#EDITED
Yssa's POV
Sabado ngayon at yamot na yamot nako dito sa bahay, sila Beshy kasi lumabas kasama ang family niya para daw sa makapag bonding naman at ang masaklap one week sila doon ... ang totoo niyan niyaya ako nila Tita Ella na sumama pero dahil sa sobra kong kaartehan ehh tinanggihan ko nagababasa kasi ako nang wattpad nang niyaya ako tapos ang ganda pa nang part na yun kaya ayun , huhu :'( dapat pala sumama nalang ako !! nagsisisi na akooo !!!
" Ugh " inis kong pinadyak ang paa ko sa taas at saka bumangon para tignan kung anong oras na ,
" 3:30pm " Nakangusong wika ko , tumingin ako sa paligid , magulo ang kama at hindi pa ako naliligo dahil tinatamad ako -_- pero baka pag umuwi sila Beshy maabutan nalang nila akong bangkay dito kung hindi ako kikilos ..
Napag desisyunan ko nang bumangon para maligo naisipan kong mag gala nalang ako sa mall kesa naman mag mukmok ako dito sa bahay at maghintay ng himala =___=
Pagbaba ko kinuha ko sa drawer ko ang susi nang sasakyan at umalis na, wala din naman sila Mommy , Workcoholic si mommy kaya minsan nalang kami makapag bonding , naisip ko nga sila Tita Ella At Tito Redson , mas malaki ang hinahandle nila na company kesa saamin , pero nakaka hanap parin sila ng Time para makapag bonding sa kambal nilang anak !!! hayy nakakainggit ...
Kakanta kanta lang ako habang nag dridrive at saka ako pumasok sa parking lot nang mall , pag parada ko at pagpatay ko nang makina eh may nahagip akong sasakyan sa hindi kalayuan , lumiit ang mata ko sa sasakyan , parang pamilyar kasi , i know sa dami nang sasakyan sa pilipinas nagawa ko pang sabihing pamilyar -_- pero mukang hindi pa nakababa yung driver kasi umiilaw pa yung headlights ..
Hindi muna ako bumaba at hinintay kong makalabas yung nasa loob ng sasakyan , if i know that car is pag mamay ari niya, mas lalo kong niliitan yung mata ko at tama nga ako , lumabas siya doon kaya napangiti agad ako , si Asungot :D , yayain ko nalang kaya siya ? dali dali akong lumabas nang sasakyan at tumakbo papalapit sa kotse niya pero agad din akong napatigil nang naglakad siya sa kabilang side at abot tenga yung ngiti niya ..
na estatwa ako habang tinitignan siya ...
Yung ngiti niyang saakin niya lang ginagawa .......... huminto ako at bahagyang umatras nang may lumabas sa kotse niya na pinagbuksan niya pa ...
lumabas sa kotse niya ang isang babaeng naka silver dress at medyo brown yung buhok , maganda siya in short ang wavy nang buhok , agad ako napahawak sa buhok ko na straight lang , tapos tingin ko sa suot ko na jumper , agad ako napahawak sa sarili ko ..
Tapos nung lumabas siya bigla siyang humalik sa pisngi ni Brent , ewan ko pero agad akong napahawak sa dibdib ko at tumalikod sa gawi nila .. Gosh !
Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko , alam ko naman na mabait si Asungot sa mga babae .... pero baka nakakalimutan mo Yssable ... Playboy siya, mabait siya kasi playboy siya !!! ... pero ang akala ko kasi .....
AISHHHH .. >/////<
Inuntog ko ang sarili sa poste na malapit dito !! nakakainis bakit ako naiinis ehh wala naman akong pakialam sa kanya !! ako na nga mismo nagsabi na mabait siya sa lahat ng babae at sweet malamang isa lang din ako sa mga binobola niya at tsaka never naman niyang sinabing Gusto niya ako , napahinto ako sa pag untog ko nang ulo ko nang may maalala akong sinabi niya kahapon saakin ..
—Flashback —
Nasa classroom kami at nag pairing para sa Question and Answer sa Math , binigay na saamin yung maliit na papel na sasagutan namin , at dahil tabi kami ni Asungot kami yung partner, matalino tong kumag na to sa math maganda na yung may kapit ! >:>