Chapter 54 : ( The Wedding )

2.6K 31 5
                                    

Chapter 54

~

 " Piggy masakit pa ba yung tyan mo ?" Napalingon ako sa tabi ko nang marinig ko nanaman ang boses ni Asungot.

 " Ano ba Brent .. Ayokong makita yung muka mo! " Inis na sabi ko at kumain nang mangga na nasa tabi ko, and yes i'm pregnant with our second baby.

 " Tss .. bakit ba naman kasi ganyan ka maglihi." Halos maiyak na sabi niya at umalis na sa may pinto. 

Limang taon na ang nakalipas ng grumaduate kami, nakakalungkot lang kasi hindi na namin nakasama sa pag graduate si Beshy dahil doon sa nangyari last 5 years ago, umalis na agad siya ng walang pasabi maski saakin hindi niya sinabing aalis siya. At si Kit ?? nalaman na namin ang totoong nangyari umamin din si Reiina pagkatapos nang graduation, mas naawa ako sa nangyari kay Kit dahil hindi naman pala niya sinasadya iyon, hindi narin siya nakapag explain kay Beshy dahil Binalock na ni Redrick lahat ng communication saamin, maski saakin. Argh!!

Tumayo na ako at lumapit sa crib nang 7 months baby namin. Natutulog pa siya kaya naman dumiretso ako sa bathroom at tinignan nanaman ang itsura ko sa salamin.

 " Sana pag nanganak ako maging sexy parin ako !!!" Sabi ko sa sarili ko at nakita ko nanaman na sumilip si Brent kaya naman napa irap nalang ako.

"You're gorgeous Piggy .." Naka pout na sabi niya.

 " Basta gusto ko maging sexy ako naiinggit ako nung makita ko yung mga magazines ni Beshy , Sexy Preggy siya nun, tapos nung nanganak na wala man lang kamot sa tiyan. Take note Kambal pa yung naging anak." Halos hindi makapaniwalang sabi ko.

 " Ok lang kahit hindi bumalik yung katawan mo." Napanganga naman ako at tinignan siya nang hindi makapaniwala, pwes sa kanya okay lang eh saakin hindi !!

" Bwisit ALIS ALIS!!"Sigaw ko at pinagtabuyan siya.

 " A-AH ... ARAY!!! " Sabi niya habang hinahampas ko.

 * KRINGGG *

 Tumingin siya saakin nung tumunog ang cellphone niya, nag mamanage na din pala siya ng Company nila at syemre matagal na kaming mga business woman at business man. At ako ?? babalik lang ako sa pag tratrabaho after kong manganak.

 " Oh pare bakit ??" Sabi ni Brent sa kausap niya sa phone.

 " Oh talaga ?? congrats congrats !! pakisabi nalang kay Alys ah ?? ah ganun ba ??? sige sige syempre aattend kami, haha sige bye na." Tapos humarap na siya saakin, Si Alys ? Baka si Terrence yung tumawag.

 " Anong meron?" tanong ko sa kanya.

 " Si Terrence tumawag , Nag propose na pala ang loko kay Alys, kaya ayun invited daw tayo sa kasal nila." Napahawak naman ako sa bibig ko at nagtatalon.

" AHH FINALL-- AY ARAY .." Agad akong napailing at agad naman akong inalalayan ni Brent.

" Dahan dahan ano ba parang hindi ka buntis ah ?" Sita niya saakin.

 " Invited nga pala lahat."Biglang sabi niya at agad naman ako napatulala.

 " Ibig sabihin ?"

 " Yeah pupunta din sila Essa .."

+

Kit's POV

Kakatapos lang ng Pre-Conference namin at ang dami talagang trabaho, araw araw pero nasanay narin naman ako. Pumasok na ako sa office ko at umupo sa swivel chair, hinawakan ko ang ulo ko at tumingin sa kaliwang side ng desk ko at nandun ang mga magazines niya. Kinuha ko yun at tinignan ang mga Pregnancy Magazine niya. Napahinga nalang ako nang malalim, Masaya na kaya siya ?? may mga anak na siya .. noong una hindi ko matanggap na may anak na siya. Gabi gabi para akong dinudurog pero time passes and i need to move forward. She's happy so i'm happy.

Chasing RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon