Chapter 44 : ( Study with you )

2K 39 0
                                    

#EDITED

~

Essa's POV

" Akala ko ba okay na tayo? bakit kailangan pa kitang ligawan ?" Nagmamaktol na protesta  ni Kit saakin pagkatapos nang nakakakilig na palabas nila kanina sa campus ground na sobrang nagpakilig saakin!! Grabe hindi ko inaasahan na yung lalaking gusto ko , magkakagusto din saakin , well may gusto naman talaga siya saakin .. doon sa other me.

" Gusto ko rin naman kasing maranasang maligawan !! " Nakangiting sagot ko sa kanya , andito kaming dalawa ngayon sa rooftop nang block namin , gusto daw niyang mag usap kami at heto nga nang sabihin ko sa kanyang hindi pa kami official bumalik na siya sa dati niyang ugali , yung ugaling hindi mo maintindihan but still minahal ko parin siya ,

" Naligawan ka naman dati ni Terence ah ?" Sagot niya , napataas naman ang kilay ko at nilingon siyang nakataas din ang kilay saakin , nagsukatan kami nang tingin hanggang sa naisipan ko nang magsalita ,

" So , si Terence dapat ang sagutin ko ??" Naka cross arm na sagot ko , bigla namang nanlaki yung mata niya at bumuga nang hangin at nagsalubong ang kilay ,

" Okay ano bang klaseng panliligaw gusto mo ? " Masungit na sagot niya saakin kaya naman halos ngumisi ako hanggang tenga ,

" Malay ko hindi naman ako yung nanliligaw eh " Kinikilig na sagot ko at tumingin sa ground , ramdam na ramdam ko yung init nang pisngi ko ,

" Hindi pa ko nanliligaw Essa .. " Simpleng sagot niya pero halatang badtrip siya , natawa naman ako at sinilip siya at ganun nalang ang pag usok nang tenga ko nang makitang titig na titig pala siya saakin ,

" P-Patunayan mo , kung gaano mo ako kagusto .. " parang batang sabi ko , argh! Omg bakit ba ako umaarte nang ganito sa mokong na to ? nakakainis kapag inlove ! Urgh!

"Hindi kita gusto Essa , Mahal kita .." Walang bahid nang pag aalinlangan na sabi niya na halos ikatumba ko , t-tama pa bang pinag uusapan namin to? feeling ko nanlalambot lang yung tuhod ko eh , 

Lumingon ulit ako sa kanya at tumitig din sa mata niya at tsaka tinakpan ang bibig ko , kumunot naman ang noo niya at nagsalubong nanaman ang kilay niya ,

"Edi ... patunayan mong , m-mahal mo ko " Nahihiya nanamang sabi ko , bigla nalang namula yung muka ni Kit at umiwas nang tingin kaya ako naman ang nagtaka ,

" Wag ka ngang umarte nang ganyan , hindi bagay " Matalas ang dilang sabi niya kaya naman nawala agad yung kilig vibes ko at inirapan siya ,

" Anong problema sa muka ko Kit ? nainlove ka sa mukang to ---" Hindi ko pa natatapos yung sinasabi ko nang bigla siyang magsalita,

" Na tetemp akong halikan ka .." And this time bumalik lahat nang kilig vibes ko na halos umusok na pati tenga at ilong ko sa sinabi niya , sa pinaka tuktok nang utak ko nakita ko ang sarili kong sumuka nang rainbow ,

lumingon nanaman ako sa kanya pero hindi siya nakatingin saakin , siya naman ngayon ang nakahawak sa bibig niya at namumula habang nakatingin siya sa baba ,

Holy moly ! Kit Jimenez is Blushing ... g-ganito ba ang epekto ko sa kanya ?

* Bells Ring *

Binalik ko ang tingin ko sa ground at nakita ko ang mga studyante na naglalakad na pabalik nang kanya kanya nilang klase ,

" I think we should go now " Wika ko habang nakatingin sa baba ,

" Let's go "Rinig ko namang sagot ni Kit kaya naman tumalikod na ako at akmang maglalakad na nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinila na ako pababa , naalarma naman agad ako na baka may makakita saamin ,

Chasing RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon