Chapter 51 : ( Moving on )

2.1K 31 2
                                    

~

Essa's POV

Unti unti akong nagmulat nang mata nang maramdaman ko na ang sikat nang araw, ngumiti ako nang luminaw ang paningin ko doon ko lang napansin na wala ako sa kwarto ko. Nanlaki ang mata ko at akmang babangon nang may maramdaman akong mabigat na nakapatong saakin.

Tinignan ko yung bewan ko at tumingin sa kamay na nakayakap saakin, nang makita ko kung sino yun napangiti nalang ako ...

" Kit " Ani ko habang tinitignan yung muka niya, Humarap ako sa kanya at hinawakan ang pisngi niya gamit ang daliri ko, pinababa ko yun mula sa jawline niya at sa ilong niya at sa labi niya. 

*Kring*

Napalingon naman ako sa side table nang mag ring ang phone ko kaya naman uminat muna ako at dahan dahan tinanggal ang kamay ni Kit saakin at inabot ang phone ko.

" Ahh .." Mahinang daing ko ng makaramdam ako nang hapdi sa ilalim ko, hinimas ko ang tiyan ko at nilingon si Kit na mahimbing parin ang tulog. I don't regret anything ... seeing him so peaceful like this.. i don't regret giving myself to him.

Huminga nalang ako nang malalim at tinignan ang tumatawag, It's Yssa.

" Hello beshy ?"

[ Where are you  ? wala ka sa bahay niyo .. ]

" Andito ako kela Kit "

[ OMGGGGGGGGGG " Agad ko nilayo ang phone ko sa tenga ko nang marinig kong humiyaw si Alys, magkasama sila? mukang naka loud speaker pa ..

[ A-Anong ginawa niyo ni Kit dyan ???] Sigaw ulit nilang dalawa.

" W-Wala, ano ba yun ?" Ayoko naman sabihin na may nangyari na saamin, lalo na't baka naka loud speaker nga sila.

[ Punta ka sa St.Peter Chapel .. lamay ni Mae ] narinig ko ang malungkot na pag buntong hininga ni Yssa , Napahinga rin ako nang malalim bago sumagot.

" Sige pupunta na ako dyan " Ani ko at nagpaalam na sa kanila.

Tumayo na ako at nag bihis , hindi ko na ginising si Kit , ako nalang ang pupunta sa lamay alam kong hindi pa maganda ang pakiramdam niya kahit papano ay naging sila din ni Mae noon , lumabas ako nang kwarto at nakasalubong ko ang katulong nila na si Jaya.

" Good Morning Maam Essa." bati niya saakin !!

" Ano kaba Essa nalang , Jaya pwede bang ipagluto mo si Kit ng breakfast ?? aalis na kasi ako may pupuntahan lang ." Sabi ko sa kanya at tumango naman siya, hindi narin ako nagpahatid sa driver nila at nag taxi nalang at dumiretso sa Chapel kung saan gaganapin ang lamay si Mae , iniisip ko parin yung bumaril kay Mae , bakit niya kami pinagtanggol ?? hindi ko alam kung dapat ba ako magpasalamat o matakot sa kanya dahil sa ginawa niya kay Mae.

" Maam andito na po tayo. " Napalingon ako sa Driver, andito na kami sa Chapel, bumaba na ako at nasalubong ko naman sila Yssa na mukang nag aantay saakin.

" Beshy!! Tara na .." Sabi niya saakin kasunod lang niya si Alys  at ang mga boys ay nandun din at nakikipag usap sa mga classmate na kaklase nila Yssa at Mae.

" Essa,  you know namatay din pala yung daddy ni Mae , so dalawa silang naka burol dyan , then sabi nang investigator , May possibility na same person lang ang pumatay sa kanila. " Nagulat ako sa sinabi ni Alys patay na din ang papa ni Mae ??

" How come ?" Nagtatakang tanong ko sa kanila.

" Hindi rin namin alam eh , pero sabi nila baka nagkataon lang na balak kayong saktan ni Mae tapos Hina hunting narin siya ng mga pumatay sa daddy niya. They're in illegal business afterall. " sa mga sinabi saakin ni Alys , mukang naliliwanagan na ako .. baka nga nagkataon lang ang mga nang yari ... sana yun nga yun ...

Chasing RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon