Thirty Six

254 16 3
                                    

Jake's POV

"Tol! Asan na ba si Luis? Hindi bat ang sabi niya ay pupunta naman siya rito ngayon?" Tanong sa akin ni Bryan habang nakaupo sa harapan ko dito sa round table. "Hindi ba siya aattend sa birthday ng pinaka mamahal niya?" Tumatawang dagdag ng mokong.

Kumibitbalikat ako. "Hindi pa ulit siya nagtext sa akin since last night." Lie. We chatted 3 minutes ago. "Pero ang sabi naman niya ay pupunta siya with his date. Wag kayo mainip, be yourself at maghanap nalang kayo ng mga babae kung ayaw niyong maghintay."

Tumawa naman si Marcus. "Wag mo sa amin sabihin na maghanap kami ng babae bro. Dahil kahit hindi mo kami paghanapin, babae't babae parin ang kusang lalapit sa amin."

"Tsaka tignan mo si Luis. Parang nung nagout of town tayo ay si Alexa ang kasama at nililigawan. Tapos ngayon ay iba na? Sino kaya ang bagong chics niya?" Matamang sabi ni Paolo.

Umiling ako. "Baka naman kasi may mali kaya tumigil siya sa panliligaw."

Kita ko ang pagkunot ng mga noo ng mga kaibigan ko. Walang wala silang alam sa mga mangyayari o mga plano ni Luis.. with Cali. Ngunit hindi naman mapagkakaila na alam na nila ang issue na pumutok dahil sobrang kumalat ito sa buong internet o tabloids pa.

Hindi naman talaga ako sanggayon sa mga plano nila. Hindi dahil ayaw kong mahulog si Luis kay Cali dahil nakakabihag talaga ang babaeng iyon. Kundi dahil ayokong magkagulo pang muli ang samahan ng lahat. Lalong lalo na at hindi pa naman nila nalalaman ang side ni Sandro at Alexa.

"Sa tingin niyo may kinalaman yung pagtigil niya sa panliligaw kay Alexa ng dahil sa naging iss-" Naputol ang sasabihin ni Marcus.

"Hey guys. Anong pinaguusapan niyo?" Pagputol ni Sandro na kakadating nalamang sa pwesto namin.

Tumawa ng napaka akward ang mga mokong.

"Hay nako pare! Alam mo naman. Topic namin as usual... CHICS!" Sigaw ni Paolo.

"Sa gwapo ko ba naman na ito. Hayst. Pogi problems." Dagdag ni Bryan.

"Mas pogi ako. Muntik na nga ako hindi makapasok kanina ng bar dahil pinagkakaguluhan na ako sa labas pa lamang." Kamot sa batok na ani Marcus.

At marami pang sinabing palusot ang mga mokong.

"Tama na nga kayo sa pangbababae niny-"

Pinutol ni Marcus ang nais sabihin ni Sandro. "Oh shit!" Gulat at nakatulalang sigaw niya sa kawalan.

Nang naglipatan ang mga tingin namin sa kanya tinitignan ay kita kong laglag panga ang lahat ng kaibigan ko, habang si Sandro naman, mukhang sasabog na sa ilang saglit lamang.

"Tangina men!" Napahilamos si Bryan sa Mukha niya.

Papalapit ng papalapit si Luis at si Cali sa amin na parang normal lamang ang nangyayari. Nakangisi si Luis at seryoso naman si Cali.

"Sorry na late kami." Tumatawang salubong sa amin ni Luis.

Tumawa ng akward si Bryan. "Oo nga pare. Bat kayo late?" Pagsakay nito sa agos.

"Pagpasensyahan niyo na itong date ko kasi masyadong natagalan sa pagaayos. Sabi ko naman wag ng mag-ayos dahil baka matipuan ng iba at pagpinatulan niya ay lokohin lamang siya." Ani Luis habang nakapulupot ang braso sa bewang ni Cali. "Pero sakin lang naman daw siya nagpapaganda, diba sweetheart?"

Ngumiti si Cali ay hinawakan ang pisngi ni Luis. "Ofcourse." Nalipat naman oahkatapos ang tingin ni Cali sa amin. "Hi guys!" Bati ni Cali sa lahat at binesohan, tumigil siya sa harap ni Sandro. "Where's the birthday girl, Sandro? Is she having a really good time having you... ops.. I mean having a good time right now?" Malaki na ang ngisi ni Cali.

Destined To A Marcos | (OOTM Book #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon