Thirty Seven

216 14 2
                                    

Cali's POV

Lumipas ang halos isang linggo bago magising ang anak ko at namahinga pa ng konting araw sa ospital para sa mga check-up at pagmomonitor sa kanya.

The past few weeks has been so hard for me to cope up with. Sobrang hirap to the point na i started to be depressed, stressed and lose weight. May family was always with me.

Sila lang.

Si Sandro ay naging focus sa pangangampanya niyang magsisimula na. Hindi sa tututol ako o ano, pero sana man lang nagawa niya akong kamustahin matapos niya akong iwan ng gabi din ng isinugod ang anak ko sa ospital.

Akala ko ay magmula ang gabi na iyon ay mababago na ulit ang trato niya sa akin, ngunit hindi pala. Mas lalo siyang nawalan ng oras para sa akin o kahit mag message man lang upang mangamusta. He left for Ilocos without even saying goodbye, again.

Ang tindi na ni Sandro. Natitiis niya yon?

Ang balita ko na lamang sa kanya ay nagmumula sa social media o kaya sa mga news report sa TV. Alam niya kayang gising na si bryce? May pake kaya siya kahit sa anak ko man lang?

Habang tumatagal ay mas lalong nalilink si Sandro at Alexa sa isa't isa. Not only that they we're caught being in public together ay nagsisimula na ring magparinig ang mga kaibigan ni Alexa sa industriya ng showbiz sa pagiging close nila ni Sandro.

"Where's daddy Sandro, mommy?" Unang tanong ni Bryce pagkagising niya noong nakaraang araw.

Hindi ko alam ang isasagot ko non. Kaya nginitian ko ang bata at nagsinungaling na lamang upang hindi na ito magalala pa o malungkot. "Ang sabi niya magpagaling ka. Para pagnakalabas kana dito ay maipasyal ka daw niya."

Minsan ako nalang rin ang nalulungkot at nang hihinayang. Dahil kung ganito ang ipapakita at ipaparamdam sa amin ni Sandro. Sana hindi ko nalang ipinaalam ang tungkol kay Bryce. Sana hindi ko siya hinayang makuha ang loob ng bata. Sana pinigilan kong mapamahal ang bata sa kanya.

Dahil katulad ng nangyari sa akin, sa kahit anong aspeto mo pang tignan. Ang hirap mahalin ni Sandro.

"Mom, nawalan ba ng oras sayo si dad nung mga araw na nililigawan ka palang niya at nangangampanya siya?" Tanong ko kay mom.

Naalala ko ng nasa labas kami noon ng hospital room ni Bryce dahil tulog pa ang bata

Kumunot ang noo ni Mom. "Bakit mo natanong? Is something wrong?"

Kumibit balikat ako. "Ang hirap talaga magmahal mom. Ang hirap niyang mahalin. Walang kasiguraduhan." Huminga ako ng malalim. "Kung mahal naman talaga niya ko ay maraming paraan para makausap at maparamdam sa akin na importante ako, na mahal niya ko. If he wanted to, he would... p-pero wala e."

Tahimik lamang na nakikinig si Mom sa aking tabi.

"Pati ang paguwi namin dito ni Bryce ay mukhang pinagsisisihan ko na. Kung hindi kami umuwi hindi exposed si Bryce sa media at mga tao. Kung hindi kami umuwi hindi siya magkakaganito. Kung hindi kami umuwi... hindi niya makikilala si... Sandro."

"Sasabog ako kung pati si Bryce ay masasaktan dahil sa pagmamahal na sinasabi niya. Baka hindi ko mapigilan ang sarili kong umalis nalang ulit at ilayo dito at sakanya ang anak ko."

I opened my feelings and thoughts to my mom that day. Hindi natanggal ang sakit, pero nabawasan kahit papaano.

It's been weeks since nakalabas si Bryce sa ospital. Nasa kama lang siya for 2 weeks sa ospital pero ng makauwi kami sa condo ay napakaligalig na nito na parang walang ngyari.

"Mommy, I want daddy. I want to go to daddy, mommy." 

Yun ang palagi niyang sabi.

Pero wala naman akong magawa kundi libangin na lamang siya sa ibang bagay para malimutan iyon.

Destined To A Marcos | (OOTM Book #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon