#EDITED
Essa's POV
" Goodmorning everyone , please take your seat because i will introduce to you your new classmate " Agad na bungad saamin ni Ms.De Asis nang kumpleto na lahat sa classroom , napangiti naman ako at umayos nalang nang upo dahil excited narin ako.
" Mr.Alvarez please come in " sabi ni Ms.De Asis kaya naman pumasok na sa loob si Kwek-kwek at nakangiti agad siya kaya naman nasimula nang magbulungan ang ibang babae at nanatili namang tahimik ang mga boys , nang tumama ang mga tingin namin ni Kwek-Kwek bigla siyang nag wave saakin and he mouthed "Hi" kaya naman nahihiya akong kumaway sa kanya pero agad kong binawi ang kamay ko dahil napalingon na saakin yung mga girls.
" Introduce yourself Mr.Alavrez" Utos ni Ms.De Asis ,
" Hi Good Morning , Jaydee Kris Alvarez nga pala ! Nice to meet you " Pagpapakilala niya kaya naman ayun napuno nang bulungan ang classroom sa killer smile niyang yan plus yung dimple pa !!
" Ang Pogi naman niya "
" Oo nga may girlfriend na kaya ?"
" Sana wala , grabe nag tipon tipon sa section natin ang mga gwapo , una si Fafa.Bryan tapos ngayon si Fafa.Jaydee "
Napangiti nalang ako sa mga pinagsasabi nang mga classmate namin , i can't deny din naman na halos nasa classroom na namin lahat nang gwapo , kaso hindi ko maiwasan hindi maisip na baka magka problema nanaman gaya nang naging problema namin nung dumating si Bryan ..
" Kilala mo ba yan Essa ? kanina pa nakatingin sayo eh!" Agad akong natauhan nang bigla nalang nag appear yung muka ni Bryan sa harap ko kaya napausog ako nang kaonti ,
"H-Huh?" wala sa sariling wika ko dahil sa gulat , too c-close ..
" A-Ahh oo!! Kaibigan namin siya ni Yssa " Sagot ko dahil mukang walang balak umalis si Bryan sa harapan ko , nagsalubong muna ang kilay niya kaya napaiwas ako nang tingin , hindi ko kasi carry na sobrang lapit nang muka niya ,
" *Cough * " Agad kaming napalingon ni Bryan sa tabi ko nang may bigla nalang umubo at ayun syempre si Kit hindi siya nakatingin saamin pero salubong ang kilay niyang nakatingin sa notebook niya ,
Muka namang nakaramdam si Bryan kaya umalis na siya sa harap ko at binalik ang tingin niya sa harap , ako naman eto at tumingin ulit kay Kit nagbabasa parin siya , gusto ko siya kausapin pero hindi ko alam ang sasabihin ko , napahinga nalang ako nang malalim at akmang titingin na sa harap nang bumaba ang tingin ko sa notebook niya at ganun nalang ang pagkalukot nang noo ko nang makitang clear as white ang notebook niya ..
H-Huh ?? tumingin ako sa mata niya na gumagalaw naman na parang nag babasa pero walang nakasulat sa notebook niya ? is he .. c-crazy ? o baka naman may invisible ink yang notebook niya ??
" You may now take your seat " Agad akong napalingon sa harap nang magsalita nanaman si Ms.De Asis kaya naman nabaling na ang atensyon ko kay Kwek-Kwek na naghahanap nang upuan , tumingin din ako sa paligid at saktong yung upuan ni Alys sa tabi niya ang bakante ,
" Jaydee !! Here Vacant, " Kita kong sigaw ni Alys kaya napangiti nalanga ko , i think magiging friends naman sila ni Kwek-Kwek,
" Tss " Nalipat din naman agad ang tingin ko kay Terrence na nasa kabilang side ni Alys , nagbabasa nanaman siya nang libro , hindi naman talaga palabasa tong si Terrence eh ang weird na nagkainteres siya sa pagbabasa ..
" Salamat Ms.Yu " sabi naman ni Kwek-kwek kay Alys , well mukang okay naman na sila.
" Naku Alys nalang , ikaw talaga hihi! "Parang batang naiihi na sagot ni Alys sabay hampas sa balikat ni Kwek-kwek nang makaupo ito sa tabi niya , hindi ko naman maalis ang tingin ko sa kanila ,