Twelve

334 20 2
                                    

Cali's POV

Inalis ko ang tingin papalapit na si Maxine. Ngunit mapaglaro ang tadhana at natigil ako ng biglang dumating si Sandro. Naka swimming trunk din siya tulad ng ibang boys. Hindi man kakisigan ang katawan at kulang pa sa height nito pero makisig naman siya maglakad. Nakipaghigh five pa siya kay Jake ng madaanan niya ito at saka napatingin sa gawi ko.

Ako?

Ngunit di ako nagpatinag. Tinitigan niya ako ng nakakakilabot, pero binawian ko rin siya ng mga titig ko.

Tila nagslow motion ang lahay habang naglalakad ito papalapit sa akin. Napalunok ako sa kinauupuan ko dahil mukhang sa akin nga ito tutungo.

His body became better kahit wala siyang abs dahil sa pagiinom na rin siguro. Pero mukha parin naman na matigas ang tiyan nito.

"Don't stare at me like that again. Baka mahalata ng mga kaibigan ko na pinagnanasahan mo nanaman ako, Cali."

Bakit ba naman kasi ako nakatitig sakanya? Tsaka, kaibigan niya?

Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa mga sinabi niya. "Excuse me? For your information they are my friends too. Wag masyado mataas ang tingin sa sarili ha, nakakaengot yan. Lastly napafeelingero mo at nasabi mo pinagnanasahan kita. Mas pipiliin kong tusukin ang sarili kong mata kesa pagnasahan ka."

Ngumisi siya sa akin ng nakakaloko. "Oh really? At ano naman ang ibig sabihin ng mga tingin mo na iyon sa akin kanina?" Aniya habang nakatingin siya kay Jake at Marcus na magpool fight.

"Am I not aloud to stare?" Mapagbiro kong tanong at tonong naghahamon.

"No. Pero iba ang tulala mo sa akin kanina."

"Feelingero." Bulong ko sa sarili.

Dahil sa sinabi ko ay tumagilid si Sandro sa pakakahiga niga sa lounge chair, itinukod niya ang isa niyang siko doon sapo ang kanyang ulo at tinitigan ako ng mabuti.

In his intense pair of brown eyes.

"Hindi ako feelingero sinasabi ko lang kung ano ang nakikita ko. At bakit naman ako magfifeeling, Cali?" Taas kilay na tanong nito.

"The moment that you left and gave me up, I realized that I don't even deserve a woman like you." Seryoso niyang sabi, without any expression sa mukha niya.

Para akong binuhusan ang yelo sa mga sinabi niya.

"SANDRO YOU WANT BEER?!"

Bumangon ito at ngumiti. "Yeah. Sure."

Hindi ako lumingon pero alam kong dumating na ang kampon ni Satanas. Alam niyo na kung sino iyon. Hindi ako nagkamali ng makalapit na ito sa amin at inaabot kay Sandro ang isang beer na nasa can.

She's wearing an animal printed na two piece. Nakatali ang buhok at nakamalaking sunglasses.

Oo, maganda ang katawan niya. Pero hindi nito matutumbasan ang akin. Maumbok ba ang pangupo niya kagaya ng akin? Balakangin? May kalakihan ba ang kanyang hinaharap like mine?

Hindi naman masyado.

I'm too confident and perfect to be insecure with a woman like her. I'll never feel envy.

Mas lamang parin ako.

"Ay Cali. Sorry Isa lang kasi yung dala kong beer eh." Ani nito. Umusod si Sandro sa kinauupuan niya at tinapik ang tabi para maupo si Maxine doon.

Tinignan ko siya. Ulo hanggang paa. "No problem. I prefer drinking much stronger alcohols than a beer."

"CALI!"

Destined To A Marcos | (OOTM Book #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon