33장: Another Dilemma In Hang-Noy Restaurant

5 1 2
                                    


Simula nang malaman ni Mister Jeong na magkapit-bahay lang sila ng kanyang anak, tila nabuhayan siya ng loob na magkakaayos pa sila bago ang natakdang pag-alis niya pabalik ng Korea. Inamin niya sa akin na iyon na lang ang tanging hinihiling niyang mangyari – ang magkaayos man lang sila, kahit iyon lang daw ay sapat na sa kanya. Hindi na niya babaguhin ang isip ng anak niya kung desidido na talaga siyang umalis ng Pinas at bumalik sa Korea. Ang mas tanging nais lang daw niya ay maging okay muli ang relasyon niyang mag-ama.

Kaya may naisip akong paraan para makalapit si Mister Jeong sa anak niya ngayong araw. I'm hoping that this plan will work somehow. Pumayag naman ang matanda sa ideya ko.

"Are you sure she will accept this?" tanong pa niya sa akin na nagdadalawang-isip pang gawin ang plano. Sinabihan ko siya na dalhin niya ang sobrang ulam na nilutong chicken adobo sa unit number 600 kung saan naroon ang anak niya. Kahapon kasi hindi sila nagpang-abot sa condo dahil gabi na siya nakauwi dahil tinapos daw niya ang mga sales reports at kung anu-ano pang inasikaso sa restaurant.

"Yes, of course. Trust me it will work. Remember, this is your chance to get reconciled with her again before she will get back in Korea." kampanteng sagot ko na nakangiti pa.

Tumango-tango naman siya at sinamahan ko siya hanggang paglabas ng condo. Pinuntahan namin ang unit niya. Nang malapit na kami at ilang pulgada na lang ang distansya, tinapik ko ang kanyang balikat at saka sinabihan na 'good luck'.

"Thank you Isagani!" mahinang sambit niya at saka na siya huminga nang malalim pagkaharap sa pintuan. Lumayo na ko ng ilang hakbang at nagpasya munang panoorin siya bago ko naisipang bumalik sa condo unit namin.

I saw him pressed the doorbell after a while. Naghintay pa siya ng ilang segundo bago siya kumatok. Maya-maya pa ay binuksan na ng koreanang snorlax ang pintuan at tila nagmamadaling makalabas.

"What are you doing here?" rinig ko ang boses niya na may tonong pagkabigla nang makita ang kanyang ama sa tapat ng pintuan.

"Ha Yoon-a, jomsimeuro mwol jom gajowasso. Isaganiga yorihan i chikin adoboneun kkok mogobwa. Matssiseo. (Ha Yoon, I brought something for your lunch. You must try this chicken adobo which was cooked by Isagani. Try it. It's delicious.)" Masiglang wika niya at saka inaabot ang dalang pagkaing nasa container.

Ilang segundo din siyang natulala bago nakapagsalita. Hindi ko alam kung natutuwa siyang makita muli ang matandang koreano at malaman na magkapit-bahay lang sila, o sadyang matigas pa rin ang kanyang puso at walang pakelam kung makapit-bahay man sila. "I have no time for this. I'm going out." sabi niya na hindi man lang pinansin ang bitbit ni Mister Jeong at saka na niya ni-lock ang pintuan. Nagpatuloy na siya sa paghakbang nang hindi man lang pinansin ang effort ng tatay niya para sa kanya.

"Ha Yoon-a, igo gajowaso najunge mogora. (Ha Yoon, bring this and eat it later.)" pagsusumamo pa rin niya nang sinubukan niyang makahabol sa mabilis niyang paglalakad. Nakita kong papunta sa kinatatayuan ko ang koreanang snorlax at bahagyang napahinto nang makita niya ako. Kaya umiwas na lang ako ng mga tingin.

Nang makaharap na niya ako, huminto siya sa tapat ko at kinausap ako. "Hey, why don't you mind your own business and stop interfering with our personal issue?" mataray na singhal niya sa akin na hindi ko nagustuhan. Pero wala na kong nagawa kung hindi tanggapin ang inasal niya. Kaya napabuntong-hininga ako sa labis na pagkadismaya.

Nagpatuloy na siya sa paglalakad at iniwan akong nakakunot ang noo. Napayuko na lang ako nang makita kong umiiling-iling ang matandang koreano. Mission failed. We need to try it again.

"Don't worry Mister Jeong I will think another plan that will surely work." paniniguro ko na lang sa kanya at pinilit kong palakasin ang loob niya.

***

OUR TIMELINE (우리의타임라인)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon