maikling interview ang bawat isa sa amin. Ibinukod pa si Sandro sa amin dahil may ibang kumuha sakanya para iinterview.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas ako sa dressing room. Bryce asleep sa dressing room nila mom. Good thing may couch doon. Tahimik ko namang pinakinggang ang mga sagot ni Sandro sa interview. Nakatalikod siya kaya impossibleng makita niya ako.

"Let's end political connected questions and let's start with the questions na kikiligin ang ating mga kababaihan. What do men like about women and why?"

"Everything. Kase in my case if I like a woman, I like everything about her. Para sakin siya lang ang babaeng perpekto, besides my mother."

"What sort of girls attract you and why?"

"Girls who's hard to get. Gusto ko kasi yung mage-effort ako. Gusto ko ako yung hahabol sakanya. Gusto ko ako yung magkakandarapa para mapasagot siya. Gusto ko ako yung mahihirapan kesa na siya."

Kitang kita sa mukha ng interviewer anv kilig dahil sa sagot nito. Kahit ako ay kinilig din. Para kasing ang hirap ng makahanap ng lalaking tulad niya. At alam kong hindi lang naman puro salita ang kaya ni Sandro. He's way more than that.

"Ang sarap mo sigurong mahalin." Natatawang sabi ng interviewer na tinawanan naman ni Sandro. Totoo naman e.

Masarap siyang mahalin, yung tipong masasaktan ka ng sobra pa sa sobra.

"Next... what are girls to you?"

"Uhmm. All I know is every man have to respect and protect them. But to be honest for me, I compare this woman to an angel."

"Talaga ba?! So sinasabi mo bang your not single anymore?"

Nakita kong umiling si Sandro. Kumunot naman ang noo ng interviewer. "No no, I'm single.. but my heart is fully taken by someone."

"Who is she? Who's that lucky girl, Mr. Marcos? Isasama mo ba siya sa campaign mo?"

"Yes yes uhmm.. I'll convince her to come. And that's the limit of my statements about her. Keeping it a secret first, but i know she's my future wife."

Natigilan ako sa pakikinig, dad called me.

"Sasabay na ba kayo saamin anak?" Ani dad.

Mags-sign si Dad at tito bong ng Certificate of Candidacy. And even sandro, I heard na pagkatapos ni tito Bong ay lilipad sila papuntang ilocos to sign his COC naman.

Tumango ako sa kanya at saka muling sumulyap sa nakatalikot na si Sandro.

Libre mangarap..

Pwede bang pangarapin ko na sana... ako ang babaeng nakatakdang mapangasawa mo, Ferdinand Alexander Araneta‐Marcos lll?

"Tara na anak." Sabi muli ni dad.

Napabugtong hininga nalang ako at sumulyap ng huli sa kanya, baho tumakbo papalapit sa tatay ko..

Ako nalang ulit.....

......

"Ma'am Cali!" Sigaw ng isang babae pagkalabas ko ng isang kwarto dito sa headquarters sa di kalayuan. Hindi ko pa ito mamukhaan ngunit ng lumapit ito ay nalinaw na malinaw na si Angelica ito.

"Angelica!" Sinalubong ko siya sa isang yakap.

"Long time no see ma'am." Masayang wika niyo. "Ilang taon din kaming walang narinig tungkol sayo."

Napairap ako. "Di na ako sanay na tinatawag mo akong ma'am."

"We need to be formal sabi ng dad mo kaya eto. Nagmumukha nanaman tayong napakabait sa pagiging napakapormal." Loka loka parin itong si Angelica.

Destined To A Marcos | (OOTM Book #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon