It's been three days simula nang mag-viral ang mga video ko sa social media. Sinusubukan ko ng kalimutan ang mga nangyaring iyon pero hindi ko pa mabura sa isip ko ang lahat, kahit pinipilit kong magkunwaring parang walang nangyari. Mahirap, pero kakayanin kong makapag-move on gradually. I keep on reminding myself that everything will be alright. Soon. For now, it's okay not to be okay.
Madalas lang akong mag-isa sa kwarto ko. Halos hindi ako lumalabas. Nagmumukmok. Dito ko lang ginugugol ang buong araw ko. Napaka-unproductive. Isn't it?
In-advise pa naman ng newly found friend ko kuno na si Winston Cornejo na 'make yourself busy' daw. Ang kolokoy na iyon ay may pangalan pala na huli ko na lang nalaman through IG nang mag-DM siya sa akin the day after kaming magwalwal sa Comerio Central. I have no choice but to follow him back dahil sa sobrang kulit niya.
Sabi pa niya i-divert ko daw ang attention ko sa makabuluhang bagay kaysa palaging kong iniisip ang bangungot na nangyari sa akin. He proclaimed himself as The Expert pagdating sa pagmo-move on dahil daw naka-ilang heartbreak na siyang pinagdaanan. At iyon nga ang pinakahuli ay itong dahilan ng kanyang pagwawalwal din.
I never thought that guy is a freaking womanizer, too. Kaya pala dinadaan niya sa pa-cute moves ang mga babaeng tindera at mga customers nung gabing iyon. I must be an idiot to realize it too late.
WinstantLoverBoy99: Hey, tol! How are you doing? Are you following my advice?
I just heard a message alert tone in my IG. Pagka-check ko nito, I already have an idea kung sino itong istorbo. Speaking of the devil.
Hindi ako nag-reply. Binalik ko lang ang phone ko sa side table at sumandal muli sa head board ng kama habang nakalagay sa likod ng ulo ko ang mga kamay ko. After a minute of silence, sunod-sunod na ang message alert tone na natanggap ko. Wala na kong choice kung hindi magreply sa makulit na mokong na ito.
WinstantLoverBoy99: Are you watching comedy shows on youtube?
WinstantLoverBoy99: Are you regularly doing home exercises and workouts?
WinstantLoverBoy99: Do you talk to your family more often now?
WinstantLoverBoy99: MrDonkkaseu07, wag mo naman akong i-seenzone o!
WinstantLoverBoy99: Remember I'm only giving this helpful tips sa mga malapit kong kaibigan. Hindi ko basta-basta binabahagi sa iba ang mga susi sa madalian pagmo-move on. Luckily, your one of my close friends now.
I typed in my chat box abruptly.
MrDonkkaseu07: Are you bored? Wala ka bang ibang maisip na gawin at kailangan talagang mag-flood ka ng messages sa IG account ko?
Sa totoo lang, sinunod ko na ang ibang tips niya since two days ago. I do watch random several comedy vlogs and videos sa youtube. Naisingit ko na rin ang pag-ehersisyo ng kalahati o isang oras. Pero ang pangatlong advice na binanggit niya ay hindi ko pa rin kayang gawin. Nag-aalangan pa rin akong kausapin ang pamilya ko – lalong-lalo na si mama.
WinstantLoverBoy99: C'mon tol, I need to follow up on your progress. Hindi ka naman magdi-DM sa akin kung hindi ako ang unang magme-message sa'yo. He sent me a reply
MrDonkkaseu07: You don't need to do that! You don't owe me anything. Thanks for your concern anyway. Salese' din sabi nga sa kapampangan.
WinstantLoverBoy99: Hey, hey. Yes, of course I don't owe anything from you. Ikaw ang may utang na loob sa akin. Baka nakalimutan mo Mister Supladong Oppa.
BINABASA MO ANG
OUR TIMELINE (우리의타임라인)
RomanceIn the intertwining fates of Isagani Manansala and Ha Yoon Jeong, two individuals from different cultures, they meet in South Korea amidst a misunderstanding that sets their journey in motion. Years later, their paths cross again in the Philippines...