16장: Mister Jeong's Backstory

10 1 0
                                    


Mabilis lumipas ang mga linggo. Dumaan ang mga buwan dito sa Gimhae. Simula nang makabalik ako dito sa Korea ay unti-unti akong nakapag-adjust muli sa trabaho at sa pamumuhay ko bilang isang OFW. Nung una, inaamin ko na may mga oras pa din na dinadalaw-dalaw ako ng homesickness lalo na sa tuwing mag-isa ako ay hindi maiwasang hindi maiisip ang pamilya ko pag-uwi ng bahay galing trabaho. Bigla ko silang mami-miss at magsisimula na naman mag-senti.

Pero mabuti na lang, may internet na at pwede ko silang matawagan anytime of the day at pwede ko din silang makita through video call. Syempre, ayoko pa ding ipinapakita at pinaparamdam sa kanila na malungkot ako o naho-homesick ako. As much as possible, ang positibong Isagani lang ang lagi nilang nakikita sa akin. Oo, inaamin kong hindi talaga madali ang mapalayo sa mga mahal sa buhay, pero kakanin ko ito para sa pangarap ko at para sa kanila.

"Ma, yung laging bilin ko sa inyo. Wag kang magbubuhat ng mga mabibigat. Kung hindi kaya, wag pilitin. Ipagawa mo kina Jericho o kung nandyan si Winston. Okay?" pagpapaalala ko sa kanya na may pagka-authoritative tone ang boses.

"Wag kang mag-aalala, sinaulo ko na yan mga bilin mo. Halos lingo-lingo mo na yan binabanggit sa tuwing mag-uusap tayo, tay." Biro pa niya sa akin na nagpangiti sa akin nang hilaw. "Daig mo pa ang tatay ko sayo, anak. Parang nabuhay siya sayo. Sobrang istrikto pagdating sa kalusugan. Ayaw na ayaw niyang nagkakasakit kaming mga anak niya. May pinagmanahan ka pala sa kanya." Kwento pa niya sa akin habang nakangiti.

"Syempre po ma, kailangan ko maging istrikto sa inyo para hindi nyo balewalahin ang mga dapat gawin." siryoso pa din ang tono ko para mas convincing ang sinasabi ko.

Sumabat naman si Jericho na nasa likod ni mama at nakita ko rin si Tina na karga-karga ang pamangkin kong si Gian. "Hmmn... wag kang mag-alala, bro. Nakabantay naman kami sa kanya dito. Hindi namin nakakaligtaan ang mga bilin mo sa amin."

I felt relieved upon hearing his statement. "Mainam kung ganon. Kumusta naman ang munting negosyo nyo dyan?" pag-iiba ko ng paksa para makakuha ng update tungkol sa lutong-ulam-business na ipinagpatuloy nila Jericho para daw hindi sila umasa na lang sa padala ko lagi. Saka hindi na din siya nag-apply ng trabaho at nanatili na lang sa bahay nang ma-monitor din niya si mama bukod sa pamilya niya. Pumayag naman ako, since two birds hitting in one stone ang ideya niya. Nagdesisyon siyang tulungan na lang si mama at ang asawa niya sa kanilang binebentang ulam sa harapan ng bahay namin.

"Ay hindi ka maniniwala. Mas mabenta ngayon ang ulam namin dito kumpara dati dahil kasama ng nagluluto si mama. Dumadami ang mga suki namin hindi lang taga-dito sa lugar natin." Pamamayabang niya sa akin. "Ang galing at sarap kasing magluto ni mama." Pahabol pa niya saka lumingon siya kay mama na ipinakita sa camera na nakangiti.

"O baka mapagod si mama. Wag nyo siyang masyadong pinapagod dyan. Pero magandang balita iyan, sana pumatok pa lalo. Malaking tulong sa inyo yan, hindi lang sa akin."

"Don't worry tol, hindi namin pinapagod si tita dito lalo na kapag weekend dahil pumapasyal ako dito para tumulong sa kanila." Sumabat naman si Winston na ikinagulat kong nandoon din pala nagse-separate ng mga clear plastic bag na ginamit niyang pambalot sa ulam. Pinakita sa akin ni Jericho ang spot kung nasaan siya nakapwesto.

"Aba, nandyan ka din pala. Mukhang inaraw-araw mo na ang pagpunta ah. Wala kaming pangpa-sweldo sayo," pagpapaalala ko sa kanya.

He chuckled on my remark. "No problem, tol. I'm not here for sweldo. Okay na sa akin ang libreng accommodation at libreng pagkain." biro pa niya na kinatuwa ng mga kasama niya, samantalang ako hindi man lang nag-react sa sinabi niya. "Lighten up a bit, tol. Masyado ka naman siryoso. Smile smile din paminsan-minsan." dugtong niya pagkatapos tumahimik ang lahat.

OUR TIMELINE (우리의타임라인)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon