Cali's POV
Maliwanag na pero di pa sumisikat ang araw ng magising akong nakabalot ang mga bisig ni Sandro sa akin. Tiningnan ko ang wrist watch na suot suot niya at nakitang magaalas singko pa lamang ng umaga.
Hindi na muna ako gumalaw sa pagkakahiga dahil baka magising ko pa si Sandro na napakalalim pa ata ng tulog.
This is the 'Good Morning' I always wanted. Yung umaga na magigising akong katabi siya. His red and thin lips partly open, pilikmata niyang mahahaba.
Dahan dahan akong gumalaw para itapat ang tenga ko sa dibdib niya. I wanna hear his heartbeat. And when I finally heard it, napangiti ako na para bang nanalo ako ng bonggang award.
"Gising ka na pala."
Nginituan ko si Sandro na pupungas-pungas pa ang mga mata.
"Morning sleepy head." Malambing kong bagi sa kanya habang nakahiga sa dibdib niya.
"Good Morning wife." Bati naman niya sa akin ngunit binawian ko siya ng masamang titig, pero deep inside, alam niyo na. "Anong oras na, asawa ko?" Tanong naman niya.
"It's definately time to go back sa tent natin." Aniya ko.
"T-teka... Si bryce?" Dagdag tanong nito.
Si bryce...
Dali dali ako umalis sa pagkakahiga sa dibdib niya at mabilis na tumayo. Kasama lamang naming naglalakad ang batang iyon kagabi. Hindi narin kasi namin namalayan ng nakatulog na kami sa buhanginan.
"Oy! Wala ba muna akong morning kiss?" Sabi niya kasunod ng paghila sa akin kaupo muli.
Hinampas ko ang dibdib niya. "I need to see bryce. Hindi ko alam kung saan natulog ang bata, Sandro." Tapos ay takbo na agad pabalik sa tent namin.
"Saan kayo galing?" Nakakunot na tanong ni Paolo na nagluluto ng almusal. Mukhang siya at si Marcus pa lamang ang gising kaya't sila na ang naghanda ng umagahan.
Tumikhim si Marcus "Oo nga, hindi pa nasikat ang araw ay gising na agad kayo? San kayo gal—.. or should I say.. saan kayo natulo—"
"Nasan si Bryce?" Pagbabalewala ko sa mga tanong nila.
Kumunot lalo ang noo ng dalawa. "Kayo ang magkakasama sa tent tapos saamin niyo hahanapin? Saan ba kasi kayo galing? Kung maghohoney moon naman kasi kayo dapat nagsabi kayo saamin ng nabantayan namin ang bata." Natatawang sabi ni Paolo.
"Kung naghoneymoon kami ay sasabihan ko talaga kayo. Pero hindi naman e." Napatingin ako kay sandro na nakatayo sa may tent namin. "He's here, sleeping tight and right, honey." Turo sa anak ko na balot na balot ng kumot sa loob.
Dahil tulog pa ang iba. Nauna na kaming kumain. Pagkatapos ay nagtungon na ako sa bathroom dito na malinis naman at kayang pagtyagaan. Nagsuot ako ng denim shorts, white tshirt at puting sapatos.
Pagkatapos kong maligo ay kumakain na ang iba. Natawa pa nga ako ng makitang halos pikit mata pa silang kumakain.
"Halos maubos ako ng mga lamok kagabi. Sarap sarap ng dugo ko sakanila pa mauubos." Ani Jake na gulo-gulo pa ang buhok.
Alas-nuwebe na ng kami ay nakaalis sa beach na aming tinuluyan at tsaka nagtungo sa hotel na pinareserve namin.
Pagdating namin sa kanya-kanyang kwarto ay pagbagsak akong humiga sa malambot na kama. Isang araw kami sa beach ngunit parang gusto ko pang bumalik doon. Sariwang hangin, maalat na tubig dagat, buhangin..
Mabilis ang panahon at oras at hindi namin namalayan ang lahat ay malapit na sa katapusan. Kahit ang panglalandi ni Alexa kay Sandro ay hindi natigil, we still managed to ignore her and have fun.
BINABASA MO ANG
Destined To A Marcos | (OOTM Book #2)
FanfictionTHIS IS THE BOOK 2 OF ONE OF THE MARCOSES (if you haven't read the book 1, its better to read it first before this. ♡) Copyright © HildaGray