Hindi na ko tumuloy sa meeting namin ni mommy Rossie bago magtanghalian. Tinawagan ko siya agad para magpaliwanag. Nung una akala niya nagdadahilan lang ako, pero nung ma-realize niya na iba ang tono ng boses ko at sobrang siryoso kahit sinubukan pa niyang mag-insert ng jokes during our conversation hindi pa rin ako napatawa o napangiti, kaya naniwala na rin siyang masama ang pakiramdam ko.
Sino ba naman ang hindi maaapektuhan pagkatapos kang sabihan ng mga words of farewell ng nag-iisang babaeng nagbibigay ng inspirasyon sa'yo bukod sa pamilya mo? She might not be aware of my feelings – but she was the only one who is closest to my heart that brings out the best in me. Hindi lang kaya bestfriend ang tingin ko sa kanya. Tsk!
Hanggang dito na lang muna, proud ako sayo dahil unti-unti mo ng nakakamit ang mga pangarap mo. Sana magtagumpay ka at umasenso sa buhay. Salamat sa lahat...
Aisshhh! Parang bigla akong nawalang ng dahilan para i-welcome ang day off na ito. At hindi ko alam kung paano ko ito maitatawid ang araw na ito.
Humilata na lang ako sa higaan ko, habang nakikinig ng mga KPOP mellow music sa playlist ko na lalong nakadagdag sa bigat ng nararamdaman ko. Pinagmamasdan ko ang kisame habang malayo ang iniisip. Gusto kong maiyak pero ayaw kumalas ng mga luha sa mata ko. Bakit ba ako masyadong apektado? In the first place, wala naman 'kami' ni Czarina. Am I being over dramatic?
Ganun pa man, itinuturing kong higit sa pagkakaibigan ang nabuong samahan namin sa nakalipas na mahigit limang taon. Hindi ko makakalimutan ang mga memories na meron kami ni Cza. Either good or bad times that we have made. I will forever treasure those precious memories that we've created.
Yung mga panahon kung paano kami nagkakilala sa fast food chain na pinagtrabahuhan namin as both working students noon, na dahilan kaya kami naging casual sa isa't-isa. Nalaman pa namin na we're both taking up HRM course in the same school. Hindi lang kami naging magkaklase noon sa Angeles City College because I'm ahead of one year from her. Kaya nasabi ko sa sarili ko that time – that she's quite familiar to me. It turned out na schoolmate pala kami all along.
Hindi ko rin mabubura sa alaala ko kung paano ako naging tutor niya sa ilang subjects noon, at dahil doon mas lalo pa kaming naging malapit sa isa't-isa to the point na yung ibang tao at pati pamilya ko – pinagkakamalan na may something sa relationship namin – like girlfriend-and-boyfriend-couple thing – which somehow makes my heart fluttered secretly.
Sayang. Bakit hindi pa naging kami officially during those times? Hindi sana ako nanghihinayang ngayon sa mga panahon na nakalipas.
Kung naging kami sana noon bago pa ako nag-abroad... may assurance na ako hindi niya ako susukuan, kahit LDR pa ang setup ng relasyon namin. Kung naging kami sana noon... alam kong mananatali kaming matatag kahit ano pang problema ang dumating. At higit sa lahat... kung naging sana kami noon pa ay hindi niya ko iiwan sa ere nang ganito kadali. Ugh.
Pero hindi eh – walang KAMI.
Stop beating yourself up, Isagani!
Ginawa na niya. Iniwan kana niya ako na wala mang sapat na dahilan kung bakit niya ito nagawa. And what made you think na hindi ka rin niya iiwan kung naging kayo na noon pa? C'mon Isagani!
Nahilamos ko ang mukha ko at iiling-iling na lang. Para akong siraulo na gustong magwala sa higaan pero hindi ko magawa. Sinubukan ko pang sipa-sipain ang unan na nasa paanan ko nang marahan para hindi makagawa ng kaluskos o ingay na pwedeng makaistorbo sa mga ka-roommate ko.
Gusto ko sanang iuntog ang ulo sa pader para matauhan. Pero hindi ko mawaglit sa isipan ko ang mga alaala tungkol sa kanya. Patuloy akong inaanod pabalik sa mga nakaraan. Hindi ko maalis ang sarili ko sa ang labis na panghihinayang sa nangyari.
BINABASA MO ANG
OUR TIMELINE (우리의타임라인)
Roman d'amourIn the intertwining fates of Isagani Manansala and Ha Yoon Jeong, two individuals from different cultures, they meet in South Korea amidst a misunderstanding that sets their journey in motion. Years later, their paths cross again in the Philippines...