Chapter 28 : ( Getting To Know Each Other )

2.2K 33 1
                                    

#EDITED


Essa's POV


Pagkatapos nang nalaman ko sa nangyari sa kapatid ni Kit hindi ko alam kung ako lang na ang nakaka pansin pero bumalik nanaman si Kit sa pagiging Moody niya , lagi nanaman siyang nakasimangot , parang tulad ng dating Kit na nang aaway saakin , gusto ko siya kausapin pero ang isasagot niya lang saakin " Not now " kaya naman tumatahimik nalang ako , first subject namin ngayon kaka bell lang kasi kanina , at heto nga classmate namin si Bryan kaya naman laging naka poker face si Kit ,

Intindi ko naman siya kung bakit ganun nalang ang galit niya kay Bryan pero para kasing may mali eh, alam kong wala ako nung nangyari yun pero feeling ko may nangyari doon na hindi naman talaga kasalanan ni Bryan , aytsss Ewan !! hindi naman sa kinakampihan ko si Bryan , it's just --

" Essa " Napatalon ako bigla sa kinauupuan ko nang biglang magsalita si Kit , napalingon ako sa kanya na nakayuko lang ,


" B-Bakit ?" medyo alanganing tanong ko , nakita kong nagkuyom siya nang palad niya ,


" Promise me that —-"

" Good Morning Class " Napalingon kami pareho nang bigla nalang dumating si Prof.Sabrina , teacher namin sa P.E , hindi niya naituloy yung sasabihin niya , napatitig din ako sa kasama ni Prof.Sabrina !!


" Good Morning Prof. " Bati naming lahat sa kanya , pero ako nakatuon lang ang mga mata ko sa kasama niya ,


" Alright today we will have a new classmate , he's from Stonebridge University last 2 years but he migrate in US and now he enrolled here at Hambridge University" pag uumpisa ni Prof, hindi naman na ako nagulat kasi nakita ko na siya kanina sa labas , hindi lang siya pumasok , baka inaantay niya pa si Prof.Sabrina ..

Ngumiti siya sa lahat , tapos yung ibang classmate naming babae , kinilig pa dahil sa killer smile niya , gwapo naman talaga siya , pinsan siya ni Kit , nasa dugo na ata nila yan !! pero nung nilibot niya yung mata niya at nang mahagip ako nang tingin niya bigla siyang ngumisi , namula naman ako at napaiwas nang tingin .. nakaka goosebumps !!


"fvck" Nilingon nang mata ko si Kit nang magmura siya , feeling ko badtrip na talaga siya sa presensya ni Bryan ...

" Pleas introduce your self " Sabi ni Prof.Sabrina m tumikhim muna siya bago magsalita ,


" Good Morning , I'm Bryan Jimenez , 20yrs old and i hope we can all be friends " sabi niya at ngumiti , narinig ko namang nag bulungan yung mga classmate ko na parang kinikilig pa , yung kilig oo natural na yun , pero yung bulungan nila na parang nabigla sila nang sabihin niya yung full name niya ,


" Pinsan ba siya ni Prince Kit ?"


" Naku ang gwapo niya !! hawig sila ni Prince Kit siguro nga mag pinsan o magkapatid sila !!!"


" Sira kaba isa lang ang kapatid ni Prince Kit "


" wahhhhh ang gwapo niya talaga "


Rinig kong bulungan ng iba naming classmate , lumingon nalang ako kay Kit na ang sama ng Tingin  kay Bryan , tinignan ko ulit si Bryan sa harapan at nakita kong may binulong siya kay Prof.Sab, tumango tango lang si Prof.Sab tapos tumingin siya sa pwesto namin ..

Chasing RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon